Dirty Show: Her Uncovered Innocence

151 2 0
                                    

II

"L-Letty?.." Nanginginig ang labi ko habang tinatawag ang pangalan niya.

"Kumusta, Lotte? No. Mali pala, ikaw na pala si Irish...Irish Batalier." Puno ng pangungutya ang ekspresyon ng mukha niya. Parang hindi siya ang Letecia na kilala ko, ang matalik kong kaibigan sa probinsya.

"B-Bakit ka nandito?"

"Hindi mo ba ako namiss?" Sigurado akong may hindi tama sa mga nangyayari. Ba't napunta dito ang kaibigan ko? Hindi sana ako magtataka kung ang nobyo niya ang nandito pero siya, ang buong akala ko nasa probinsya siya dahil dun siya nakatira at nag-aaral.

"A-Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalala kong tanong. Kahit hindi ko lubos ikinagagalak na muli ko siyang nakita, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Alam kong may hindi talaga tama sa mga nangyayari lalo pa't narito kami kasama ang mga taong inakala kong mapagkakatiwalaan ngunit hindi pala.

"Ayos lang naman ako. Siya nga pala, halika na iuuwi ka na namin sa mansyon." Napaatras ako sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko.

"B-Bakit?.." Nangungusap ang boses ko. Tama nga si Luke, sarili ko lang ang dapat kong pagkatiwalaan. Dahil kahit ang nag-iisa kong kaibigan, umanib na rin sa masamang hangarin ng mga ganid na taong tulad nila Luz.

"Nakakatawa naman ang itsura mo, Irish. Wag mo nang itanong kung bakit ako nandito. Alam mo namang maraming nagagawa ang pera."

Unti unting nanghina ang buong katawan ko sa sobrang sikip ng aking nararamdaman. Ang sakit malamang ganito na siya ngayon. Mukhang pera na ang nagpapatakbo sa buhay niya. Ang akala ko nasa probinsya siya kasama ang pamilya niya pero hindi pala.

"Bitawan mo ako!" Singhal ko sa kanya ng bigla siyang lumapit sakin at akmang hahawakan ako. Katabi ko pa rin yung bruha at yung driver ngunit dahil nakagapos ang mga kamay ko kaya hindi ako makakalas at magawang makatakas sa kanila.

"Sshhhh...wag kang mag-alala, makakasama na natin mula ngayon ang isa't isa." Bigla akong naasiwa sa pagmumukha niya. Hindi siya ang Letty na kilala ko. Ang madaldal kong kaibigan na karamay ko anumang oras. Mapupula ang mga mata niya. Alam kong sabog ang diwa at katawan niya ng ipinagbabawal na gamot. Anupa't marami nito dito sa loob ng bodega at alam kong kahit si Luzinda ay gumagamit rin nito.

"W-Wag mo akong lalapitan! Umalis ka!" Para akong nagwawala na bata habang pilit na lumalapit sakin si Letty hawak ng isang kamay niya ang puting tela. Alam kong may pampatulog ito dahil ito rin ang ginamit ni bruha sakin kanina.

"Ayoko na sayo! Bit---" Napaluhod ako sa sakit ng biglang may matigas na bagay ang tumama sa batok ko. Biglang lumalim ang aking pandinig.

"BEA!" Rinig kong sigaw ni Luz. Kahit papano nakikilala ko pa ang boses niya.

"Masyadong pakipot kasi!" Singhal ni bruha. Nakita ko ang hawak hawak niyang baril na alam kong ito ang ginamit niyang  pampalo sakin. Unti unting lumapat ang katawan ko sa semento kasabay ng paglabo ng aking mga mata. Napakasama nila. Hinding hindi ko sila mapapatawad kahit si Letty. Tumulo ang luha ko sa mga mata at mataman kong tinitigan ang mukha nilang nanlalabo na sa aking paningin. Hindi ko kakalimutan ang araw na ito. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

Kung magigising pa man ako, pinapangako kong ipaghihiganti ko ang sarili ko. Sawa na akong mabuhay ng inaapi, pinapambayad, niloloko, at pinapaasa.

