Kabanata 15

613 44 15
                                    

Kabanata 15

Ipagkakatiwala

ILANG ARAW pa ang lumipas at  bukas ay birthday na ni Reishie. Nag-celebrate na siya with his parents last week dahil nga aalis na naman ang mga ito papuntang ibang bansa. Kaya kaming magto-tropa ay nagpa-planong sa condo niya lang magce-celebrate. May mga kaibigan si Reishie sa ibang college kaya baka marami rin ang dumalo.

"Anong regalo binili mo para kay Reishi mo, Elyce?" tanong ni Daimler.

Ngumuya ako sa fries na libre ni Mickel.  Nasa cafeteria kami ngayon at pasimple kaming tumakas sa klase. Bakit ba eh sa nagugutom ang Dyosa.

Hindi pa man nakakasagot si Elyce ay sumabat na ako. Pero bago 'yun ay sinulyapan ko muna si Reishie na nakapila sa may counter.

"Pagkababae mo ba ibibigay mo?" ani ko, busy sa kinakain ko.

Biglang humagalpak ng tawa si Daimler at Mickel dahil sa tanong ko. Si Elyce naman ay namula at hinila ang buhok ko.

"Oh my God, Kaye! Shut up! You're disgusting! Eww! Hindi pa namin--just shup up! My God!" tila maiyak-iyak na sabi nito.

Umismid ako at lumipat ng upuan. Grabe naman kasi makahila ng buhok. 

"Bakit ba? Natural na 'yun sa panahon ngayon. Don't worry, sagot ko na condom. Bili ako mamaya sa drug store," ani ko, ngumunguya pa rin.

"Tangina! The best ka talaga, Kaye. Gusto mo bang samahan kita mamaya?" sabat ni Mickel.

Umismid ako. "'Wag na. Baka isipin ng iba, tayo 'yung mag-aanu. Di tayo talo ano."

Nailing na lamang ito habang si Daimler naman ay tawa lang nang tawa.

"My God, 'yan ba 'yung effect ng pagiging broken mo, Kaye?"

Natahimik sa mesa. Pakiramdam ko ay nagslow motion ang pagnguya ko dahil sa sinabing 'yun ni Elyce. Tinamaan ako dun ah.

Kung hindi lang si Reishi ang pumutol ng katahimikan ay talagang walang magtatangkang bumasag nun sa 'min.

"Ang tahimik niyo. Kanina lang, naririnig ko pa 'yung tawanan ninyo sa counter. What's wrong?" anito.

Pabagsak kong binaba ang kamay ko sa mesa at tumayo. "Naka move on na ako 'no," sabi ko saka nag-walk out.

Gagang Elyce 'yan. Kung hindi ko lang kaibigan ay baka sinapok ko na siya. Bakit niya pa babanggitin 'yung tungkol kay Kartini eh tinapos ko na ang lahat sa 'min. Binlock ko na nga number nun at facebook. Pina-ban ko na rin sa Barangay namin at kahapon lang ay nakita kong nandun nakatambay sa may labasan. Kahit ang lakas-lakas na ng ulan, hindi man lang sumilong.  Muntangang nakatingin lang sa 'kin.

Sinaktan niya na ako kaya bahala siya sa buhay niya. Hindi lang siya ang lalake dito sa mundo. Mahal ko ang damulag na 'yun pero hindi ako magpapakatanga sa pagmamahal sa kanya. Uso ang move on. Duh.

Maganda naman ako, madami pang magkakagusto sa 'kin dyan. Hindi 'yung may jowa palang berde ang mata. Pinoy ako, kaya itim ang mata ko. Imbyerna pota! Wala akong panama sa ganda nun. Matangkad pa. Samantalang ako, Dwarfy ang tawag niya sa 'kin. My God! Ang dami kong insecurities.

"Ang O.A naman ng pag-walk out mo, Kaye. Hindi mo bagay," natatawang ani Mickel at umakbay sa 'kin.

Siniko ko naman siya sa t'yan. "Gusto mong mabigwasan?"

Ngumiwi ito dahil sa lakas ng pagkakasiko ko. "Sorry na. Asar talo naman eh."

Sa inis ko'y inalis ko ang pagkakaabay niya sa 'kin at nagpatiuna sa paglalakad pero kusa akong natigilan nang makasalubong ko si Kartini. Nangunot pa ang noo ko at tirik na tirik ang araw pero balot na balot ng jacket ang manloloko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon