CHAPTER 3

3.3K 155 25
                                    

FREIYA'S POV

Hoy, shuta! Alas diyes na pala?! Bakit ba kasi bet na bet ako ng marami kaya halos gabi-gabi na akong nagshoshow at araw-araw na rin na ang tagal kong nagigising! Jusko, nakakapagod! Every gising ko rin tuloy stress na stress na ang beauty ko.

Bumangon na ako at sakto namang tumama sa feslak ko ang mainit na sikat ng araw, ang sakit! Pero mas masakit iyong maiwanan, maloko, maghost, maging kabet, ipagpalit, at ako ay may lawit! Haaaay!

"Oy, gising ka na pala, Frieya," nakangiting sabi ni Cindy nang makita akong pababa ng hagdanan at saka niya ipinagpatuloy ang pagwawalis.

"Hindi, actually sleeping beauty pa rin ako," sagot ko naman sabay abot ng kape na nasa mesa, "Akin na lang," sabi ko kay Mona at nakangiwi siyang tumango.

Asus, mamimigay na nga lang may kasama pang attitude!

"Ba't ba kasi ngayon ka lang nagising?" tanong naman ni Cheska na busy sa pagpupunas ng mga mesa.

Ito kasing hindi kalakihan na two-storey building na ito ay bahay namin sa umaga at Comedy Bar naman sa gabi para tipid na, kaya ayan, todo linis ang mga vakla.

"Ikaw kaya kumuda nang kumuda halos buong gabi, Bakla, tingnan natin kung makakakita ka pa ng sunshine kinabukasan," sabi ko naman.

Bahagyang napailing si Cheska. "Napaka-in-demand mo kasi, Bakla, pa'no ba 'yan, share it mo sa'min," aniya.

"Bili ka muna ng cellphone na touchscreen, nasa Bluetooth ka pa lang, Sis, mga boyfriend mo de-iPhone galing naman sa'yo. Jusko, utak mo nalaglag na naman."

Ka-stress itong si Cheska, eh, kayod nang kayod papunta naman lahat sa mga depungal niyang jowa.

"Ano ba, Freiya! Hayaan na ang utak, puso naman ang nagmamahal," walang-kwentang sagot niya.

"Ayan, diyan ka magaling! Pakibuksan nga 'yang ulo mo baka puso rin laman. Iyang atay mo, kidney, check mo baka korteng puso. Puro ka puso!" asar kong sigaw.

Kasi naman, ilang beses ko na siyang sinasabihan na sarili niya naman muna ang unahin niya, pero ayan, ang tigas ng talong ng Baklang ito!

"High blood ka na naman, Mader!" Lumapit sa akin si Mona at saka hinilot ang ulo ko. "Dahan-dahan at baka ma-heart attack, ikaw pa ang mauunang 'di makakasilay sa sunshine," dagdag pa niya.

"Iyang si Cheska kasi, konti na lang mapuputulan ko 'yan ng bayag," inis ko pa ring sabi.

"Bet ko 'yan, hehe," sagot pa ng bruhang Bakla! Hay, jusko!!!

Tinapos ko na lang iyong iniinom kong kape saka ako tumulong sa paglilinis. Isa-isa ko munang inilabas ang mga halaman para masikatan ng araw. At nang ilalabas ko na sana ang panghuli ay may nakita akong papel na mukhang sinandyang inipit sa mga dahon.

Binasa ko iyong nasa pinaka-itaas at saka ako mahinang natawa. "Wanted Gay Boyfriend?"

Shuta! Sino na namang baliw ang nakapasok kagabi at naglagay nito rito? Haaay!

"Mga, Bakla, dati puro trabahong pang ibang bansa ang nababasa natin sa mga flyer, pero look, ito flyer para mangtrip," sabi ko sabay abot sa kanila ng flyer at gaya ko ay natawa rin ang mga Bakla.

"Actually, ay charot, maypa-actually!" natatawang sabi ni Cindy.

Saan na naman kaya niya iyan narinig? Mabuti naman, nadagdagan na ang mabibilang lang na alam niyang English words.

"Pero, 'yon na nga, actually, ang daming ganiyan kanina, pero tinapon ko na. Gay boyfriend daw, ulol, sino naman kaya ang papatol sa trip ng nagkalat niyan dito?"

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora