Kabanata 2

680 36 10
                                    

Kabanata 2

Dwarfy

ANO raw? Tama ba ang dinig ko? Tinatanong ako ng nerd na 'to kung gusto ko pa rin makipag-anuhan sa kanya?

Luh! "Gago ba you?" Inis kong inalis ang pagkakapulupot ng kamay niya sa beywang ko bago ako tumingkayad at malakas na inuntog ang noo ko sa noo niya saka binigyan siya ng suntok sa sikmura.

"Fuck!" mura niya, hindi alam kung alin ang uunahin sa nasaktan sa kanya. Napasandal siya sa isang sasakyan habang nakatungo at hinihimas ang kanyang t'yan at noo.

Serves you right! Ganyan ang napapala ng mga gagong gusto akong gaguhin.

Umismid ako. "Sa susunod umayos ka ha? Anong sex? Ul*l! Maghanap ka ng babaeng papatol sa 'yo. Boy-sumbong!" Umirap ako saka bumalik sa loob ng venue ng party.

Badtrip ampota. Hindi ba siya makaintindi na dare lang 'yung kanina? Hindi ako tahong na bubuka na lang basta. Dalagang maton to uy.

Bibigwasan ko muna ang mga lalakeng magtatangka sa 'kin bago pa nila ako mahawakan. Hanggang landian lang ako. Pero conservative 'to dre!

"Kaye, what happened to you? Mukhang badtrip ka na naman? May nakaaway ka ba?"

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko saka ang sleeves ng itim kong T-shirt bago uminom ng juice--na lasang alak na naman.

"May nagtangka na naman sa kagandahan ko. Hindi na makapagpigil. Sabihin mo nga--" Pinunasan ko ang labi ko. "Ganun ba ako kaganda sa paningin ninyo at may nagkakainteres sa 'kin? Partida, wala pa akong ayos nito ah," salubong ang kilay na tanong ko kay Mickel.

Natawa naman ito saka inakbayan ako at binaon ang mukha ko sa kilikili niya.

"Putragis, Mickel!" Tumayo ako. "Gusto mo bang ma-sample-an?" Badtrip! Pawis na pawis ang gago tapos aakbayan lang ako. Ang eww ha!

"Sorry na Kaye, sorry na."

Tumango ako. "Umayos ka ah." Sinamaan ko siya ng tingin. 'Wag niya akong mabiro-biro lalo na't mainit ang ulo ko ngayon.

"Naglalambing lang naman ako sa 'yo."

Ngumiwi ako. "Yuck! Pwe! Jowa ba kita para lambingin mo ako? Hoy Mickel! Hindi tayo talo. Nakuha mo? Walang talo-talo. Hindi ginagawang jowa ang tropa."

Siya naman ang napangiwi at ginulo ang buhok. "Ang dami mo namang sinabi. Gusto mo ba ng panibagong dare? I have extra money here--"

Tumayo ako at sinabunutan siya saka sumakay sa likod niya. Pinulupot ko ang mga paa ko sa beywang niya saka iniyakap ang mga kamay ko sa leeg niya. "Wala munang dare na magaganap. Masyado mo na akong inuuto."

Anong tingin sa 'kin ng gagong 'to? Mukhang pera at parating gagawin ang dare niya? Pwede rin naman. Pero 'wag na muna ngayon. Baka sa susunod, hindi na lang Dean's office ang abutin ko.

"Tangina Kaye! Ang bigat mo!" reklamo niya pero hindi naman ako pinapaalis sa likod niya.

"Weak mo naman. Dali na. Labas tayo."

Naglakad nga palabas ng venue si Mickel. "Saan ba tayo pupunta?"

"Gusto kong gumawa ng kalokohan pero wala ako sa mood. Gusto mong mag-make out tayo?"

Pinigilan kong matawa nang matigilan ito at sunod-sunod na nagmura.

"Tangina naman Kaye!"

"Ba't ka pinagpapawisan ha? Naniwala ka naman? Gago." Napahalakhak ako at sinabunutan siya.

Bumaba ako mula sa likuran niya at hinila papuntang parking, sa sasakyan ni Daimler. Mabuti na lang at wala na si Boy-Sumbong sa pwestong pinag-iwanan ko sa kanya kanina.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon