Kabanata 1

735 42 10
                                    

Kabanata 1

Not Contented

"KAMUSTA detention room?"

Sinamaan ko ng tingin si Mickel saka sinuntok ito sa balikat. Badtrip, ampota! "Pera ko?"

Natawa naman ito at inabot sa 'kin ang fifteen thousand. Agad ko iyung binilang at binulsa nang masiguradong kompletp saka kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Ano pa ba ang gagawin ko dito? Uwian na! Hindi na naman ako nakapasok sa klase dahil tatlong oras lang naman akong nakulong sa detention room.

Walanghiyang lalakeng 'yun. Akala ko kung anong gagawin sa 'kin at bigla na lang akong hinila papalabas ng cafeteria. Dinig ko pang naghiyawan sina Mickel pero hindi ko na 'yun intindi at natuon na lang ang mata ko sa lalakeng hawak-hawak ang palapulsuhan ko at kinakaladkad ako pabalik sa building ng Business Ad.

Doon ko lang din napansin na pareho kami ng college dahil sa uniform na suot namin.

"Teka nga! Bitawan mo nga ang kamay ko! Babalik ako sa caf. Gutom pa ako!" inis kong binawi ang kamay ko sa kanya saka inayos ang sleeves ng uniform ko.

"You're disgusting," anitong nandidiring pinasadahan ako ng tingin. Inayos niya ang salaming suot saka ginulo ang buhok.

"Back to you. You're disgusting too. Ba't mo ako hinila dito? Atat ka talagang makipag-anuhan sa 'kin? Ul*l!" Tumingkayad ako at pinitik siya sa noo. "Asa ka namang papatol ako sa 'yo," naiinis na ani ko. Ang kj lang ng lalakeng 'to. Makahila akala mo naman close kami.

"What are you saying? I don't understand you!" Hinuli niya ang kamay ko at muling hinila.

Dahil sa malaki siyang tao ay hindi ako nakapalag hanggang sa dalhin niya ako sa tapat ng opisina ng Dean.

"Hoy!" ani ko nang pihitin nito ang door knob. "Bitaw! Anu ba! Hindi ka na nakakatuwa!"

Bagot lamang ako nitong tinitigan bago nagtuloy-tuloy papasok sa loob. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko kahit nakaupo na kami at nasa tapat na namin ang Dean.

"What's this all about again, Miss Palma? Ikaw na naman? Nakaka-ilang beses ka na bang pinadala dito?" ani ng Dean, hinihilot ang sintido.

Umiling ako. "Hindi ko alam, Miss. Wala akong kasalanan pero ang gagong--ang lalakeng 'yan, hinila na lang ako dito," inosenteng saad ko saka muling hinila ang kamay ko sa hawak niya saka hinaplos ang t'yan kong kumukulo pa. Gutom pa talaga ako. Wengya!

"Mister Fischer, what is this all about?" baling ng Dean dito.

Fischer? Nangunot ang noo ko. Parang pamilyar.

"That woman was watching a porn video earlier at the cafeteria. And she asked me to have sex with her. Isn't it inappropriate, Dean? That's why I took her here."

Namilog ang mata ko. Walanghiya! Ke-lalakeng tao, ang sumbungero!

"Is that true, Miss Palma?" baling ni Dean sa 'kin.

Bumuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin ang lalakeng 'to. Yari talaga 'to mamaya sa 'kin. Uuwi tong manghihiram ng mukha sa aso!

"Miss, ksasi--"

"Don't deny it! I won't waste my time going here if it's not true," putol niya.

"Hindi ka kasi marunong makisakay sa dare. Fifteen thousand din 'yun!" asik ko dito. Palibhasa kasi mukhang rich kid kaya hindi nangangailangan ng pera.

"What? I don't understand you."

Napairap ako. Kanina pa ako niwa-what-what. Nakakapang-init na ng ulo masyado.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon