Dirty Show: Her Uncovered Innocence

216 4 1
                                    

REVELATION 3

"Don't trust my mom, Irish. Don't trust everything that she said. She loves lying." Tahimik akong nakatingin sa namumulang mukha ni Luke. Para bang naghahalo ang galit at takot sa mukha niya habang sinasabi sakin na di ko pagkatiwalaan ang mommy niya. Bakit naman kaya hindi pwede? Sa totoo nga ang dami kong nalaman sa mommy niya at parang nabuhayan ang loob ko dahil sa pagkukwento nito.

"Irish?" Untag sakin ni Luke ng makitang parang tulala lang akong nakikinig sa kanya.

"Bakit ka affected, Luke? Kung tutuusin, nasa sakin na naman yun kung maniniwala ako sa kanya dahil gusto kong malaman lahat ng mga kasagutan sa mga katanungan ko. In fact, I feel thankful to your mom because she still tolerate my private question's about her and your father." Paliwanag ko.

"I said don't trust her. Don't trust her words, Irish. Mas lalo ka lang maguguluhan." Singhal niya. What's his point? Na ang hina ng pang-unawa ko so I should'nt trust anyone's story or opinion?

"Ang gulo mo, sobra!" Reklamo ko. Napahilot siya sa sarili niyang sentido. Nasa loob na kami ng kwarto niya habang naiwan mag-isa ang mommy niya sa kusina. Tutulong sana ako kay Tita kaso tong si Luke hinatak ako papasok dito na para bang hindi niya ina ang iniwan namin sa labas.

"Sarili mo lang dapat ang pagkatiwalaan mo if you want to surive in my world, Irish." Sabi niya at naglakad palapit sakin. Ano bang nangyayari sa kanya? May hindi pagkakaunawan ba sila ng mommy niya? But how come, I've seen them on our first day here with joy upon seeing each other again tapos sasabihin niya saking hindi mapagkakatiwalaan ang mommy niya. Plastik kaya to si Luke?

"Nag-away ba kayo ng mommy mo habang natutulog ako?" Prangka kong tanong sa kanya. Maliit na distansya nalang ang layo niya mula sakin.

"Here." Sabi niya na ikinabigla ko. Nice talking ang lalaking to. Di manlang sinagot ang tanong ko. Iniabot niya sakin ang isang white folder. Agad ko itong kinuha at binuksan.

"Pumunta ka sa school?" Tanong ko. Tumango lang siya.

"You have to spend a vacation with me para yan sa ikakabuti ng bata. I've seen that you're too busy in academic stuffs and have been exhausted, kaya I decided to brought you here." Paliwanag niya. Ang laman kasi ng folder ay isang aproval sheet ng aking vacation na pinirmahan na mismo ng mga professors from minor to major subjects at Dean ng College na pinapasukan ko. Ang lakas talaga ng impluwenysa niya lalo pa't siya ang nangangasiwa na ngayon sa halos lahat ng negosyo ng Don. Except to the sindicate group from the old, hidden basement na kasalukuyang pinanghahawakan ngayon ni Luz habang hindi pa ako pumapayag. But of course, I will never agree. Never. Mas pipiliin ko pang maglako at mabilad sa araw ng maghapon kesa ang mangasiwa at magbinta ng mga masasamang produkto.

"Thank you." Tanging nasabi ko. Tama siya kailangan ko ng pahinga. Nasasakal na ako sa mansyon. Gusto ko ng sariling kalayaan kasama siya kaya lang mukhang wala namang interes sakin ang lalaking to maliban sa ikama ako at magsilbing asawa ko habang nakaratay pa si Don Ilbus sa hospital. Pero totoo nga kayang hindi sila magkadugo ng Don?

"Luke, kumusta na si Nicole?" Dala ng sariling kuryosidad kung ano na nga ba talaga ang label nila nung babaeng yun kaya naitanong ko ito sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya. Sinenyasan niya akong umupo raw kami sa ibabaw ng kama. Oo nga, nangangalay na ako sa katatayo rito.

"I killed her." Agad akong napatingin sa kanya. Puno ng pagkabigla ang itsura ng mukha ko.

"That's a bad joke, Luke. You're just ki---" Hindi niya ako pinatapos at nabigla ako sa sunod na sinabi niya.

"Kailan mo ba ako nakitang nagbiro, Irish. You know that I take every thing seriously and with so much thinking." Nanuyo ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Pinatay niya ba talaga si Nicole? Pero...

"Lahat ng mga taong sumasagabal sa plano ko ay itinutumba ko kaagad without any single person knowing it. Take it as a privilege that you heard it raw in my bare mouth, Irish." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko because I suddenly feeling very nervous sitting beside him right now. Pakiramdam ko hindi siya ang Luke na kilala ko. Tama nga kaya ang mommy niya? That I still don't know the real Sebastian Luke Batalier?

"Wala sa plano ko ang pumayag sa gusto ni Don Ilbus, my foster father, to impregnate you Charlotte Dela Torre. But because its you, I altered all my fucking plans. Matagal ko na rin naman tong hiniling na mangyari so why not." Pakiramdam ko ay isinaksak ako sa malabong katotohanan. Anong ibig sabihin niya na because its me? Kilala niya ba ako dati pa? I suddenly remember the day when we did it on the first time. Tinawag niya ako sa palayaw ko dati na 'Lotte'. Nagkita na ba kami dati?

"You're still beautiful..." Nabigla ako ng mabilis niya akong dinaganan sanhi ng paglapat ng katawan ko sa kama. Napalunok ako sa sarili kong laway.

"L-Luke?.." Dread thoughts are making my throat dry. Sino ka ba talaga Luke?

"That's it. Call my name until you finally remember me, Lotte..." Tumulo ang luha ko sa mata habang seryosong nakatingin sa mukha niyang napakalapit sa mukha ko. Nakikita ko ang sarili kong nakahiga sa sarili niyang mga mata while we battle each others stare. Nakita ko na ba dati pa ang mukhang to?

"Sand berry..." Bulong niya sa tenga ko at bago pa man ako makapagsalita, his warm lips collided mine. Sand berry?
A giddy feeling started to drop in. Where did it all really started?

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon