Chapter 15

2.1K 117 20
                                    

"Matatagalan pa ba 'yan? Lalamig na ang ulam," anang ina niya sa loob ng kusina.

Ang tinig na iyon ang dahilan kaya muling naghiwalay ang labi nila. Naisanding ni Aileen sa balikat ng binata ang mukha. "Mommy, you know I love you, right?" 

"Yes. I know, baby."

"But not right now, ‘My."

Narinig niya ang pahalakhak nito sa loob ng kusina.

"Halika na," ani Sherwin na inalalayan siya sa pagtayo.

Pero bago pa man sila makarating ni Sherwin sa kusina ay tumatawag na sina Shaine at Cheryl. Alam niyang ang dalawa iyon dahil ang dalawa lang naman ang nangangalampag na animo'y pag-aari ang bahay, kasabay ng walang humpay na pagtawag sa pangalan niya.

"Pwedeng sandali naman," aniya habang tinatanggal ang lock ng gate.

"Ang tagal," ani Cheryl na dire-diretsong pumasok sa bakuran, kasunod nito si Shaine na kitang-kita ang gulat sa mukha nang makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan.

"Kuya? Anong ginagawa mo rito? Muntik na kitang hindi makilala. Nakapang malakasan ka," biro nito sa kapatid.

"Hindi mo alam na narito s'ya?" tanong niya sa kaibigan, lumakad siya sa tabi ni Sherwin.

"Hindi," sagot ni Shaine. "Kailan ka dumating? At anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kapatid.

"Kanina lang. Tinanong ko kay Marson ang bahay nila tapos dito na ako dumiretso. Sinagot ko na ‘to," anito bago siya hinapit sa bewang.

"Kayo na?!” ani Cheryl na halata ang saya sa mukha. "Teka, akala ko ba...?"

"False alarm. Ako pala ang mahal ng mokong na 'to," nakangiting sagot niya.

Shaine heave a sigh of relief, "Mabuti naman. Muntik ko nang itaktak si Kuya, false alarm lang pala."

Kumunot ang noo ni Sherwin habang si Aileen naman ay napatawa. "Anong itaktak?" anito sa kapatid bago tumingin sa kanya.

"Kasi nga akala ko nagkabalikan kayo ni Lianne..." May alanganing ngiting gumuhit sa labi ni Aileen. Ang magagaling na kaibigan naman niya ay mataktikang iniwan sila at pumasok sa kusina.

Napailing ang binata, mula sa simpleng paghawak sa bewang niya ay tuluyan siya nitong ikinulong sa mga braso nito, "Sinabi mo sa kanila pero hindi sa akin? Hindi ba dapat sa aming tatlo, ako ang unang kinausap mo para nakapagpaliwanang ako sa'yo?"

Kinagat niya ang labi at saka itinaas ang kanang kamay, naka peace sign, "Sorry na... Naisip ko kasi na para saan pa ang pagkausap ko sa iyo e wala namang tayo? At saka ayoko namang lalong magmukhang kawawa sa harap mo."

"Pero ako ang naging kawawa nung hindi ka na bumalik sa amin. Halos ilang linggo akong hindi makatulog sa inip sa pagbalik mo. At dahil hindi na ako makapag-antay, nagdesisyon ako na puntahan ka na dito. At kung hindi ako pumunta, hindi ko malalaman na wala ka na palang planong ituloy ang panliligaw mo."

"E kasi nga akala ko kayo na ulit ni Lianne," aniya bago yumakap sa bewang ni Sherwin. She is smiling at him sheepishly.

"Akala. Maling akala na naitama sana natin kung sinabi mo kaagad sa akin," anito habang masuyong nakatitig sa kanya.

Nakagat ni Aileen ang labi, "Oo na nga. Pasensya naman. Maganda lang, hindi perfect."

Napatawa si Sherwin, "Perpekto ka para sa akin. Kahit na ba minsan hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nasa isip mo," anito bago siya masuyo hinalikan sa labi. "Pero sa susunod, kapag may problema, sa akin mo sabihin para nareresolba natin nang ayos. Wala akong kaalam-alam, ako na pala ang pinoproblema mo, at wala akong kalaban-laban pero muntik ka na palang mawala sa akin." Lalong humigpit ang pagkakayapos sa kanya ng binata.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon