Chapter 17

3.4K 159 105
                                    

BUMUNTONG-HININGA si Sherwin, "Matagal pa ba bago matapos?" tukoy nito sa wedding reception program nila. Inalalayan siya nito pagtayo, inakay siya sa gitna ng bulwagan. Ramdam niyang lahat ng mga mata ay sa kanila nakatingin.

Hawak nito ang train ng gown niya. The sweetheart neckline of her wedding gown enhances the lenght of her neck, it also eccentuates her curves. May maliit itong sleeves na nakalaylay sa may braso niya. Ang lace-embelishment ay nasa may bodice ng kanyang gown, may maliit na belt iyon, emphasizing her small waits, ang ibang lace-embelishment ay sa may laglayan ng kanyang gown makalagay.

Kasama niya sina Cheryl at Shaine noong nagfinal fitting siya. Ang sabi ni Cheryl ay "sexy but classy" ang vibe niya. Si Shaine naman ay biniro siyang alalayan daw niya ang Kuya nito, dahil baka madapa habang naglalakad. Nasisigurado daw nito na sa kanya lang nakatingin si Sherwin buong magdamag. At tama ang kapatid ng asawa dahil hindi nga siya hinihiwalayan ng tingin ni Sherwin.

At kung paanong siya lang ang tinitingnan ng asawa, gano'n din siya rito. Naka-Barong Tagalog ito, iyon ang napili nitong isuot dahil Filipino raw ito. Maging ang mga groomsmen at mga batang lalaking abay ay barong din ang suot. Buy local, another trait na nakita niya sa asawa.

"Patience, husband," aniya, nginitian niya ang asawa, ang puso niya ay nag-uumapaw sa saya.

Nasa gitna na sila ng bulwagan. Hinapit ni Sherwin ang kanyang bewang at pinagdikit ang kanilang mga noo. Kahit nakailang tanong siya, hindi sinabi ng wedding coordinator kung ano ang kanta sa first dance nila.

Walang ibang pinakialamang detalye si Sherwin sa kasal na gusto niya, maliban sa first dance nila. At kung ano man ang napiling kanta ng asawa niya, tanging ito at ang coordinator lang ang kakakaalam.

Pagtugtog pa lang ng unang nota, alam na niya ang kanta. Napangiti si Aileen. May ideya na siya kung bakit iyon ang piniling kanta ng asawa niya.

"What would I do without your smart mouth? Drawing me in and you kicking me out, you've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down. What's going on in that beautiful mind, I'm on your magical mystery ride, and I'm so dizzy don't know what hit me, but I'll be alright."

Sinabayan ni Sherwin ang chorus ng kanta. Napangiti siya dahil doon. Ang kamay na nakakapit sa balikat ng asawa kanina ay iniyapos niya sa leeg nito. Salamat sa mataas na sapatos, hindi niya kailangang magtiptoe para maabot ang labi nito.

"Wow! Maalam ka palang kumanta. Yun nga lang, di ako sure kung may tinamaan kang nota. Buti na lang talaga, gwapo ka," nakangiting biro niya bago ito binigyan nang mabilis na halik sa mga labi.

Ang lakas ng halakhak ni Sherwin ay nakapagpalingon sa ilang mga bisita nila.

"Sige lang. Pagbabayaran mo mamaya lahat ng panlalait mo," anito sa nagingislap na mga mata.

Ngumiti rin siya, "Pati interes, kahit hindi mo kinukuha, isasama ko."

"How many times do I have to I have to tell you, even when you're crying you're beautiful too, the world is beating you down, I'm around through every mood."

"Alam mo, hubby, parang mali naman itong kantang napili mo."

"Paano mo naman iyon nasabi, Misis?" An unexplainable glow erupted inside her. Napangiti siya sa tawag nito sa kanya.

"Parang dapat yata Fireworks ni Katy Perry ang first dance natin. Bagong taon na ilang oras mula ngayon. Mamaya lang puro fireworks na. At saka hindi lang tugma sa wedding date natin yung lyrics no'n, pwede rin sa honeymoon."

Kumunot ang noo ni Sherwin.

Ngumiti siya, yumapos sa asawa at idinikit ang labi sa tenga nito, sinadya niyang sa bawat salita ay dadait iyon sa tenga ni Sherwin, "Cause baby you're a firework, come on show 'em what your worth, make 'em go, oh, oh, oh, as you shoot.."

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now