Dirty Show: Her Uncovered Innocence

326 4 1
                                    

EFFLORESCE 5

"Luz, saan tayo pupunta?" Tanong ko. Nasa loob ako ngayon ng tumatakbong kotse kasama ang personal driver ng Don at si Luz. Kagagaling ko palang sa paaralan at nabigla ako ng sunduin nila ako at ngayon ay tinatahak namin ang hindi sakin pamilyar na daan. Imbes na sagutin ni Luz ang tanong ko ay nanatili itong tahimik at nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Halatang malalim ang iniisip niya.

Hindi na ako nagtanong uli sa kanya hanggang sa nakarating kami sa isang lumang bodega na sa tantya ko ay kalahati ang laki nito sa mansyon ng mga Batalier. Anong gagawin namin kaya rito? Ng lumabas sina Luz sa kotse ay sumunod rin ako. Naglakad kami papasok ng bodega. Wala akong napapansin ni isang bulto ng tao rito.

Nang nasa loob na kami ay akala ko uupo kami sa isang mesa na may apat na silya sa gilid ngunit hindi pala. Dumiretso pa silang dalawa papasok sa parang underground route kaya nag-aalangan man ay sumunod pa rin ako sa kanila papunta roon. Tahimik sa lugar na ito kaya di ko aakalaing pagkapasok namin sa pinakadulong parte ng underground ay bumungad ang isang malaking pinto na gawa sa makapal na bakal at ng pumasok kami rito ay nakita ko ang maraming tao sa loob. Maraming lalaki at may iilang mga babae at wala akong kakilala ni isa sa kanila.

"Luz, anong ginagawa natin dito?" Kinakabahan kong tanong ng mapansing may hindi tama sa loob. Naghahalo ang amoy ng alak, pabango at kung ano pang masangsang na amoy sa ilong.

"Ito ang illegal base ng mga Batalier, hija. Pumunta tayo rito dahil panahon na para lubos mong makilala ang lahat ng pagmamay-ari ng Don." Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Illegal base?

"I-Ibig...sabi---"

"Tama ka. May hawak na isang malaking grupo ng sindikato si Don Ilbus. Alam mo ba kung bakit may kinalaman sa negosyo ang kursong pinakuha namin sayo?" Nanlamig ako sa inusal ni Luz.

"A-Ayoko...hindi tama to!"

"Sa mismong pagpayag ng iyong ina na ipambayad ka sa pagkakautang niya sa Don, hindi na talaga tama ang lahat, hija. Wala ka nang panahon para umatras pa. Ikaw ang nakatakdang mamuno sa grupong ito ngayong nakaratay pa rin si Don Ilbus sa hospital." Napaatras ako sa sinabi niya. Ba't biglang nag-iba ang ugali niya. Pakitang tao lang ba ang pagturing niya sakin noon at ito talaga ang totoong ugali niya.

"P-Please Luz...ayoko. Si---" Muntik ko nang masabi na si Luke nalang ngunit naisip ko na ba't ko siya idadamay rito. Kung ayaw ko siguradong ayaw rin ni Luke na mangasiwa sa ganitong klase ng grupo.

"Alam ba ito ni Luke?"

"Hindi. Walang alam rito ang anak ng Don kaya wag mong sasabihin sa kanya. Dahil kapag nalaman ito ni Sebastian, buhay mo ang kapalit kahit pa asawa ka ng Don." Nagimbal ako sa mga sinabi niya. Ano bang buhay itong napasukan ko? Akala ko medyo luluwag na ng konti ang paghihirap ko ng makaalis ako sa tiyahin ko ngunit mas naging malala lang pala.

"Ito, subukan mo." Mas dumoble ang kaba ko ng ilahad ni Luz sakin ang isang maliit na plastik na may lamang puting pulbos.

"Ano y-yan?.."

"Subukan mo."

"Ayoko! Aalis na ako." Akmang aalis na ako ng bigla akong hawakan ng mahigpit ni Luz sa may pulsuhan ko.

"Huwag mong tatanggihan. Parte ito ng pagiging bagong miyembro mo sa grupong ito. Huwag kang mag-alala walang mawawala sayo kapag sinubukan mo ito, hija." Pangungunbinse niya sakin na lalong ikinagalit ko.

"A-Ayoko Luz! Please..." Pagmamakaawa ko ng may dalawang babae ang lumapit sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso para pigilan ako.

"Konti lang naman ito, hija. Masasanay ka rin." Sabi niya at mahigpit na hinawakan ang baba ko at pilit na sinusubukang ibuka ang bibig ko.

"W-Wag...Hmmpp!" Agad akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib ng malasahan ko ang pulbos. Halos mabilaukan ako ng parang nasa ilong ko na ito kaya nahihirapan akong huminga. Agad rin akong napa-hatsing. Hindi ko maipaliwanag ang eksaktong lasa nito.

Narinig ko ang malalakas na tawanan ng mga tao sa paligid. Agad na tumulo ang mga luha ko at nanghina ang aking buong katawan.

"L-Luke..." Mahina kong usal. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay hindi na ako nagtaka ng magsimulang dumilim ang paningin ko at ilang saglit pa ay nawalan ako ng ulirat. Sana ay isa lamang itong masamang panaginip at paggising ko ay makalimutan ko kaagad.

Nang dumilat ang mga mata ko ay nararamdaman ko ang sarili kong pawis na bumabasa sa buong katawan ko. Napaka-init sa pakiramdam. Bumungad sakin ang puting kisame at agad ko itong nakilala ng makita ko ang chandelier ng kwarto ko.

Ang sakit ng ulo ko. Nang maalala ko ang nangyari kanina ay agad akong napasubsob sa unan ko at dun umiyak. Hindi lang iyon basta masamang panaginip. Nanghihina man ay napilitan akong bumangon at pumunta sa banyo. Isang bagay lang umiikot ngayon sa isip ko. Ayoko na. Pagod na ako.

Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay agad kong hinanap ang matalim na detachable blade ng aking underarm shave. Ng makita ko ito ay agad ko itong kinuha kahit pa nanginginig ang mga kamay ko.
Sumasabay sa lagaslas ng tubig sa shower ang dugo ko. Gusto kong makaramdam ng sakit sa katawan at ito lang ang tanging paraang naiisip ko.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon