Chapter 16

2.2K 117 29
                                    


“WHAT DO YOU THINK?” Baling niya kay Sherwin na tahimik lang sa tabi niya. Nag-oocular sila ng venue para sa reception ng kasal nilang dalawa.

Nagkibit-balikat ito. “Ikaw. Kung okay sa iyo ito, okay na rin sa akin.”

Napatawa siya bago bumaling sa wedding coordinator na kasama nila, “Excuse me lang, ha.” Tumayo siya at hinigit ang fiancé sa garden ng hotel kung nasaan sila. “Lahat nang pinuntahan natin na venue gan’yan ang sagot mo. Wala ka bang nagustuhan? Yung totoo!”

“Okay lahat sa akin kaya ikaw na lang ang pumili.”

Humalukipkip siya, “Bakit parang ako lang ang excited sa kasal na ito?”

Ngumiti si Sherwin at hinapit siya sa bewang, “Wag mong ipagkamali ang inip sa kawalang gana. At wag mong kwestiyunin ang excitement ko sa kasal natin dahil kung ako ang masusunod, dalawang buwan na lang sana, Mrs. Condino ka na.”

Matapos ang mahabang paliwanangan ay pumayag naman si Sherwin sa gusto niyang i-extend ang wedding preparation nila, sa kundisyong dapat ay kasal na sila bago lumipas ang taon na ito.

Napalabi siya, “Magpahaging ka naman alin sa mga venue na napuntahan natin ang gusto mo.”

“Kahit saan nga. Wala akong pakialam sa venue. Ang mahalaga sa akin, nadoon ka at yung paring magkakasal sa atin,” masuyo siya nitong nginitian.

"Pwede ba naman yung kahit saan? Sige na. Magsuggest ka. Saan mo ba gusto?"

Nangislap ang mga mata ni Sherwin, "Kahit sa kamalig, pwede ako."

Napatawa si Aileen, “Nakakainis ka! Wag kang magsuggest ng gan'yan. Baka pumayag ako,” aniya bago ito masuyong tinampal sa dibdib, inirapan niya ito bago kumilos para kumawala sa yakap nito.

Pero imbes na bitawan ay mas lalo siyang hinapit ng binata. “Matagal pa ba? Halos maghapon na tayong nag-iikot. Inip na inip na ako. Gusto na kitang masolo.”

Napatawa si Aileen, “Masolo ka diyan!” Pinisil niya ang ilong nito. “Hindi pwede! Lagot ka kay Mommy!” Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. "Remember, marriage first before grand children."

Umungol si Sherwin, "Pakasal na tayo mamaya. Pwede na sa mayor namin, tapos saka tayo pakasal nang engrande sa simbahan."

Napatawa si Aileen, "Ang lakas ng loob mong magpakipot sa panliligaw ko dati, yun pala napaka mainipin mo naman."

Ngumiti si Sherwin, bakas ang pagmamahal sa mga mata nito, "Kung alam mo lang kung gaanong inip ko sa tuwing nasa bahay ka. Magdamag akong halos gising sa pag-aantay na pumasok ka sa kwarto ko."

Tumawa si Aileen, "Just wait for a couple months more, Sherwin. Hindi na ako mamamasok ng kwarto, magiging roomate at katabi mo pa talaga ako."

Bumuntong-hininga ito, "Yun nga mismo ang problema ko. Inip na inip na akong magising na yakap ka nang ganito," anito bago siya muling hinapit. Isinandig naman ni Aileen ang ulo sa tapat ng dibdib nito. Pumikit si Aileen. She let his warm embrace envelops her. She loves being inside his strong arms, hearing his heart beating crazy for her. It calms her. It secures her.

Ayaw man niyang aminin, pero siya man ay naiinip na rin na araw-araw itong makasama.

Sa nakalipas na buwan ay ang binata naman ay laging napasyal sa kanila. Looking forward siya tuwing biyernes dahil paglabas niya ng opisina ay naroon ito at nag-aantay sa kanya. Sherwin would join Marson's car then he will drive her home after they had dinner together.

And yes, keeping the promise she made to her mommy is one heck of an effort.

Ipinagpapasalamat na lang niya na maging si Sherwin ay inirerespeto iyon. He would kiss her senseless to the point of submission, but he always know when to stop. It's frustrating and admirable at the same time. He said that like her, he also made a promise to her mom, and though it kills him, he will stand by it because he is a man of his words. A trait that is both a blessing and a curse.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now