"Dapat ng ilipat sa ibang hospital si Ilbus. Iyong walang makakakilala sa kanya." Narinig kong suhesyon ng isang babae.

"Bakit kasi hindi niyo na lang patayin ang huklubang iyon!" Sabat naman ng isa pang babae. Nakasara pa ang mga talukap ng aking mata ngunit gising na ang aking diwa. Alam kong nakahiga ako sa isang malapad na kahoy na sa tingin ko ay isang upuan. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring natutulog upang pakinggan ang usupan nila.

"Hindi pa sa ngayon. Hindi sumipot si Luke, iba ang ipinadala niyang tao kina Seb." Paliwanag ng babae.

"Mukhang hindi naman kahinaan sa mga Batalier ang babaeng ito. Bakit hindi nalang siya ang una nating patayin."

"Nag-iisip ka ba? Isa pa, hindi mo ba naisip na maaaring ikagalit iyon ni Seb kapag nalaman niya ang katotohanan tungkol sa kanila ng babaeng to?" Nagpatuloy ang usapan nila at lalong napupuno ng maraming katanungan ang aking isip habang nakikinig sa usapan nila. Anong katotohanan ang tinutukoy nila at anong koneksyon ko sa manyakis na yun?

"Eh di wag natin sabihin. Total wala naman siyang kaalam alam hanggang ngayon." Kilala ko kung kaninong boses ito. Si Letty. Hindi ko makakalimutan itong ginagawa niya, nilang lahat. Tama nga si Luke, tanging sarili ko lang ang dapat kong pagkatiwalaan at simula ngayon iyon ang aking gagawin at paiiralin.

"Hindi tayo nakakasiguro na walang magsasabi nun kay Seb. Lalo pa't buhay pa ang kanyang ina." Nakikilala ko na kung kaninong boses ito, si Luz.

"Edi unahin nating iligpit ang babaeng yun. Nasaan ba siya ngayon?" Suhesyon uli ni Letty. Hindi ko pa rin lubos matanggap na ganito na siya ngayon. Dati rati mas isip bata pa siya sakin. Marami talaga ang pwedeng mabago ng pera sa isang tao, pati ang mabuting puso nito maaaring mapalitan ng masamang pag-iisip at hangarin.

"Yan rin ang naiisip ko. Ngunit kailangan muna nating malaman kung saan siya tinatago ni Luke." Komento ni bruha. Alam kong boses niya to. Malinaw na ang pandinig ko. Walang hiya siya. Pinalo pa ang batok ko ng dala niyang baril. May araw ka rin. Hindi ako papayag na hindi ako makalabas dito at makatakas sa kanila.

"Tama. Bea, ikaw na bahala sa paghahanap sa kanya. Ako na ang bahala sa mansyon at kay Ilbus. Ikaw naman Loraine, bahala ka na dito kay Irish. Bantayan mong maigi. Kailangan pa rin nating marinig ang desisyon ni Seb para sa kanya. Pupunta muna ako sa hospital." Mas lalo akong nanghihina habang nakikinig sa usapan nila. Bakit ba walang katapusang pasakit meron ang buhay ko. Para naman ako nitong isinumpang diwani ng isang Bathaluma. Jusko, sana ligtas si Luke at mahanap na ako. Kailangan ko ng taong magpapaalis ng sumpa na meron ang buhay at kay Luke ko ito iniaasa. Nawala man sa akin si Letty na tinuring kong kaibigan, ng dumating si Luke nagkaroon uli ng isang karamay at mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan.

Wala na akong narinig na usapan pa mula sa kanilang tatlo kundi mga yabag ng papaalis na mga paa at kung hindi ako nagkakamali, lahat sila ay umalis at iniwan ako. Ayoko pang buksan ang aking mga mata. Kahit papano, sa kalagayan kong ito ngayon hindi ko nakikita ang mga nakakaasiwang mukha nila lalo na si Letty. Buong akala ko isa siyang tunay na kaibigan ngunit binigo niya lang ako.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para iligtas ang sarili ko ng di umaasang darating pa si Luke. Alam kong umaasa pa rin ako sa kanya ngunit gusto ko rin namang may patunayan para sa sarili ko. Kailangan kong makatakas mula sa kanila.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon