Chapter 4

1.5K 102 15
                                    

"I'M EXCITED!" aniya habang maglalakad papunta sa taniman ng sitaw.

Kagabi habang naghahapunan ay nalaman niya na may papitas ang mga magulang ni Shaine kaya maaga siyang gumising ngayon. Halos buong buhay niya ay sa siyudad na siya lumaki. Hindi pa niya nararanasan ang pamimitas ng gulay kaya excited siyang talaga. Bago sila umalis ng bahay ay pinagsuot siya ni Tita Celia ng damit na may mahabang manggas na natatakpan ang kanyang mga braso. Nakasuot din siya ng pantalon na ang tela ay madulas. Sa ulo naman niya ay nakalagay ang isang malapad na saklob na gawa sa dahon ng buli.

"Wow, probinsiyang-probinsiya! Hindi naman po sa palayan ang punta natin, ano?"

"Sa sitawan tayo pupunta, anak," sagot ni Tita Celia, nakasuot din ito ng damit na katulad ng suot niya.

"Nililinaw ko lang po, Tita, kase feeling ko po ako si Scarecrow."

Tumawa ito, "Kailangan mo iyan, anak, kase kung hindi ay kakatihan ka. Baka magpantal ang balat mo. At mainit sa taniman kaya dapat ika'y may saklob."

"E bakit po si Sherwin naka t-shirt lang?"

"Sanay na ako," seryosong sagot nito, naglalakad ito sa unahan nila. Tinitingnan niya ang bawat paghakbang ng binata. Maganda ang luntiang paligid na nilalakaran nila, pero mas gusto niyang titigan ang binata sa unahan niya kahit na nga ba sabihing nakatalikod naman ito sa kanya. Ang muscles nito sa braso ay lalong na-define dahil sa water jag na dala. The way that his t-shirt clung to those broad shoulders, and even the way his jeans hug his behind is a breath taking sight.

Aileen is never really a fan of a man with chiseled body. It usually takes more that a nice body for her to be interested in a man. Kinagat niya ang labi sa pagpipigil ng ngiti. Oh, well. In her defense, hindi lang naman ang magandang hubog ng katawan nito ang dahilan kaya humahanga siya sa lalaki. More on sa dahilan kung bakit naging maganda ang hubog ng katawan nito. Nasisigurado niyang kung ano mang muscles nito sa katawan ay dahil sa gawaing bukid na araw-araw nitong ginagawa. But then again, hindi lang naman ang physical attributes ni Sherwin ang nakatawag ng atensyon niya. There is something more in him behind that serious face.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw na niya ang sitawan. May ilang tao na roon at nagsisimula nang mamitas ng sitaw. Nakita niya ang Tito Andres, nauna itong umalis sa bahay kanina. May hawak na itong mga sitaw. Tumigil ito sa ginagawa at nginitian sila. Dumiretso muna sa Sherwin sa ilalim ng isang puno sa gilid ng taniman. Ipinatong nito roon ang dalang water jag at basket na naglalaman ng tinapay, sa tabi ng sako na may mga napitas na sitaw.

"Halika rito, anak. Tuturuan kita kung alin ang dapat mong pitasin," ani Tita Celia.

"Wow! Ang dami! Ang hahaba!" hinawakan niya ang isang sitaw na nadaanan. "Ang lawak po pala nitong taniman n'yo."

"Kaya kumuha kami ng taong makakatulong pamimitas. Bukas ay ibibiyahe na rin ang mga ito."

"Wow, excited na po ako! Paano ko po malalaman kung alin ang dapat kong kuhain?"

"Kapag payat at maiksi pa at hindi mo pa nakikita ang mga buto ng sitaw, ibig sabihin mura pa, wag mo munang kukunin. Para malaman mo kung dapat nang pitasin, kailangan ganito na ang itsura," itinuro nito sa kanya ang isang sitaw na nakalabas na ang outline ng buto, pero berdeng-berde pa ang kulay.

"Sige po."

"S'ya nga pala, anak, kapag ika'y may nakita sitaw na may nakalasong pulang tela, wag mo nang kunin, hane. Punla iyon para sa susunod na taniman."

"Okay po, Tita." Napansin niyang wala itong suot na gloves pero siya ay pinagsuot nito kanina. Tiningnan nita ang ibang namimitas pero mga iyon man ay wala ring suot na gwantes.
"Bakit po sila walang gloves? Pati kayo?"

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now