Chapter 5

1.4K 98 16
                                    

"AKO NAMAN. Subukan ko kung mapapatahan ko," aniya habang hawak ni Shaine si Symon, ang anak ni Kuya Sandro. Nasa kabilang bahay sila at binibisita ang sanggol. Alam niyang hindi biro ang pag-aalaga ng sanggol. Si Kuya Sandro at Ate Mildred ay parehas nanlalalim ang mga mata tanda ng kakulangan sa tulog, pero nakikita niya ang saya sa mukha ng mag-asawa. Kakatapos lang dumede ng baby sa ina pero naiyak pa rin ito.

Nang makarga si Symon ay ihinarap niya ang baby sa kanyang dibdib, hinaplos ang likod nito. Tumahan ang sanggol, maya-maya'y nag-burp ito ng malakas na ikinatawa ng mga magulang nito at ni Shaine.

"You are excused, baby."

"Para sa solong anak at walang pamangkin, sanay na sanay ka sa mga bata," ani Mildred.

"Mahilig talaga ako sa bata. Nanghihiram ako ng apo ni Nanay Linda, kasama namin sa bahay," aniya, dahan-dahan niyang tinanggal sa dibdib niya ang sanggol at ihiniga sa kanyang mga braso. Ang sanggol naman ay humikab at pumikit. "So cute."

Kanina'y naroon din si Tita Celia at inaalagaan ang apo. Nakita niya kung paano nito tingnan ang bata. Kung paanong bago pa lang ito nakibo ay waring alam na nito kung ano ang gusto ng sanggol. Napakagandang pagmasdan pero may lungkot na humaplos sa puso niya. Double edge sword ang pagmasa niya rito. Habang nag-eenjoy siyang talaga, hindi naman niya akalain na may mga tanong na susulpot sa isip niya, at lalong hindi niya akalain ang sakit at lungkot na bigla niyang naramdaman. Lungkot na isiniksik niya sa kailaliman ng kanyang puso.

She's here to relax and enjoy the company of this wonderful family.

Huminga siya nang malalim at muling nagfocus sa cute na mukha ng baby na hawak niya.

"Ngayon pa lang sigurado akong magiging isa kang kabuting ina," ani Kuya Sandro.

Napatawa si Aileen. Naalala niya ang usapan nilang mag-ina bago siya pumunta rito. "Salamat, Kuya. Pero humahanap pa ako ng mapapangasawa bago makagawa ng bata," aniyang nakangiti pa rin.

Napatawa si Mildred, "Akala ko ba'y pipikutin mo na raw si Sherwin?"

Napangiti si Aileen. She likes Mildred. Unang kita pa lang nila ay magaan na kaagad ang loob niya sa babae. Yung first meeting pa lang pero alam niyang magiging malapit niya itong kaibigan. "Ang sungit nga. Ni hindi ko mapangiti. Nilalandi ko kanina sa sitawan, wa epek ang beauty ko."

"Suko ka na kay Kuya?" ani Shaine. Alam niyang hindi napansin ng mga kausap niya ang pagdating ni Sherwin dahil halos lahat ay nakatalikod sa pinto ang mga ito.

"Hindi, dahil si Sherwin ang kabuuan ng tipo kong lalaki. Yung gwapo, macho, pero nagpapakipot muna," malapad ang ngiting sagot niya bago kinindatan ang bagong dating na binata.

Napatawa naman ang maghipag na kaharap niya. "Sabi nga ni Kuya Samuel, malabo ka kay Kuya."

Imbes na sumagot ay ngumiti lang siya.

"Kursunada ka raw ni Pareng Rico. Nakita na kaninang umaga. Kung pwede raw manligaw sa iyo?"

"Alin? Yung nakasalubong namin kanina nung galing kaming sitawan?"

"Kakain na daw, Shaine. Ipinapatawag na kayo ni Nanay," ani Sherwin sa may kalakasang boses.

Tiningnan niya ang sanggol na dala kung naabala ba ang tulog dahil sa biglang pagsasalita ng tiyuhin nito. Kumilos ito at isiniksik ang mukha sa tapat ng kanyang dibdib bago muling humikab. Muling napuno ng init ang puso ni Aileen. This cute baby unwittingly captured a place in her heart.

"Sige, Kuya, susunod na kami," sagot ni Shaine. Pero hindi umalis ang lalaki sa pinto, wari'y inaantay sila. Matapos maibigay kay Mildred si Symon ay nagpaalam na sila, pero muli na namang nagtanong si Kuya Sandro.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon