Dirty Show: Her Uncovered Innocence

285 3 1
                                    

DISTRESS 2

Nakauwi kami ni Luke sa mansyon ng walang imikan. Hindi rin ako tumabi sa kanya sa loob ng kotse. Nasa loob na ako ng kwarto ko at inaayos ang mga gamit ko. Ilang minuto nalang mag-aalasais na at tatawag na si Letty. Una kong inayos ang mga gamit ko sa paaralan. Naka-locked ang pinto ng kwarto ko. Gusto kong mapag-isa ngayon.

Nang mapansin ko ang susing binigay sakin ni Luke sa ibabaw ng mesa ko ay agad ko itong pinulot at itinapon sa kalapit na trash bin. Ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay sinunod kong e-impake ang ilang mga damit ko na ilang buwan ko ring hindi nagamit. Mga damit ko pa ito nung nasa probinsya pa ako. Inilagay ko ito sa isang maliit na kulay itim na backpack bag. Ng mag-vibrate ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Lettey sa caller ID ay agad ko itong sinagot.

Hoy, kumusta?!

Unang bungad sakin ni Letty. Napangiti ako ng mapakla.

Ok lang.

Pagsisinungaling ko.

Asus, ang galing mong magsinungaling. So ano na, tutuloy ka pa ba?

Natahimik ako bigla sa tanong niya. Tutuloy pa ba ako? Ang totoo, sinabi ko na dati kay Letty iyong balak kong pag-alis dito mansyon kaya lang kailangang hindi mahalatang may kinalaman siya sa pag-alis ko baka kasi mapahamak siya.

Oo. Tutuloy ako. Buo na ang desisyon ko.

Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

Ok sige. Nasa byahe sina Marlon ngayon papuntang Maynila para magdeliver ng mga gulay. Sinabi kong sunduin ka sa may Cubao.

Gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Kahit papano may tumutulong pa rin sakin.

Salamat, Letty. Maraming salamat.

Ng marinig kong may kumakatok sa may pintuan ay agad akong nagpaalam kay Letty at itinago sa ilalim ng kama ko ang bag na dadalhin ko sa pag-alis. Dahan dahan akong naglakad papunta sa may pintuan at binuksan ito.

"Ma'am pinapabigay po ni Señorito." Sabi sakin nung katulong na kumatok. Akala ko si Luz. Tiningnan ko ang tray na dala niya na may lamang mga naka-slice na hilaw na mangga. Bigla akong natakam dun sa pagkain.

"Salamat." Pagkasabi ko ay kinuha ko ito at sinarahan uli ang pinto. Kakainin ko ito. Ito na ang huling araw ko rito sa mansyon. Kahit papano ay matitikman ang isa sa mga pagkaing kinatatakaman kong kainin.

Mamayang madaling araw ako tatakas rito. Tanging bag, phone at ang mga naipon kong allowance ang dadalhin ko para hindi hassle sa aking pagtakas. Tama lang na nagkausap kami kanina ni Luke. Sa kanya naman talaga nakasalalay ang desisyon ko. Kung hindi siya humindi kanina balak kong sumama sa kanya kahit saang lupalop man siya pumunta. Kahit mamuhay kami na parang daga sa kalsada basta kasama ko siya ay ayos lang.

Pero wala. Ayaw niya sakin. Mas nanaisin ko pang umalis rito at magpakalayo layo kasama ang batang nasa sinapupunan ko. Kahit huminto ako sa pag-aaral ay ayos lang. Kahit papano naman ay hindi na ako tulad ng dati na walang kaalam alam sa mga bagay sa mundo maliban sa kumain ng tatlong beses sa isang araw at maligo kung may bakanteng oras. Sisikapin kong mabuhay ng mag-isa at buhayin ang magiging anak ko galing sa pinaghirapan ko.

Ayoko siyang mabuhay sa pamamahay na ito. Oo nga, sobrang yaman ng mga Batalier pero hindi naman galing sa marangal na bagay ang yaman nila. Kaya hindi na ako magtataka kong ayaw umalis rito ni Luke. Kahit wala siyang alam sa grupo ng mga sindikatong pinangangasiwaan ng kanyang ama. Kung ayaw niyang umalis dito, ako gusto kong makalayo sa ganitong klaseng buhay. Hindi ko kailangan ang yaman nila. Bayad na naman siguro ang nanay ko sa pagkakautang sa kanila. Ginawa ko na ang gusto nila. Tumira ako dito, nagpakasal sa Don at inanakan ni Luke. Tapos...sinaktan.

Hay naku. Kung alam ko lang na mahuhulog ang loob ko sa kanya ay sana pala nakipagsiping ako sa kanya dati ng naka-blind fold para hindi ko nakikita ang napakagwapo niyang mukha.

Ng matapos kong maubos iyong hilaw na mangga ay agad akong pumunta ng banyo para maglinis ng katawan. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kama para magpahinga. Nakahiga na ako ngayon at iniisip kung ano ang magiging kinabukasan ko at ng magiging anak ko. Wala pang nakakaalam maliban sakin at si Luke na buntis ako kahit pa si Luz. Tatlong linggo palang naman akong buntis at nalaman ko lang ito dahil sa hindi na ako dinalaw. Gumamit rin ako ng PT para makasiguro.

Ilang sandali pa ay nakatulog na ako. Ng magising ako dahil sa alarm clock na ini-on ko kanina ay alas tres na ng madaling araw. Agad akong nag-ayos sa sarili ko at inayos ang dadalhin kong bag. Ng matapos na ako ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto kaya lang...

"L-Luke?.." Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timba ng malamig na tubig.

"Good morning." Kaswal niyang bati at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya ng mapansing may nakasabit na bag sa likod ko. Patay. Anong sasabihin ko?

"Papasok." Tanging nasabi ko. Tumaas ang isang kilay niya.

"Papalabas ka ng kwarto mo tapos sasabihin mong papasok ka?" Sarkastiko niyang tanong na nagpainis sakin.

"Aalis na ako!" Naiinis kong bulyaw sa kanya.

"Aalis ka kahit nakasuot ka lang ng tsinelas?" Tanong niya uli kaya agad akong napatingin sa supot ng paa ko. Oo nga pala,  suot ko pa rin yung tsinelas sa kwarto ko. Ano ba yan, nasaan yung sneaker ko?

I look at him with annoyance when I heard him chuckle. Iniinsulto niya ba ako?
At iyon na lamang ang ikinabigla ko ng hatakin niya ako sa kung saan.

Dirty Show: Uncovering Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon