Kabanata 12

646 46 17
                                    

Kabanata 12

Huling pagkakataon

"DALAGA na siya! Ayieh!" Boses ni Mickel ang sumalubong sa 'kin nang pumasok ako kinabukasan. Nasa bungad pa lang ng pinto ay sinusundot-sundot na ako nito sa tagiliran.

Tch. Para talagang bading.

"Bakit? Binata ba ako nun?" Pambabasag trip ko saka naupo sa likuran. Nagsuot ako ng earphone pero mayamaya lang din ay tinanggal 'yun ni Daimler.

"Ano bang mga problema n'yo!?" salubong ang kilay na tanong ko. Masyado pa akong inaantok at napuyat ako kakausap kay Kartini sa telepono. Ang damulag kasi na 'yun ay kinulit ako nang kinulit hanggang sa inabot kami ng alas dose ng madaling araw.

"Just want to congrats you, Kaye. So it's confirm na kayo na nga ni Fischer."

"P-paano niyong nalaman?" Wala pa naman akong pinagsasabihan kahit lantaran na 'yung pinapakita ni Kartini sa mga tao.

"In Facebook. Paano ba 'yan? Magpapainom ka?" Sabat ni Mickel.

Umirap ako saka nag log in sa facebook ko. At ayun nga, tadtad ng comments galing sa kanila ang relationship status namin ni Kartini. Hindi na ako nag-abalang basahin pa at puro lang naman mga kalokohan.

"Fake news 'yung nakita niyo. May nag-hack ng account ko kagabi," palusot ko na lang.

Nailing na lang si Daimler at tinapik ako sa balikat. Si Mickel naman ay umismid bago ako inakbayan.

"Ayaw mo lang magpainom kaya ganyan."

Tinabig ko siya sa tagiliran. "Uminom ka kung gusto mo. Sunog na 'yang baga mo." Inom-inom. Wala pa akong budget. Saka ayokong uminom kung 'yun lang naman ang dahilan. Pamba-black mail lang 'yun ni Kartini sa 'kin kaya ako napa-oo.

"Oh to the M to the G! Kaye! I'm so happy for you!"

Napabuntong hininga na lang ako sa bagong dating na si Elyce at inalog-alog ako.

"I told you! Magiging kayo rin ni Kartini! Masaya talaga ako."

Napangisi ako. "Don't worry, iyang kasiyahan mo na, pansamantala lang 'yan."

Ngumuso siya. "Why naman?"

Napalingon ako kay Reishi na kausap na sila Mickel at Daimler bago bumaling sa kanya. "Kung sa tingin niyo kami na ni Kartini, kayo naman ng jowa mo, malapit nang maghiwalay. Hehe."

Nanlaki ang mata niya saka tinampal ako sa balikat. Napahalakhak naman ako.

"Ang sama mo!" Nguso niya saka nag-walked out at lumapit kay Reishi. Magsusumbong ata.

Nailing na lang ako saka yumungko. Pero hindi pa man ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nabuntong hininga ako nang may message galing kay Kartini.

From: Kartini Fischer

Are you in school already? Please see me here at the rooftop, Dwarfy. I'll wait for you.

"Saan ka punta, Kaye?"

Napalingon sa 'kin ang tropa nang tumayo ako.

"Sa labas lang," sagot ko kay Daimler.

"Makikipagkita lang 'yan sa jowa niya. Ikaw Kaye ha, pinagpalit mo na kami."

Umirap ako kay Mickel saka lumabas. Since nasa fifth floor ang klase ko ngayon ay hindi na ako gumamit ng elevator papuntang rooftop.

Nangunot pa ang noo ko pagdating dun dahil wala naman si Kartini. Pinagtitripan lang siguro ako.

Pero nang akmang pipihit na ako pabalik saka ko naman naramdaman ang pagyakap sa 'kin ng kung sino sa likuran. Pabango pa lang, alam ko na kung sino 'to.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon