Chapter 12

1.7K 124 48
                                    


"Dali na. Isang kanta lang," ani Shaine habang pilit inaabot sa kanya ang songbook.

Nasa teresa sila sa bahay nila Sherwin. Pagdating sa bahay ay gusto na niyang umuwi sa kanila pero dahil kaarawan din ngayon ni Tita Celia ay hindi niya magawang magpaalam. Naunahan na siya ng hiya lalo na sa paraan ng pag-istima nito sa kanya.

Kahit maaga pa ay mag-iinom na ang ilang kamag-anak at trabahador ng pamilya sa pataniman. Pagdating nila ay tinawag si Sherwin ng mga pinsan at tiyuhin nito. Siya naman ay sa kabilang bahagi ng teresa isinama ni Shaine.

"Wala akong planong ipahiya ang sarili ko," aniya na hindi pa rin inaabot ang songbook sa kaibigan. Malakas ang loob niya sa ibang bagay pero hindi sa pagkanta. Kung sa banyo pa sa kwarto niya, nakanta siya, at the top of her lungs, pero sa labas ay madalang na madalang.

Sinasabi rin naman ng mommy niya na maganda naman talaga ang boses niya. Ayon dito ay namana niya iyon sa kanyang ama. Marahil, iyon din ang dahilan kaya hindi niya sineryoso ang pagkanta. Anything that concerns her father, wala siyang interes. Hindi ito nag-interes na kilalanin siya, so bakit pag-iinteresan din niya ang ama? Her father is non-existent in her life and she had no qualms keeping it that way.

"Paano kang mapapahiya e maganda naman ang boses mo? Di ba noong nasa Mabini tayo, panay ang kanta mo para lang mapasaya ako?"

Pinandilatan niya ang kaibigan, "Iba iyon, iba ngayon!"

"Sige na, anak. Kaarawan ko, hindi mo ba ako pagbibigyan?" ani Tita Celia.

Napabuntong-hininga si Aileen saka inirapan ang kaibigan na nginitian pa siya. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumunta sa tabi ng videoke at pumili ng kanta. Wala siyang mapili kaya si Shaine ang namili para sa kanya. Sabi ni Shaine ay iyon daw ang theme song nito para sa sarili ngayon.

Pumailanglang ang awiting Terrified ni Katharine McPhee. Tiningnan niya sa Shaine, "Hindi ko masyadong kabisado ang kantang 'yan," reklamo niya.

"Videoke 'yan, Aileen, may lyrics. Kantahin mo na. Gusto ko from the heart."

Ngumiti siya nang mapait, "From the heart? Kung gano'n ay maling kanta ang napili mo." Her friend whats her to sing a song for people happily inlove, yet here she is, shattered, broken. And Aileen is doubtful if she could pretend to be happy after today. Kung sakali ay kakailanganin niya ng ibayong lakas bago muling maisuot ang maskara ng masayang Aileen na kilala ng lahat.

Kumunot ang noo ni Shaine, "Papalitan ko?"

Bumuntong-hininga na lang siya, sumandal sa barandilya ng teresa at humarap sa TV screen.

"You by the light is the greatest find, in the world full wrong you're the thing that's right, finally made it through the lonely, to the other side.."

Hindi man niya intensyion ay bigla siyang tinablan sa lyrics ng awit. Sabi ni Shaine ay para dito ang kanta, pero bakit pakiramdam niya ay patungkol yata iyon sa kanya?

"And this could be good it's already better than that, and nothing's worse than knowing you're holding back, I could be all that you needed, if you let me try."

Biglang napuno ang luha ang kanyang mga mata. Pumukit siya dahil ayaw niyang pumatak iyon. Bakit kailangang ang kantang pinili ni Shaine ay maging gan'to ang epekto sa kanya? This is a love song, for crying out loud. Pero bakit pakiramdam niya ay para rin iyon sa kanya? Oo, in love siya, pero broken hearted naman.

Mukha lang siyang matapang, masaya, malakas ang loob. Pero ang totoo, takot siya. Duwag siya. Hungkag ang pakiramdam niya.

Ang nakikita ng lahat ay isa lang maskara.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now