Kabanata 8

634 48 11
                                    

Kabanata 8

Lady

"MISS Palma! You get what I mean? Are you even listening?" galit na sigaw ng P.E Instructor namin.

Nasa gym kami ngayon at oras ng P.E pero hindi ako makapag-concentrate dahil sa matang nakatingin sa 'kin. Kanina ko pang sinusubukang tumingin sa Instructor pero hindi ko magawa dahil nasa likod niya banda nakaupo sina Kartini at ramdam na ramdam ko ang tinging pinupukol nito sa 'kin.

"Y-yes Miss," ani ko pabalik saka tumungo.  Inilagay ko sa magkabilang tuhod ko ang aking mga kamay saka humugot ng hininga.

"Just make sure, Miss Palma. Let's take a five minutes break."

Agad akong tumalikod at tinungo ang bag ko sa bleachers na pinagiwanan ko kanina. Naupo ako at uminom ng tubig saka pinunasan ang mga pawis ko. Pakiramdam ko'y wala naman akong masyadong ginawa pero pinagpapawisan ako ng sobra.

"You're being conscious on his stare, Kaye."

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Elyce. Tumabi ito sa 'kin at nginisian ako. Nag-iwas naman ako ng tingin. Ayokong mag-react baka makahalata siya.

Wala naman siyang alam sa nangyaring paghigit sa 'kin ni Kartini sa resort pero napapansin niyang nitong nagdaang araw, madali na akong mailang.

Mabuti na lang at hindi rin 'yun napag-usapan kinabukasan nila Mickel nang paalis na kami ng resort. Mga lasing na din kasi kaya hindi na maalala ang nangyari.

Matapos sabihin ni Kartini na nagseselos siya kina Mickel ay hindi ko na talaga siya pinansin. Hindi ko siya tinanong kung bakit nasabi niya 'yun. Basta ako, iniwasan ko na siya.

Pero sa pag-iwas ko namang 'yun ay pakiramdam ko mas lalo lamang niyang inilalapit ang sarili sa 'kin. Lantaran niya rin akong titigan kahit nakikita na ng mga kaibigan niya at ganun din sina Daimler.

Naiilang ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Namimiss ko 'yung mga chocolates na binibigay niya pero hindi na ako pumupunta doon sa may hagdan para tanungin siya kung meron ba siyang dala.

Ayoko. Hindi ko alam kung ano ang ire-react kapag kaharap siya. Hindi ako sanay sa ganito.

"And now, you're blushing." Humagikhik ito saka sinundot-sundot ako sa beywang ko.

Nagsalubong ang kilay ko. "Pinagsasabi mo ha, Elyce? Tigilan mo ako. Mainit ang ulo ko ngayon." Wala akong panahon patulan ang pang-aasar niya. Madami akong iniisip. 'Wag na siyang dumagdag pa.

Matapos ang limang minuto ay bumalik ulit kami sa activity na pinapagawa ng Instructor. Laking pasasalamat ko at wala na si Kartini sa inuupuan niya kanina. Naka-focus na ako sa ginagawa at hanggang matapos ang oras ng P.E, hindi na ako nasinghalan pa ng Instructor.

"Caf muna tayo," yaya ni Mickel. Nagpupunas ng pawis niya sa noo.

Agad namang nagsitanguhan sina Daimler saka ako inakbayan pero inalis ko 'yun at ngumisi.

"Una na kayo. May kukunin lang ako sa locker ko." Bitbit ang bag, bumalik ako sa Business Ad building para kunin ang extrang T-shirt sa locker ko. Magpapalit ako at masyado akong pawisin. Konting kilos lang, pinagpapawisan kaagad ako.

Dali-dali ako sa pagbukas ng locker nang matigilan dahil sa nakita. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko habang nakatingin sa mga pamilyar na tsokolateng nasa harapan ko. Ayaw kong mag-assume na kay Kartini 'yun galing pero nakompirma ko iyun nang tumunog ang cellphone ko at may mensaheng galing sa kanya.

From: Kartini Fischer

You like the chocolates?

Bumuga ako ng hangin saka nagdesisyon na hindi 'yun reply-an. Ibinalik ko sa bulsa ng short ko ang aking cellphone saka agad na sinarhan ang locker. Wala akong kinuha ni-isa sa tsokolate kahit nate-tempt na akong kunin ang lahat ng 'yun.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon