Kabanata 4

695 40 7
                                    

Kabanata 4

Kiss me

"KAYE, are you okay there?" Nag-aalalang sigaw ni Mickel isa sa mga bleachers ng oval.

Tangna. Hindi ako okay. 'Yan ang totoo. Hindi ba nila mahalata 'to?

"Tangna ka, Mickel! Obvious ba? Okay lang ako!" sigaw ko. "Daimler, 'wag mo munang putulin 'yang video. Hanapan mo ako ng magandang anggulo dahil kung hindi, gagawin ko din 'to sa 'yo!" baling ko naman dito.

Kahit nagmumukha akong kaawa-awa o nakakatawa, kaylangan pa rin akong makunan ng video. Magagamit ko to kay Kartini sa tamang oras. Ano? Ang lagay ba ay magpapauto na lang ako sa kanya? Asa naman!

Badtrip ampota. Sa dami ng ipagagawa sa 'kin ng Nerd na 'yun, ito pa. Kapag ako talaga naging negra dahil dito, hindi ko siya patatahimikin. Pasalamat s'ya't kaylangan ko 'tong gawin para kay Nanay. Dahil kung hindi, nunca namang hihingi ako ng tawad sa kanya. Mukhang wala namang ka-damage-damage ang mata niya. Mukhang bago din ang salamin niya sa mata. Kaya ako talaga ang lugi dito.

Tagaktak na ang pawis ko sa noo papunta sa mata ko kaya hindi na ako makatingin ng maayos. Pero hindi ko naman magawang punasan dahil sa tig-dalawang librong nakapatong sa magkabilang kamay ko. Dagdagan pang may patong din sa ulo ko.

"Anong oras na ba? Pumasok na nga kayo sa klase!" sigaw ko.

"Maaga pa, Kaye. Twelve thirty pa lang."

Napaamang ako. Tangna lang? "Ano? Seryoso ka ba d'yan Daimler?" Langya 'yan!

Ibig sabihin ay limang minuto pa lamang akong nakababad dito sa gitna ng oval sa ilalim ng sinag ng tirik na tirik na araw? Pero bakit pakiramdam ko ay mag-iisang oras na ako dito?

"Hindi sira ang relo ko, Kaye."

Maaga pa nga. May twenty-five minutes pa para gawin ko ang bagay na 'to. Bumuga ako ng hangin at pinikit ang mata ko. Nanginginig na ako sa gutom, nauuhaw na rin ako. Pero dahil lang sa sinabi kong gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni Kartini, ito ang bagsak ko.

Pasma is waving at me!

"Kaye, do you want water? Are you thirsty?"

Ang supportive ng mga tropa ko. Paupo-upo lang sa bleachers habang pinapanuod ako.

"Sinong hindi mauuhaw sa sitwasyon kong 'to, Mickel? May common sense ka ba! 'Wag n'yo nga muna akong kausapin."

Muli kong pinikit ang mga mata ko. Mag-iisip na lang ako ng magandang plano sa paghihiganti ko sa Kartini Fischer na 'yan sa mga susunod na araw.

Hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakakaganti sa kanya.

Mayamaya'y nakaramdam ako ng paglapit sa 'kin ng kung sino saka ang pagdami ng panyo sa noo ko.

Idinilat ko ang mata ko para lamang maabutang seryosong pinupunasan ni Kartini ang pawis sa noo ko. Gusto kong tumingala pero hindi ko magawa dahil baka mahulog ang librong nakapatong sa ulo ko.

"A-am I forgiven?" tanong ko, pilit pinapaawa ang boses.

Hindi ako nito inimik at tinanggal ang libro sa ulo ko. Salamat naman! Feeling ko ay ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko.

"Have you learned your lesson already?"

Tiningala ko siya. Seryoso pa rin nitong pinupunasan ang pawis sa buong mukha ko.

"Lessons? Wala namang nag-lecture sa harapan ko. Baliw!"

Nangunot ang noo niya. Pustahan magwa-what na naman 'yan. Signature word niya na ata 'yun.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon