Simula

1.4K 54 10
                                    

Simula

"KAMUSTA ang Dean's office, Kaye?" natatawang tanong sa 'kin ni Daimler nang pabalibag kong ibato sa upuan ang dala-dala kong bag.

Hinihingal na kumuha ako ng tubig sa dispenser saka nilagok iyun.

"Nakaka-ilang record ka na ba ngayong sem?" sabat naman ni Mickel.

Pinunasan ko ang labi kong nabasa ng tubig saka natatawang naupo. Itinaas ko pa ang paa ko sa mesa at idinapa ang kamay sa likod ng upuan.

"Ul*l! Anung tingin niyo sa 'kin? Basta na lang magpapahuli?" ani ko, saka ngumisi.

Gaga kasing Elyce 'yun. Masyadong lampa, sinabi kong tumakbo ng mabilis, nadapa pa. Kaya nang magkabukingan, siya lang 'yung nahuli nung mga officers ng SBO ng Agriculture office at diretso sila sa opisina ng Dean.

Sasama-sama sa 'kin, hindi naman pala kayang panindigan ang ginawa namin.

"Ikaw na! Anong nangyari kay Elyce n'yan? Nahuli ba? Baka isumbong ka rin nun."

Tinawanan ko si Daimler. "Relax ka nga! Para kang bading kung kabahan! Hindi 'yun magsusumbong. Nandun naman si Reishi kaya silang dalawa ang nahuli."

Natatawa talaga ako sa t'wing naiisip 'yung mukha ng mga officers. Hindi nila inasahan na may makakapasok na taga-ibang building at bubulabugin sila doon. Pero sorry na lang sila. Asa namang magpapahuli ako.

"Nasan na 'yung mga nakuha mong kalamansi?"

Binato ko kay Mickel ang bag saka inilahad ang kamay ko sa kanya. "Malalaki iyang kalamansi. Kaya dapat malaki din ang bayad."

Binuksan naman nito ang bag saka natatawang kinuha ang mga kalamansi. "May nakuha din ba sina Elyce saka Reishie?"

Tumango ako saka tinali ang buhok ko. Tinatamad ako magsuklay kaya messy bun na lang. "Oo pero baka nandun na 'yun sa Agriculture building. Baka sinuli."

"Bale ikaw lang ang nakagawa ng deal?"

Ngumisi ako saka tinaas ang sleeves ng uniporme ko. Ang init kasi. Sira ang aircon, hindi nagana.

"Obvious ba? Kung nandito silang dalawa, eh di kaming tatlo ang nakagawa nung walang kwenta mong deal."

Kagabi kasi ay birthday ni Mickel at wala akong regalong naibigay sa kanya kata pinagawa ako ng dare. Lecheng dare na 'yan, halikan ko daw si Daimler. Eww lang ha. Hindi ko tinatalo ang sarili kong kaibigan.

Pero syempre hindi ako pumayag, kaya ayan kinabukasan kahit masakit ang ulo dahil sa hang over, ginawa ko itong sinabi niyang pumunta sa college ng agriculture at mamitas ng mga kalamansi, na mahigpit na pinagbabawal dahil--ewan, basta pinagbabawal. Hindi ko alam, hindi naman ako taga doon.

"Pano? Inom tayo mamaya pag-uwian? 'Yung bagong bukas na bar na sinasabi ko sa inyo last week, gusto kong i-try. Libre ko na, don't worry."

May nakita akong nakakalat na notebook sa kabilang armchair kaya inabot ko 'yun at pinunit ang naunang pages saka nilakumos at binato kay Mickel.

"Hoy! Ogag! Alam kong rich kid ka! Pero 'yung bayad mo sa 'kin sa ginawa kong kalokohan. Nasaan na?"

Kakamot-kamot naman itong dinukot ang wallet niya saka nag-abot sa 'kin ng dalawang libo.

Tumaas ang kilay ko. "Ba't ito lang? Pano pala kung nahuli ako kanina at natanggalan ng scholarship sa mamahaling school na 'to, kaya mo bang sustentuhan ang tuition ko?"

"Kaye, mamaya ko na iaabot 'yung tatlong libo sa bar. I'm out of cash right now."

Umismid ako saka binulsa ang pera. Pambili na din 'to ng bagong sapatos.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon