Kabanata 9

636 40 21
                                    

Please play the video para damang-dama. lol. ❤

Kabanata 9

Easy to Get

"EXCUSE me, flowers for you. May nagpapabigay."

Natigil kami sa tawanan dito sa lobby ng Building nang may bigla na lamang may lumapit sa 'ming lalake at inabutan ako ng tatlong pirasong bulaklak na rosas saka mga tsokolate.

Nag-iwas ako ng tingin saka nagkunwaring walang narinig. Tiningnan ko si Daimler na naka-kunot ang noong nakatingin sa lalake.

"Ano nga 'yung sinasabi mo, Dre? Sa weekend may gala na naman tayo?" sambit ko para makuha ulit ang atensyon niya.

Tumingin naman siya sa 'kin saka tumango. "Yeah. You know Mickel, hindi papayag na wala tayong gagawin sa weekend."

"Gago kasi talaga 'yun."

"Uhm excuse me, flowers for you, Miss."

Muli na naman kaming natigil nang sumingit sa usapan ang lalake. Mukha siyang freshman katulad namin. Ang kinaibahan lang ay taga ibang college siya.

Salubong naman ang kilay na bumaling doon si Daimler. "Para kay Kaye?"

Akmang may sasabihin ang lalake kaya inunahan ko na. Kahit hindi sabihin, alam kong kay Kartini galing ang mga 'yan. Mula nung gabing sinabi niyang liligawan niya ako, mas lalo niya pang inilapit ang sarili sa 'kin. Kaya ako naman ay todo pag-iiwas. Kaya hindi nahalata nila Daimler na may gagong umaaligid sa 'kin. Pero ngayon, mukhang lantaran nang manligaw si Kartini.

Hindi ko naman alam na seseryosohon niya ang mga sinabi niya. Pero nagtataka nga ako eh. Ano bang nakita niya sa 'kin maliban sa maganda ako, para ligawan niya?

Asa namang maniniwala kaagad ako sa kanya kasi sa totoo lang, hindi ko pa rin makalimutan 'yung sinabi niyang hindi niya tipo ang mga pinay.

Kaya malay ko ba kung pinagtitripan niya lang ako.

"You're Miss Palma, right? Angelica Kaye Palma?" baling ng lalake imbis na sagutin ang tanong ni Daimler.

Napatampal naman ako sa sariling noo saka sinamaan ito ng tingin. Mabuti't mukha namang natakot sa 'kin. "Hindi ako 'yun kaya tigilan mo ako ha? I'm allergic to flowers. Duh," maarteng tugon ko saka tumingkayad at inakbayan si Daimler at hinila sa cafeteria.

Pota talaga! Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Ilang araw na akong ganito sa twing nakikita o nakakasalubong si Kartini. Mabuti na lang at hindi siya makalapit sa 'kin dahil talagang hindi ako humihiwalay sa tropa.

Kung sakali mang talagang nililigawan niya ako, pwes hindi ako prepared. Sanay akong tropa-tropa lang. Walang pagmamahal na involve.

"Someone's courting you Kaye?" Inalis ni Daimler ang pagkakaakbay ko sa kanya at siya na mismo ang umakbay sa 'kin. Mukhang napansin niya atang nahihirapan ako sa ginagawa ko. Mabuti naman kung ganun.

"Shut up ka na lang, Dre. Ilusyon mo lang 'yung kanina. Caf tayo habang may ginagawa sina Mickel. Walang istorbo. Libre mo ako ha?" Nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Samantalahin ang pagkakataong walang asungot. Ang tamad-tamad kasi kaya ayun, ang gagong si Mickel nasa library at may nira-rush na research project sa isang subject.

Natawa naman siya aka tumango-tango.

Pagdating sa caf ay agad akong naghanap ng mesang pagpe-pwestuhan habang si Daimler naman ay namili na ng pagkain.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse muna sa net. Nagsuot pa ako ng earphone para walang mang-abala sa 'kin.

May papikit-pikit pa akong nalalaman hanggang sa naramdaman kong may inilapag na kung anu sa mesa kaya idinilat ko ang mga mata ko assuming na si Daimler 'yun at dala-dala na ang pagkain namin. Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko kasabay ng pagkabog ng malakas ng puso ko nang makita ang bulaklak at mga tsokolate sa mesa na binibigay sa 'kin ng lalake kanina.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon