Chapter 9

1.4K 108 5
                                    

"Hindi kaya yung kapatid ko ang nakarma dahil sa pakikipagpustahan ko sa iyo?" kunot-noong tanong ni Samuel habang nakatingin sa kanya.

Kadarating lang nila sa bahay nina Shaine. Nalaman ng kaibigan nila na pinagpustahan lang pala nina Euan ang itatagal nang panliligaw nito kay Shaine. Umuwi nang wala sa oras sa Sariaya si Shaine at bilang mabubuting kaibigan ay sinamahan nila ito.

Nasa loob ito ng bahay at kausap ang mga magulang, habang sila naman ni Cheryl ay nasa teresa kausap si Samuel. Naroon din si Sherwin pero tahimik lang ito habang seryosong-seryoso.

"Excuse me!?" ani Aileen na napakunot-noo din.

"Di ba may pustahan tayo na kung mapapasagot mo si Kuya...."

Pinandilatan ni Aileen si Samuel na bigla namang tumigil sa pagsasalita.

"Hindi ano? Saan ka naman nakakita nang matinong pustahan na kahit anong mangyari, fix yung taong matatalo?"

Napabuntong-hininga si Samuel, "Sabagay nga."

Ilang sandaling walang nagsalita sa kanila. Pasimple niyang tiningnan si Sherwin na nakakunot-noo habang nakatitig sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

Ngumiti si Aileen, "Wala 'yon. Biruan lang namin ng kapatid mo iyon." Imbes na sumagot ay tumayo si Sherwin at pumasok sa loob. Nilingon niya si Samuel, "Kapag ako talaga nabasted!"

Napailing si Samuel, "Kasalanan mo iyon. Wag mong isisi sa akin. Ikaw itong magulong kausap."

"At ako pa?! 'Yang kuya mo nga ang di ko mawari. Gumanti naman sa halik ko, nagpapakipot pa..." aniya bago muling tumingin sa pintong pinasukan ng binata.

"Si Kuya, hinalikan mo?" Napamaang si Samuel sa kanya. Halata sa mukha nito ang gulat pero naroon pa rin naman ang pagdududa kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo.

Pinaikot ni Aileen ang mga mata bago tumayo, "Tanungin mo pa ang kuya mo kung ayaw mong maniwala." Gusto na rin naman niyang magpahinga. Hindi birong magdrive kahapon pa-Mabini at ngayon naman ay pa-Sariaya.

"Seryoso ba 'to?" tanong ni Samuel kay Cheryl Lei.

Napatawa si Cheryl pero tulad niya ay tumayo na rin, "Personally, I think seryoso 'to. Pero tanungin mo na rin ang kuya mo para pakasigurado talaga tayo."

*******

"O, EH DI DAPAT TALAGA pinag-uusapan, di ba? Kinokompronta!" aniya.

Nasa kubo sila sa likod bahay nina Shaine. Kasama niya roon ang ang dalawang kaibigan, nagkaayos na sina Euan at Shaine. Nagkapaliwanagan na wala palang alam ni Euan tungkol sa pustahan ng mga kaibigan nito. Seryoso talaga ang binata kay Shaine, may suot na ngang engagement ring ang kaibigan nila.

"Eh, bakit sinuportahan mo nang magsabi na magtatago sa probinsiya?" ani Cheryl.

"Paniniwala ko 'yong face your fears, di ko naman pwedeng impose sa inyo 'yon. Kung ano ang desisyon n'yo, support lang ako. Sinabi ko lang ngayon, kase nga, ayan! Pinapakita ko lang na tama ang paninindigan ko! Push your limits! Confront the problem. Gan' yan! Eh, di tapos kaagad."

"Alam ko na, wag mo nang sabihin," nakatawang sabi ni Shaine. "Yan din mismo ang sabi sa akin ni Euan. Sana raw kinausap ko muna siya bago ako nagdesisyon. Nag-compromise na kami. Walang taguan. Napagkasunduan na naming pag-usapan muna lahat ng bagay na maaaring makaapekto sa relasyon naming bago kami mag-jump sa conclusion at decision."

"Mabuti naman, gan'on naman talaga dapat," aniya.  "Luto na kaya ang pagkain, gutom na ako. Isa pa gusto ko na ring malaman kung kailan ba ang kasal n'yo?"

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now