Kabanata 14

1.1K 52 21
                                    

Kabanata 14

Girlfriend

NAG-walk out ako. Gusto ko lang tingnan kung hahabulin niya ako. Pero sadya talagang hindi siya runner at kahit binagalan ko na ang pagtakbo ko, hindi niya pa rin ako hinabol.

Walanghiyang 'yun. May kaibigan daw na dumating galing ibang bansa. Hindi naman sinabing babae pala. At mukhang sweet pa sa isa't isa.

Tumunog ang cellphone ko. Umismid ako nang makitang tumatawag si Kartini.

"The number you have dialed is my ibang ka-piling. D'yan ka na rin sa kasama mo. Pakyu. Thank you," ani ko at binaba agad ang tawag niya. Bahala siya d'yan. Hindi lang makatarungan at sobrang ganda ng pinalit niya sa 'kin. Literal na nanliliit ako. Bagay sila! Pota!

In-off ko na din ang cellphone ko. Ayoko muna siyang makausap.

Kinagabihan, tumanggi akong sumama kina Daimler na mag-bar. Nawalan ako ng gana. Kahit anong pilit nila ay wala silang nagawa.

Alas dyes na ng gabi nang saka ko lang naisipang magbukas ng cellphone. Inaasahan ko nang tatadtarin ako ng message ni Kartini, pero ni isa wala akong natanggap. Umasa ako sa wala!

Kumuyom ang kamao ko sa galit. Pinagtripan lang ba ako ng damulag na 'yon? At parang wala man lang pake sa 'kin ngayon?

Tumunog ang cellphone ko, dali-dali kong tiningnan kung sino pero napasimangot ako nang makitang si Mickel lang pala.

"Bakit Dre?"

"Kaye? Hindi ka talaga pupunta dito? C'mon! Your boyfriend's here. He's with someone at sobrang ganda. Anu? Hiwalay na kayo? Ano? Bigwasan ko na ba? Sinabi ko nang walang forever, sinagot mo pa rin. Kaya tara na at mag-walwal."

Dumiin ang pagkaka-kuyom ng kamao ko. Hayop na 'yun! Nasa bar lang pala. Gaguhin na lang ang lahat 'wag lang ako. Ako na si Angelica Kaye Palma, ginago? Baka makita niya ang hinahanap niya.

"Sunduin mo ako."

"Actually, papunta na." Humalakhak ito.

Matapos ang fifteen minutes tumambad na sa harapan ko ang sasakyan ni Mickel. Pero nagtaka ako nang si Art ang iniluwa mula sa driver seat. Sumipol pa ito na ikina-irap ko.

"Hey Kaye. Dito ka pala nakatira," aniya at inakbayan ako.

"Oh tapos?" Mukha bang kagulat-gulat at hindi ako sa isang subdivision nakatira?

Humalakhak siya saka naiiling na inakay ako papasok sa driver seat.

"Nothing. By the way, you look sexy."

Matapos ang ilang minuto, nasa bar na kaming dalawa. Inakay niya ako sa couch na pinagpepwestuhan nila Mickel.

Agad nila akong dinaluhan at inakbayan. Pero katulad ng nangyari sa bahay nila Daimler, hinila ako ni Art sa kung saan at nagsolo kaming dalawa.

"Sandali nga, Art. Nilalandi mo ba ako?" Panay kasi ang dikit sa 'kin at hindi na ako hinihiwalayan.

"Hindi ah. Hindi ka naman mukhang kalandi-landi." Pag-iling niya.

"Gago!" ani ko at binatukan siya. Hindi raw ako mukhang kalandi-landi pero kung makadakit sa 'kin, kulang na lang halikan  ako.

"Ouch Kaye! You didn't let me finished!" May iritasyon na aniya. "Hindi ka kalandi-landi kasi ang mga tulad mo ay 'yung tipong siniseryoso."

Umarko ang kilay ko, kapagkwan ay napahalakhak. "Maniwala sa 'yo." Tumalikod ako para bumalik kina Mickel nang hilahin niya ako sa gitna ng dance floor.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon