Kabanata 10

547 39 17
                                    

Kabanata 10

Hinahamon

KUNG palakihan lang ng problema, malamang panalo na ako. Paano ba naman kasi, hawak ngayon ni Kartini ang buhay ng magulang ko. Hindi naman literally. Pero kasi, oras na hindi ko sundin ang gusto niya, susugod siya dito sa bahay at magpapakilala bilang jowa ko.

Nakakakilabot lang i-imagine. Naiisip ko nang sisinghalan ako ni Nanay tapos ipagtatanggol ko ang sarili ko sa kanila, pero hindi sila maniniwala sa 'kin. Sa mukhang bad boy ba naman na si Kartini, malamang, sa kanila 'yun maniniwala. Kaya kung sakali mang magpaliwanag ako, wala pa rin sense.

"Ang laki ng buntong hininga mo, Nak. May problema ka ba? Wasak ba ngayon ang puso mo? May nobyo ka na?" sunod-sunod na ani Pare.

Napangiwi naman ako at akmang magsasalita kung hindi lang bumulsot si Nanay mula sa kusina at ang sama ng tingin sa 'ming dalawa.

"Anong kasintahan pinagsasabi mo, Baldo?" pasigaw na aniya saka bumaling sa 'kin. "Nagpapaligaw ka na,  Angelica Kaye? Di 'ba ang sabi ko sa 'yo, bawal ka pang mag-nobyo? Ikaw talagang bata ka." Sumugod siya sa tabi ko saka ako kinurot sa tagiliran.

"A-aray naman, Nay. H-hindi naman totoo." Sinasabi ko na nga ba. Anu pa kaya kung natuloy dito si Kartini, malamang ay hindi lang kurot sa tagiliran ang inabot ko. Pota naman!

"Siguraduhin mo lang. Dahil oras na malaman kong may nobyo ka na, lagot ka sa 'kin."

Tumango-tango ako saka sinamaan ng tingin si Pare. Paano ba naman kasi, kasalanan niya 'to.  Kung hindi siya nagsabi ng ganun, malamang ay hindi ako makukurot.

"Sorry na anak kong maganda."

Pasimple akong umirap sa kanya para hindi makita ni Nanay. "Dagdagan mo baon ko bukas." At napangisi ako nang tumango-tango ito.

Hay! Ang gulo ng pamilya namin. Kung gaano ako katakot kay Nanay, si Pare naman sunod ako sa layaw. Kaya siguro ganti-gantihan lang.

Matapos ang dinner namin ay ako na ang naghugas ng plato. Pampa-good shot lang sa aking badtrip na butihing Ina. Matapos nun ay pumasok na ako sa kwarto para mag-aral. Pero hindi pa man ako nakakakuha ng libro nang tumunog naman ang cellphone ko.

Napatili pa ako sa inis nang makita ang pangalan ni Kartini na tumatawag. Bahala siya d'yan! Nakakainis!

Mayamaya ay natigil rin ang tawag pero naka-tanggap naman ako ng text galing sa kanya.

From: Kartini Fischer

Answer it. I'm getting my car key now.

Pota talaga! Matapos kong mabasa 'yun bumangon ako sa higaan saka ni-lock ang pinto ng kwarto ko. Baka kasi biglang pumasok si Nanay. Isipin pang mayka-call center ako.

Sakto namang pagkabalik ko sa higaan ay muling tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod pa akong nagmura sa isip ko bago 'yun sinagot.

"Hello my Lady," bati niya sa kabilang linya

Pota! Naghalo na ang inis saka malakas na pagkabog ng diddib ko.

"Don't call me that!" masungit na ani ko, pinipilit na 'wag sumigaw sa takot na baka marinig ako nila Pare.

Tumawa ito sa kabilang linya. "Stop being harsh to your Baby, my Lady. You want me to get my car key now and drive to your house?"

Napangiwi ako. Baby? Baka Baby Damulag. Sa sobrang tangkad niya, iyun ang bagay sa kanya.

"Ikaw naman, Kartini. I-I'm just joking. So, why did you call me?" Pota! Maubusan ka sana ng load.

"What do you call me, Lady? Who am I? What's my name?"

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon