Chapter 13

1.9K 120 33
                                    

"SIGE NA, kanta ka sa kasal ko," ani Shaine. Nasa kwarto niya sila. Nakalatag sa harapan nila ang iba-ibang wedding magazines. Tumitingin sila ng magandang concept para sa kasal nito sa isang taon.

"Alam mong hindi ako magaling kumanta," aniya habang binubuklat ang isa sa mga magazine. May wedding coordinator sina Shaine kaya alam niyang palusot lang ng dalawa ang pagko-conceptualize daw ng kasal kaya narito sa kanila kahit agang-aga pa. Ilang linggo na siyang kinukulit ng dalawa at pilit pinapaamin kung ano ang problema niya. Noong una ay si Cheryl lang ang nangungulit sa kanya, pero ngayon ay full force ang dalawa.

"Magaling ka. Maganda ang boses mo," ani Cheryl.

"Kumuha na lang kayo ng professional singer. Pasensya na, pero hindi talaga kita mapagbibigyan, Shaine."

"Please? Kapag hindi ka pumayag hindi ko ipapartner sa'yo si Kuya Sherwin."

Nginitian niya si Shaine, "Mas matutuwa pa ako, sa totoo lang."

Nagkatinginan sina Shaine at Cheryl. Ibinaba ng dalawa ang mga magazine na hawak saka umayos ng upo sa ibabaw ng kama.

"Matagal ko nang napapansin na iniiwasan mong pag-usapan si Kuya Sherwin. Hinahanap ka rin nina Nanay at Tatay, pati ni Ate Mildred," ani Shaine.

Nagkibit-balikat siya, "Di ba nga nag get-together kami ng mga college friends ko noong nakaraan? Ayon, nagkayayaan na pasyalan ang probinsiya ng bawat isa kaya busy ako nitong mga nakaraang linggo. Ang speaking of which, hindi sa ayaw kong narito kayo, pero mamayang alas-diyes lang ay may mga bisita na ako at aalis kami. Sa Mabini kami magpapalipas ng gabi. "

"May hindi ka sinasabi sa amin ni Shaine. Akala ko ba face your fears? Confront the problem?" sa halip ay sagot ni Cheryl.

Pilit na tumawa si Aileen, "Wala akong sasabihin sa inyo dahil wala naman akong problema."

"Nakapa-unfair mo, Aileen. Kapag kami ni Cheryl, walang karapatang tumangging, hindi pwedeng hindi namin sabihin sa iyo ang totoo. Pero bakit kapag ikaw, itinatago mo sa amin? Wala ka bang tiwala sa amin?" halata sa boses ni Shaine ang hinanakit.

Huminga siya nang malalim. "Hindi sa gano'n. It's just that I don't want to burden you with my issues and..."

"So iyon ang tingin mo kapag naglalabas ako ng problema sa iyo? That I am passing the burden?" ani Cheryl na halata rin ang hinanakit sa boses.

"No! Of course not. I mean, I just want to keep my troubles to myself."

"Bakit? Dahil tingin mo ay hindi ka namin tutulungan?" ani Shaine.

"No. It's just that..." huminga nang malalim si Aileen. "Sanay ako na binabalewala lang kahit anong problemang dumating sa buhay ko. Nalampas naman ang lahat ng bagay. Parang gutom, nalipas din," nakangiting sagot niya.

"It does not, Aileen. Kapag hindi mo in-acknowldege 'yang nararamdaman mo, hindi 'yan mawawala, itatago mo lang, pero hindi mawawala." Ani Cheryl na inabot ang kamay niya. "I know. Ilang taon kong ginawa 'yang pambabalewala sa feelings ko para kay Marson."

Hindi kailangang sabihin ni Cheryl iyon dahil alam na alam niya iyon. Higit kanino man ay siya ang nakakaalam na hangga't walang proper closure, mananatiling bukas ang issue, pwedeng balewalain pero hindi mawawala ang sakit. Sinabi lang niya iyon para tigilan siya ng mga kaibigan.

"Are we not your friends, Aileen?" ani Shaine.

"You are. Pero may mga bagay lang talaga na hindi ko pa kayang pag-usapan."

"O ayaw mo lang pag-usapan natin dahil si Kuya Sherwin ang dahilan kaya ka nagkakagan'yan? Ilang linggo na naming napapansin ang kawalan mo ng sigla. At alam kong gawa 'yon ni Kuya. Hindi ka sumasama sa akin pauwi kapag niyayaya kita dahil naiwas ka. Totoong minahal mo s'ya, hindi ba?" nananantiya ang boses ni Shaine.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now