Kabanata 5

585 37 7
                                    

Kabanata 5

Number

"ARAY!"

Tila nawala ang lasing at antok na nararamdaman ko nang maramdaman ang pagtulak sa 'kin ni Kartini hanggang sa kinaladkad niya ako papalabas ng unit.

"Hoy! Dahan-dahan naman!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa palapulsuhan ko pero kinunutan niya lang ako ng noo matapos niya akong madala sa labas.

"What?"

"I said, please be gentle--I mean, you don't have to drag me! Lalabas akong kusa!" Nababadtrip na tuloy ako sa itsura niya ngayon. Parang diring-diri sa 'kin nang tangkain ko siyang halikan kanina. Asa naman siya! Sinusubukan ko lang naman kung magte-take advantage siya sa lasing na tulad ko. Pero hindi eh! Masyadong malaki ang paninindigan.

Oh, eh di siya na! Ang arte lang!

"Why did you do that!? Why do you have to kiss me?!" madiing aniya, ginulo ang buhok saka sinamaan ako ng tingin.

Natawa ako saka pinasadahan siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na naka-pajama na siya at sandong dark blue. Matutulog na ata.

"Why? Is that your first kiss, if ever? huh?" may panunudyong ani ko.

Muli nitong pinasadahan ng kamay ang buhok. "I don't have to answer that."

Ngumisi ako. "Oh, okay. Let me think then that your lips are still virgin."

Akala ko'y mapipikon ito sa sinabi ko pero parang wala lang itong narinig at nag-face palm lang.

"Go home now, Dwarfy." Binalibag niya pasara ang pinto.

Nangibit balikat ako. Tatawanan talaga kita kapag nagkanobya ka ng Pinay! Ako ang magiging number one haters ninyo!

"Saan ka ba galing Kaye? Kung di ka pa dumating iniisip na namin na may kaanuhan ka na rin ngayon!"

Binatukan ko si Mickel pagkabalik ko sa unit ni Reishi. Mukha namang hindi nila ako hinanahanap at sarap na sarap pa sila sa alak na iniinom nila.

"Umuwi na tayo."

Kinabukasan ay sermon na naman ang inabot ko kay Nanay dahil halos hindi na ako bumangon sa higaan at antok na antok pa ako.

"Sinasabi ko sa 'yo Angelica Kaye, namumuro ka na! Umalis ka na naman mamayang gabi, makikita mo--naka-empake na 'yang mga damit mo. Lumayas ka na lang."

Kaya nang pumasok ako ay hindi ko na muna pinansin sina Mickel. Bukod sa masakit ang ulo ko'y kinukulit na naman nila ako. Kaya saktong nag-dismissed ang Prof ay agad na rin akong lumabas. Vacant ng isang oras kaya tatambay na muna ako sa may hagdan papuntang fourth floor.

Tinawag pa ako nila Mickel pero hinayaan ko na lang. Pinikit ko ang mga mata ko matapos kong maupo. Nagsuot na rin ako ng earphone para walang mang-istorbo sa 'kin. Pero ang totoo ay wala naman iyung sounds.

Mayamaya ay nakaramdam ako ng kung sinong paglapit sa 'kin hanggang sa maupo ito sa tabi ko. Pabango pa lang, alam ko nang si Kartini 'to kaya hinayaan ko na lang.

"Does your head hurts...? Here."

Idinilat ko ang mata ko dahil sa pagdampi ng kung anong bagay sa pisngi ko. Pagtingin ko, tatlong tsokolate kagaya ng binigay niya nung nakaraan.

Nang nakalipas na ang ilang minuto na hindi ko pa rin kinukuha iyun ay nangibit balikat lamang siya at naupo sa tabi ko.

Umusog ako ng konti papalayo sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ko, inagaw na sa kanya ang chocolate at baka magbago pa ang isip niya.

"I got bored in the class. The professor's too boring that I almost sleep. And he made me go out. I'm rude, that's what he said."

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon