Kabanata 6

609 42 17
                                    

Kabanata 6

Jealous

"HATID pa ba kita sa looban, Kaye?"

Umiling ako kay Daimler bago bumaba sa sasakyan. Tinanguhan ko sila ni Reishi dahil sila na lang dalawa ang gising.

"Hindi na. Salamat sa paghatid."

Hindi ko na hinantay na makaalis ang sasakyan at diretso na akong naglakad pabalik sa 'min. Naabutan kong bukas pa ang ilaw sa sala at ganun din ang TV. Samantalang si Pare naman ay natutulog na sa sofa.

"Pare." Tinapik ko ito ng mahina sa pisngi. "Doon ka na sa kwarto niyo ni Nanay. Ano? Hinintay mo pa ba ako o outside the kulambo ka na naman?"

Bumangon naman ito saka humikab. "Both Anak. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga."

Tumango naman ako saka nagpaalam na.  Nagpalit ako ng damit at naghilamos. Matapos nun ay nahiga na ako. Akmang isasara ko na ang mata ko nang may maalala.

Napabangon ako at kinuha ang cellphone ko. Matagal ko iyung tinitigan bago napagdesisyunan magtipa ng message para kay Kartini.

To: Kartini Fischer

Just got home.

Humikab ako saka muling nahiga. Ipinatong ko ang cellphone sa tyan ko saka matagal na tinitigan ang kisame. Iniisip ko lang kung bakit ang mga butiki kahit anong hirap ng position nila, nagagawa pa rin nilang kumapit sa kisame. Partida, pabaliktad pa. Samantalang 'yung mag-jowa sa kapitbahay namin, hiwalay na.

Kung kaylan nabuntis, saka nagloko. Mga gago talaga ang mga lalake. Kaya mabuti nang ganito. Single, walang pinoproblemang iba.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan, may reply galing kay Kartini.

From: Kartini Fischer

Okay.

Pinatay ko ang cellphone ko saka di na nagreply. Wala talaga akong load. Balance lang 'yung pinangtext ko sa kanya kanina.
At hindi naman kareply-reply 'yung text niya.

Saka isa pa 'yan. Dumagdag pa sa iniisip ko. Bakit niya kaya hiningi ang number ko? Bakit gusto niyang ipaalam ko sa kanya kung nakauwi na ako? Ano trip niya na ako ngayon? Asa naman. 'Di ko siya trip. Saka hindi naman ako assuming katulad ni Elyce na kung anu-ano na ang sinasabi.

Di bale nang manhid 'wag lang maging assumera.

Muli akong napahikab saka pinikit ang mga mata ko. Kinabukasan naman ay antok na antok pa ako pero si Nanay ay wala nang tigil sa pagbunganga dahilan para magising ako.

"Angelica Kaye! Buksan mo nga itong pinto ng kwarto mo! Ba't mo ni-lock?"

Hays! Nakapikit na kinapa ko ang unan sa gilid ko saka iyun tinakip sa mukha ko. Nilo-lock ko talaga ang pinto ng kwarto ko kada weekend para 'wag nila akong istorbuhin kung sakali mang magpuyat ako. Parati namang ganyan si Nanay kaya sanay na ako.

"Angelica Kaye! Ano? Buksan mo sabi 'tong pinto at kukunin ko ang mga uniporme mo at lalabhan ko na."

"Mamaya na," ungol ko saka nagtalukbong pa ng kumot.

Antok na antok pa talaga ako at anong oras na akong natulog pagkagaling sa bar.

"Angelica Kaye! Isa! Kapag hindi mo 'to binuksan, sinasabi ko sa 'yo hindi ka talaga makakagala kasama mga kaibigan mo!"

Alerto naman akong napabangon dahil sa narinig. Kahit masakit ang ulo ay kinuha ko ang mga damit na pinaghubaran ko bago binuksan ang pinto.

"Nay, oh." Inabot ko sa kanya ang hawak ko. Pupungas-pungas pang kinusot ko ang mata ko.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon