CHAPTER 21

2.4K 132 44
                                    

CHAPTER 21

FREIYA'S POV

Alas diyes na, pero gising pa rin ako. Sa sobrang komportable ng kwartong tinutuluyan ko ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi iyong mga kasinungalingan namin ni Corazon, kinukuyog ako ng konsensya ko. Pati mga magulang niya ay niloloko na rin namin.

Haay! Alam ninyo iyong gusto ko na talagang itigil, pero ayoko rin. Isang buwan na ang lumipas, pero wala akong naririnig kay Corazon kung okay pa ba ang ginagawa namin, sa tingin niya ay mananalo ba talaga siya, o kahit anong tungkol kay Silver at sa paghihiganti niya.

Pero, sa tuwing iniisip ko kasing itigil na, naaalala ko naman iyong linya niyang...

'But you almost did.'

Hay, ano ba?! Darating din naman ang araw na iiwan ko siya. Five months from now ay tuluyan na rin naman naming ititigil ito. Sige na nga, pagtatiyagaan ko na lang. Nakakaya ko pa naman.

Sa rami ng iniisip ko ay nauhaw ako bigla. Bumaba ako at dumiretso sa kusina nila, pero agad din akong huminto sa may gilid at nagtago nang marinig ko ang sinabi ni Rosa.

"I know he's gay," pag-uulit pa nito.

Shuta!!! Ang lakas naman ng radar ng babaeng ito.

"Ha? What kind of nonsense you're talking about, Rosa?" tanong naman ni Corazon.

Isang buwan pa lang nang muli kaming magkita, pero kilalang-kilala ko na siya. Alam ko kung totoong masaya siya, malungkot, galit, at kinakabahan.

Putcha, kinakabahan nga rin ako, eh.

"Don't try to lie at me. I know him, he's Copper's ex," sabi naman ni Rosa.

P-Paano niya nalaman? Don't tell me nag-hire siya ng private investigator at pina-imbistigahan ako? Shuta! Ibang klase naman pala si Rosa kung ganoon.

"H-How did you know it?" this time, Corazon's anxiety is highly evident in her voice.

"Unfortunately, I am one of those two women that Copper's fooled and I knew that there were also two gays, and Jared was one of them or should I say... Freiya?"

Holy freaking sh*t!!! Ang gaganda pala ng mga pinagsabay-sabay ni Copper. But that's not the issue here, hindi na iyan big deal, ang problema rito ay mukhang kilalang-kilala niya ako!

Hinihintay kong magsalita si Corazon, pero tahimik pa rin siya, mukhang gulat na gulat din siya gaya ko.

"Hindi ko pa nasasabi kina Mama at Papa na nakipaghiwalay na ako kay Copper, I'm still hesitant dahil gusto nila si Copper."

Kung alam lang niya gaano ka-excited ang mga magulang niya na mag-propose na iyong boyfriend niya na si Copper the damn sh*t pala. Jusko!

"Why are you telling me this?" finally, nakapagsalita rin si Corazon.

"I am just curious, Cora, it's not yet even a long time since Copper and Freiya broke up, tapos ito siya, acting like a straight guy, and perhaps, pretending to be your boyfriend."

Ang talino nga naman talaga.

"How did you know that he's acting and just pretending?"

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara