Chapter 2

1.7K 99 9
                                    

Alam niyang parehas pang binata ang dalawang kuya ni Shaine. Hindi lang siya sigurado kung walang girlfriend ang mga iyon. Kumunot ang noo ni Sherwin at tiningnan ang kamay niyang nakalahad.

"My name is Sherwin, not single." seryosong sagot nito matapos abutin ang kanyang kamay. He looks at her as if dismissing her. He already had a presumption of who she is.

Aileen hates being judged, of being put in a box at first meeting. There is so much more to her. So much more if a person would just take time to scratch the surface.

She's annoyed at him for judging her so ealisy, but she likes him at the same time. Who would have thought that she can be annoyed and interested at a man at the same time? Marami na siyang nakilalang gwapong lalaki, pero wala pang nakapagparamdam sa kanya ng ganito. And for some strange reason, she likes it.

Tumawa siya at nilingon si Shaine. Wala siyang planong bitawan ang kamay ng binata. She like the feel of his warm, calloused but strong hands on her soft skin.

"Ay, bet ko ang joke nito. I like him. Pakakasalan ko na 'to. Magiging ate mo ako," nakatawang sabi niya na ikinatawa ng ibang naroon. Bumaling siya kay Sherwin at ngumiti pero nanatiling salubong ang mga kilay nito. "Alam kong Sherwin ang pangalan mo. Tinanong ko na kay Shaine, girl scout ako, e. Ang gusto ko lang malaman kung may karibal ba ako," nakangiting sagot niya. Pero hindi ito sumagot at hindi rin nawala ang pagkakakunot ng noo. Ang emosyong nakita niya sa mga mata ng binata ay nanatili roon.

Hindi niya binitawan ang kamay ni Sherwin, sa halip ay ininspeksyon pa niya, "Hmmm. Rough hands. Masipag. At malinis ang kuko, additional pogi points," aniya bago tuluyang binitawan ang kamay ng binata.

Ramdam niya ang matiim na pagtitig na binata sa kanya. His intense stare sends a tingling sensation down her spine and its starting to shake her confidence. Huminga siya ng malalim para ibalik ang composure.

Ipinaskil niya sa labi ang isang malapad na ngiti at saka lumapit sa mga magulang ni Sherwin, "Narinig ko pong tinawag n'yo na akong anak kanina. Dapat po yatang ngayon pa lang tawagin ko na rin kayong nanay at tatay. Magkakatotoo na ang pangarap kong magkaroon ng access sa unlimited gulay."

"Puro ka talaga kalokohan, Aileen." Naiiling pero natatawang sabi ni Cheryl. Tumingin it okay Sherwin at ngumiti, "Pasensya ka na sa kaibigan ko. Gan'yan talaga kataas ang kompiyansya niya sa saliri. Wala talaya 'yang filter. Pero nagbibiro lang yan."

Lalong napangiti si Aileen. Success! Sinong mag-aakala na kanina lang ay nayanig ni Sherwin ang kompiyansa niya kung nagawa pa rin niyang magbiro?

Sumulyap muna si Sherwin sa kanya bago tumango at nagkibit-balikat. Waring sinasabing inaasahan nito na nagbibiro lang talaga siya, "Halata namang hindi siya maalam magseryoso sa buhay," anito bago tumalikod at lumapit sa lamesa.

At talaga nga namang may sapantaha na ito kung sino siya!

Now it's on!

"Sino bang magsabing nagbibiro ako? Seryoso ako." Itinaas niya ang kamay at nag-umpisang magbilang ng mga dahilan "Mabait ang nanay at tatay. Kasundo ko si Shaine. Kasundo ko si Kuya Sandro. At kung pagbabatayan ang family member na nakilala ko na, I am sure makakasundo ko din ang isa pang kuya ni Shaine. Ang pamilya na nga lang ng mapapangasawa ko ang pwede kong piliin, e di pipili na ako ng mabuti." Seryosong sagot niya pero ikinatawa ng ibang naroroon, at lalong ikunakunot ng noo ni Sherwin.

"Yeah, right. Seryoso ka nga," natatawa pa ring sagot ni Cheryl.

"I am dead serious," aniya na kinindatan si Sherwin. Sinusubukan niyang tingnan kung maliban sa kaseryosohan at pagkunot ng noo ay may ibang reaksyon pang alam ang binata. Pero wala, nanatiling blanko ang mukha.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now