Dirty Show: Uncovering her Innocence

593 6 1
                                    

XIII

Wala sa sarili akong napa-unat ng mga sumasakit kong balakang. Unti unti ring bumukas ang mga talukap ng aking mata. Nasa kwarto parin ako kung saan nakuha ni Luke ang kabirhinan ko.

Tumingin ako sa loob ng kwarto. Wala na sa loob ang mag-ama. Mahina akong napabuntong hininga. Hindi ko lubos maisip na ganitong klaseng trabaho pala ang naghihintay sakin kapalit ng malaking perang inutang ng aking ina.

Di ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Sa isip ko, ang bata ko pa para maging ina. Ang bata ko pa para magdalang tao at magsilang ng sanggol. At kung tutuusin ikakasal pa ako sa isang matandang mayaman.

Bago ang lahat para sakin. Di ko nga lubos maisip kung gaano ko natiis ang ginawa namin ni Luke. Inaamin kong nagustuhan ko rin naman ang ginawa niya ngunit nangingibabaw parin ang sakit.

Ang sakit ng aking katawan at ang sakit na kumikirot sa aking dibdib. Ginagawa namin to kasi iyon ang gusto ng Don. Gusto ng ama ni Luke. Pambayad utang lang ako, ika nga ng tinuring kong tiya at pinsan.

Pakiramdam ko kung ganito palagi ang gagawin sakin ni Luke baka bumigay ang katawan ko. Kahit pa nararamdaman kong may konting pag-aalala sya sakin hindi mawala ang katotohanang kinukuha niya ako sa dahas.

Kasali pa kaya ito sa usapan nila ni Don Ilbus?

Naalala ko bigla ang pagtawag niya sa dating palayaw ko. Lotte.

Napukaw ang pagiisip ko ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok uli si Luz. May dala dala syang tray ng pagkain.

Lumapit sya sa kama.

"Kumain ka, hija. Masarap ang mga niluto ko para sayo." Sabi niya. Ang bait ni Luz. Para syang ina. Kung ikukumpara ko sila ng tunay kong ina, mas komportable  ako kay Luz.

"Luz, may anak ka po ba?" Tanong ko sa kanya habang sinusubo iyong mga hinain nya para sakin.

"Wala. Matagal na ako dito sa mansyon ng mga Batalier. Pinagbubuntis palang si Luke, andito na ako." Paliwanag niya.

"Ang tagal na pala. Ilang taon na po ba si Luke?" Tanong ko.

"Mas matanda sya sayo ng tatlong taon." Sagot niya. Kung ganun, mga dalawampu't isa na ang edad niya. Mukhang ang bata ng mukha niya para sa edad niya. Akala ko nga magkasing edad lang kami.

"Ubusin mo ito. Babalik nalang ako rito para kunin to. Magpahinga ka. Kung mababagot ka dito sa loob pwede ka namang lumabas dito. Pwede kang mamasyal sa loob ng mansyon." Paalala ni Luz. Tumango lang ako. Lumabas na sya ng kwarto.

Inubos ko iyong pagkaing binigay niya bago lumabas. Nababagot na kasi ako sa loob. Tsaka katutulog ko palang naman.

Pagkalabas ko bumungad agad sakin ang malalaking pasilyo. Ang laki nga talaga ng mansyon ni Don Ilbus. Kung lilibutin ko to baka sa susunod na linggo pa ako makabalik sa kwarto ko.

Nagsimula akong maglakad lakad balak ko lang naman kasi tingnan ang ilang mga nakalagay na mamahaling gamit sa mga pasilyo at pader ng mansyon.

Nagpatuloy ako sa pagtingin tingin ng mapansin ko ang isang kwarto na naka-awang ang pinto. Naisip ko baka may tao.

Kaya dahan dahan akong naglakad para dumaan lang sana ng marinig ko ang ungol ng isang babae. Napahinto ako at di sinasadyang napalingon sa loob ng nakaawang na pinto.

At gayun na lamang ang pagkabigla ko ng makita ko sa loob si Luke. May kasama siyang babae at may ginagawa silang nagpabilis ng tibok ng aking dibdib sabay ng pagkirot nito.

May iba pa syang sinisiping maliban sakin?

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon