Kabanata 11

599 37 11
                                    

Kabanata 11

Request

TULUYAN  na nga talaga akong kinain ng espirito ng alak at pinatulan ko ang sinabi ni Kartini. Imbis na kabahan dahil sa sinabi niya, mas lalo ko lamang siyang gustong asarin.

"Really? What if you get me pregnant? Will you take responsibility to me and your child, Baby?" Tumingkayad ako at hinalikan siya sa kanyang baba. Namumungay ang matang nginitian ko siya matapos.

Bumuga siya ng hangin at hinapit naman ako sa beywang. At masyadong naging mabilis ang pagkilos niya dahil namalayan ko na lamang na nabuksan niya na ang pinto ng backseat ng sasakyan na kinasasandalan ko at tinulak niya ako doon pahiga. Agad niya akong kinubabawan at dumukwang siya sa gilid ng tenga ko.  Napatili pa ako dahil dun.

"Don't worry, I don't want you to get pregnant early." Umayos siya sa ibabaw ko saka ako tinitigan sa mata. "So, I'll wear protection, Dwarfy."

Pota! Bigla akong pinagpawisan ng malapot. Kinabahan kasi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na seseryosohin n'ya ang biro ko.

Napakurap-kurap ako saka natawa ng pilit. Tinulak ko siya sa balikat para makaalis siya sa ibabaw ko. Hindi ko inaasahan na may ganito siyang side. Parang nung unang encounter lang namin ay diring-diri siya dahil inaya ko siyang makipag-anu sa 'kin dahil sa dare nila Mickel. Pero ngayon...

"Hehe. Anu ka ba naman. I'm just kidding, Baby. Get off me now."

Sinamaan niya ako ng tingin. "I'm telling you, Kaye, don't joke about that thing on me. I might take it seriously."

Ngumiwi ako saka tumango-tango. Asa namang makikipag-anuhan nga ako sa kanya. Duh! Dalagang Filipina 'to uy!

"Y-yeah. Get off me now and drive me home. I'll just take a nap first." Tumagilid ako ng higa sa backseat saka pinikit ang mata.

Nang maramdaman ang pag-alis niya sa ibabaw ko at ang pag-sara ng pinto, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang lakas lang kasi ng kabog ng dibdib ko sa t'wing nandyan si Kartini. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan pero sa twing naryan siya, parati akong nagkakaganito. Para akong aatakehin lagi sa kaba.

Kahit na ngayon na ramdam ko na ang pag-alis ng sasakyan, hindi pa rin mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko kaya itinulog ko na lang.

Mayamaya ay naramdaman ko ang pagtapik niya sa pisngi ko at ginigising ako. "Wake up now, Dwarfy. We're already here."

Sa inis ay tinabig ko ang kamay niya. Pota! Inaantok pa ako eh!

"If you don't get up at the count of three, I'll carry you up to your house. And I'll gonna introduce myself to your parents as your loving boyfriend--"

"Heto na nga! Babangon na!" Sinamaan ko siya ng tingin saka tinabig siya sa balikat para makalabas ako ng backseat. "Let me get through."

He shook his head saka dumukwang, inilalapit ang mukha sa 'kin. Nakatayo siya sa labas habang nakayuko malapit sa mukha ko. "Give me a kiss first," malambing na aniya, hinahaplos na ang kanang pisngi ko.

Umirap ako. "Ang demanding mo!" Parang nung kelan lang doon sa unit niya, natatandaan ko pa, tinudyo ko siyang hahalikan ko pero kinaladkad lang ako palabas. Tapos ngayon, hindi ako palalabasin hangga't hindi siya hinahalikan.

"I'm waiting, my Dwarfy."

"What if I don't give you a kiss, huh? What? You will come with me to our house to meet my parents?" D'yan kasi siya magaling. Sa pamba-black mail sa 'kin. Palibhasa alam niyang susundin ko ang gusto niya.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon