CHAPTER 6

3K 142 18
                                    

FREIYA'S POV

"Mader?"

Bahagya kong nilingon si Mona at binigyan ng mapaklang ngiti. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Ba't ka nasa labas? Jusko, Mader, ang pretty skin mo. Lalaki lang dapat ang nakakatikim sa'tin, hindi lamok!" maarteng aniya.

Lalaki nga lang ba? Shuta! Natikman na nga ako ni Corazon. Haaay!

"Oy, umiimom ka pala? Bakit?" tanong niya. Tiningnan ko lang iyong bote ng alak at saka muling napangiti nang pilit.

"Tulog na ba sila?" tanong ko naman at agad siyang tumango. "Eh, ikaw ba't wala ka pa sa dreamland? Alas dos na, oh."

"Umihi kasi ako, tapos nakita ko bukas 'yong pinto, akala ko nanakawan tayo, Mader," sagot niya. "Ikaw, dapat sleeping beauty ka na ngayon dahil dalawang oras kang nag-show kanina."

Ininom ko muna ang natitirang alak at saka ko sinabing, "Hindi ako makatulog, laging may gumugulo sa isip ko."

"Hala, ano? O, baka sino? Naku, 'wag mo sabihing 'yong ex-jowa mo na naman. Move on na, Mader, juts naman 'yon."

Tss. Pinaalala pa ang mokong na iyon! Ipagpapalit na nga lang ako, roon pa sa baklang mukhang mambabarang! Sinayang niya lang ang Barbie look-a-like na si Freiya.

"Hindi 'no. Kinalimutan ko na siya," sagot ko naman, pero noong magkasama kami ni Corazon sa mall ay bigla ko siyang naalala. Hinayupak!

Bahagya niyang pinalo ang braso ko. "Sana all mabilis makapag-move on," aniya.

Sana all, sana all, wala namang naging boyfriend since birth! Girlfriend, oo, noong confused pa ang bakla sa gender niya. Pero, ngayong bakla na siya, apakachoosy ni Mona, walang sinasagot sa mga manliligaw niya, tapos sa Facebook puro 'sana all' sa mga mag-jowa. Shuta, ang gulo!

"Eh, what ba kasi 'yang gumugulo sa isip mo?"

Napabuntong-hininga ako. Nagdadalawang-isip ako na sabihin sa kanya, pero gusto kong may maka-heart-to-heart talk at makarinig ng payong-kaibigan.

"Mona, alam kong sinabi ko sa kanya na 'di ko 'to sasabihin sa iba, pero best friends tayo, Bakla, 'di ba?"

Shuta! Pasensya na, Corazon, wala rin kasi akong tinatagong sekreto kay Mona, eh. Sorry!

"Naman! Tayo lang naman kasi ang pinakamaganda rito, kaya tayo lang ang mag best friend."

"Gaga ka talaga," natatawang sabi ko.

Pero, totoo naman, sina Cindy at Cheska, puro chaka na itsura nila. Charot! Pamilya kami kaya walang chaka, kaso may umangat lang talagang beauty, at sa akin iyon, sunod naman itong kay Mona.

"Pero, ano ba 'yong gusto mong sabihin, Mader? Promise 'di ko i-she-share it sa iba lalo na kay Cheska, dali!" Talagang excited ang Bakla. Tsk!

Huminga ako nang malalim at napatingin na lang sa tahimik ng kalsada. "May nangyari sa amin ni Corazon," sabi ko at syempre, ini-expect ko nang mapapa-omaygad siya.

"Totoo, Mader? Omaygad!" Hindi pa rin makapaniwalang aniya at super guilty talaga ang itsura ko nang tumango ako sa tanong niya. "Hoy, hindi nakatiis ang talong?"

"Gaga! Pero... mukhang gano'n na nga," nakayuko kong sabi.

"Saan ka nag happy new year? Sa loob o sa labas?"

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now