Chapter 6

1.5K 112 18
                                    

"HINDI PA BA TAPOS?" ani Sherwin. Kanina ay si Shaine ang katabi nito pero nakipagpalit siya ng pwesto sa kaibigan. Pag-upo niya sa tabi nito ay sumulyap si Sherwin, nginitian niya ito na ginantihan lang ng tango ng binata.

Binyag ni Baby Symon at nasa simbahan pa sila. Tapos na ang seremonya ng binyag, nagkukuhaan na lang ng solong litrato kasama ng bata ang bawat ninong at ninang. Kasama niya sina Sherwin, Samuel at Shaine na mga ninong at ninang din sa unang pamangkin. Si Marson ay ninong din ni Symon. Nagkataon naman na may nauna nang naiset na meeting ang pinsan ng mga ito tungkol sa bagong branch ng water refilling station na bubuksan sa Calamba. Pero nagpasabi itong doon na dederetso matapos ang lakad nito at malamang daw ay bago makapamanghali ay nasa Sariaya na rin ito dahil umaga naman daw ang meeting.

Niyaya nila si Cheryl kahapon pero tumanggi ito dahil may sakit ang ama at wala daw kukuha ng paninda ng ina nito sa Divisoria. Sa susunod na lang daw ito sasama.

"Minsan lang ang binyag, dapat marami talagang souvenir shots," ani Aileen.

"Tapos naman na tayong kuhaan ng litrato. Mauna na tayong umuwi," anito bago tumayo.

"Huy! Wag ka munang umalis! Wala pa tayong group shot!" ani Aileen.

"Sa labas ko na lang kayo aantayin."

"Sa labas at dito, iisa lang iyon. Mag-aantay ka pa rin." Lumingon naman si Sherwin pero nagkibit-balikat lang ito at tumuloy na sa paglalakad palabas ng simbahan.

"Hi, ako nga pala si Rico. Kanina pa kita gustong lapitan, hindi lang ako makakuha ng tyempo." Anang lalaking bagong lapit sa kanya.

Of course, tanda niya ito dahil ito ang lalaking nakasalubong nila noong galing sila sa sitawan. Kanina nga noong lumapit sila kay Symon para lagyan ito ng krus sa noo ay sa may tabi pa niya ito pumuwesto kahit maluwag naman sa kabilang side ni Ate Mildred. At napansin din niya na noong nagsindi ng kandila ay nag-effot pa itong sa kanya makisindi kahit na may sindi na ang kandila ng katabi nito. Pinakadulo ng bangko ang inuupuan niya at hindi na niya kinailangang magpaliwagan sa kaibigan kung bakit siya makikipagpalit ng pwesto dahil nang makisindi si Rico ng kandila ay siniko niya si Shaine, nang tumingin ang kaibigan ay sinulyapan niya si Rico at saka niya itinirik ang mga mata. Tinawanan siya ni Shaine bago ito nakipagpalit ng pwesto.

"Hello, I'm Aileen," aniya na imbes na abutin ang nakalahad na kamay nito ay nag peace sign lang siya.

"Halika na. Group picture na yata," ani Sherwin, tinanguan lang nito si Rico bago siya hinawakan sa siko at inakay palapit sa altar. Nagulat man siya ay hindi siya nagreklamo sa biglang pagsulpot ng binata.

"Akala ko ba uuna ka na sa labas?"

Sumulyap ito sa kanya, "Sabi mo group picture pa."

Ngumiti siya, "Sus! Kunwari ka pa! Aminin mo na lang na ayaw mo lang na maligawan ako ng iba," aniya na sinadyang danggilin ng balikat ang tagiliran ng binata. "Wag kang mag-alala, ikaw pa rin ang crush ko. At saka loyal ako sa iyo."

Sumulyap ito sa kanya at saka umiling, pero napangiting lalo si Aileen dahil kung dati ay seryoso lang ito, ngayon ay kita niya ang amusement sa mata ng binata.

"May sasakyan ka ba? Kung gusto mo'y sa akin ka na sumabay mamaya. Dala ko yung Ford Expedition ko, latest model," ani Rico na umagapay sa kanila.

Gusto niyang taasan ng kilay ang binata pero pinigil niya ang sarili, ngumiti siya, na mas tamang sabihing ngiwi, "Wow! Talaga, nadala mo?! Kahanga-hanga! Yung sasakyan kasi nina Sherwin na Toyota Grandia, nineteen kopong-kopong model, hindi niya dinala. Sinakyan namin."

Sherwin chuckle. Napatingala tuloy si Aileen sa binatang katabi na nanatiling sa altar nakatingin.

"Pumarine na kayo! Group picture na," ani Ate Mildred na sumesenyas pa para lumapit sila

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon