CHAPTER 28

2.3K 121 16
                                    

CHAPTER 28

ZELLA'S POV

"Ano ba kasing iniiyak-iyak mo riyan?" tanong ko habang nakapameywang pa.

Medyo nagulat pa ako kanina nang tumawag si Troy at sinabing umuwi raw muna ako dahil masama ang pakiramdam ni Cora. Tsaka, medyo nasaktan din pala kasi magkasama sila. Hehe.

"I don't know!" She then whined like a baby. Gosh!

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Troy kaya napatingin ako sa kanya. We're at Cora's room. Nakatayo si Troy sa tabi ko while Cora's in her bed, weeping! Iyong makeup nga niya ay sira na dahil sa pag iyak-iyak niya ngayon.

"Ano bang nangyari, Troy?" kunot-noong tanong ko habang nakatingin lang kay Corazon. She's still crying, covering her face with her hands. Tsk!

"We were at Lux Resto earlier, she was about to leave but I stopped her. Gusto ko sana siyang tanungin if she still has free time para sabayan akong mag-lunch, but she suddenly grabbed me outside. Sobrang nagmamadali talaga siya. She even left her car, dire-diretso na siyang sumakay sa sasakyan ko," he explained.

He sat down on Cora's bed with his back against the headboard. Si Cora naman ay nakahiga na ngayon at nakatalukbong ng kumot, pero naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya.

"I'm just so upset!" Cora yelled. "He did not even chase me!"

Sinong 'he' ba ang tinutukoy niya? Si Freiya ba?

"He just looked at me and sat down again, tapos they continued their lunch date! Damn!" she added.

"Sino ba 'yan?" tanong ko kahit alam ko na kung sino. I just wanted to hear it from her.

"Si Jared!" sigaw niya ulit.

Troy chuckled. "Being as cute as this is so not you, Cora," he said.

Aray naman diyan, Doc!

"In time past, if you were jealous you always say it straight away. What happened now? Why are you weeping?" tanong niya ulit.

"I'm not jealous, Troy! Why would I?" Inalis niya ang kumot na nakatalukbong sa kanya. Umupo siya sa kama niya at kunot-noong tinitigan si Troy. "What the hell is happening with me?" parang wala sa sariling aniya at saka siya biglang natawa.

Nababaliw na yata si Cora. Gosh!

"If you like that man named Jared, just go and tell him para hindi ka iyak nang iyak diyan, Cora."

That man named Jared? Bakit ganyan iyong pagkakasabi niya? Is he trying to sound like he doesn't know Jared at all?

"I don't like him, Troy!" parang bata na naman niyang sigaw.

She wasn't like this when she's with Silver. She always made sure she's a woman with class and she possessed a mature mindset. She never whines like this. Only Freiya slash Jared Cuesta can.

"You really don't?" Troy made sure and Cora just rolled her eyes at him. "Stop whining there, Young Lady, we'll leave you here alone and try to understand yourself. That's how you handle those things that made you confused." He even pats Cora's head.

Hindi na ako nagselos. I actually am smiling. He looked like Cora's older brother now.

"Ayusin mo 'yang itsura mo, Cora, ang gulo ng buhok mo. At naku! Kita na 'yong strap ng bra mo," kunot-noong sabi ko.

Kung hindi lang ako hinila ni Troy palabas ng kwarto ni Cora ay baka napatay niya na ako sa matalim niyang titig kanina.

"Ah, Troy, gusto mo ba ng tubig or juice?" tanong ko. Mukha kasing hindi pa siya aalis dahil umupo pa siya sa couch nang mapadaan kami sa living area.

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now