Kabanata 3

805 35 5
                                    

Kabanata 3

Anything

"WHAT have you done this time, Miss Palma!?" Dumagundong ang galit na boses ni Dean sa apat na sulok ng kanyang opisina. Pinukpok nito ang kamay sa mesa.

Napangiwi ako hindi dahil sa sigaw niya. Nag-aalala ako sa kamay niya at baka ano pang mangyari dun. Sobrang lakas kasi ang pagkakapukpok niya at para na siyang si Hawk na galit na galit at gustong manakit.

"M-Miss, relax lang ho k-kayo." I tried to stand up to reach her hand nang samaan niya lang ako ng tingin.

"How can I relax, Miss Palma, ha!? Just so you know, Kartini's family has the biggest share on this University. What if they pull out their shares dahil sa nangyari sa anak nila? Tell me..." Bumuntong hininga ito. "Magiging panatag pa ba ako sa sitwasyong 'to!?" Hinilot nito ang kanyang sintido at tila hinahapong naupo sa swivel chair.

Hindi ako nakaimik. Naiimagine ko nang bumubuga na ng apoy si Miss Lopez sa sobrang galit niya sa 'kin. Sanay naman akong makita siyang ganito. Pero this time, mukhang stress na stress na siya sa mga pangyayari.

"Nakausap ko pa lang ang nanay mo nung nakaraan. And now, this. Kaylan ka ba magtitino? Matataas ang grado mo pero dahil sa ginawa mo, maaari kang mawalan ng Scholarship... O ang malala, ma-expel ka."

"Miss, siya ang nauna. He calls me Dwarfy! Sino ba ang matutuwa dun? Kaya ko lang nagawa 'yun." I tried to defend myself. Aba! Hindi pwedeng dahil lang dun, mawalan ako ng scholarship. At sorry naman at hindi ako aware na co-owner pala sila ng Unibersidad na ito. Kasalanan talaga 'to ni Mickel eh. Kundi dahil sa lintek na dare na 'yan, hindi ako mapapahamak.

"And look where did your childishness bring you? Kartini is in the hospital right now! Let's just pray na walang pumasok na bubog sa mata niya. Dahil maging ako, hindi alam kung ano pa ang magagawa ko."

I averted my gaze. Mahina lang naman 'yung pagkakasuntok ko. Sadyang fake lang siguro 'yung salamin niya kaya nabasag kaagad. Aba! Babae lang ako. Kumpara sa lalake kapag sumuntok, walang-wala ang lakas ko.

"And maybe, after what you did, you will be subjected into expulsion."

That hits me. Napatayo ako. "Hala! Miss! Expulsion kaagad? B-bakit naman? Hindi naman ganun kabigat ang nagawa ko ah. Nanuntok lang ako."

Ano na lang ang sasabihin sa 'kin nila Nanay nito? Pinapaaral nila ako pero ganito lang ang mangyayari. Parang ang saklap naman ng tadhana sa isang freshman student na tulad ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Miss Lopez. "Hindi ganun kabigat? Miss Palma, let me remind you na napakadami mo nang ginawang violation. At sa lahat, itong ginawa mo ngayon ang pinakamalala. And your attitude. Kung umasta ka, parang hindi ako Dean at ka-level mo lang ako."

Napaupo ako at pinag-isang linya ang labi ko. Bumuga ako ng hangin saka tumango-tango. Sorry naman kung napasobra ang ugali ko. Pero alam ko naman na dapat wag akong pumatol sa matatanda o nakatatanda sa 'kin. Hindi ko nakakalimutan ang pangaral na 'yun ni Nanay. Makalimutan ko na ang sinabi ni Pare, pero ang kay Nanay, hindi pwede dahil paniguradong kurot sa singit ang abot ko.

"I-I'm sorry, ano na ho bang gagawin ko? D-detention room again?"

Muli akong napangiwi nang pukpukin nito ulit ang mesa. Naaawa ako sa mga alahas niya sa kamay. Baka magasgasan. Mukha pa namang mamahalin.

"Detention room doesn't affect you anymore, Miss Palma. Walang-wala na 'yun sa pilyang tulad mo."

"Miss, grabe naman."

Umiling ito. "Don't miss-grabe-naman-me, Miss Palma. I will talk to Mister Fischer about this matter first kung ano bang magandang gawin sa 'yo. Pero kung ako lang, I will expell you already."

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon