Chapter 14

2.2K 122 46
                                    

Deep-set but serious eyes meet her surprised eyes. Umawang ang labi niya. Iniisip niya kung ang binata ba talaga ang kaharap.

"Hindi ako sanay na wala kang sinasabi. May kalokohan ka na naman bang naiisip?" ani Sherwin. Kahit nagsalita na ito, naroon pa rin ang pagdududa kung talagang kaharap ba niya ang binata.

Bigla niyang nahigit ang mga binti dahil naramdaman niyang lumapat ang maiinit na kamay ni Sherwin doon. Bigla ay parang may nanulay na kuryente mula sa mga daliri nito papunta sa kanyang katawan.
Napatayo siyang bigla. "Anong ginagawa mo rito?"

Tumayo rin ito at lumapit sa kanya. Bagong gupit ang lalaki, at taliwas sa nakasanayan niya, bagong ahit ang binata. Kung madalas niya itong nakikitang naka t-shirt lang, ngayon ay naka polo shirt at nakaleather shoes ito.

"Sasagutin ka," anito, a lopsided smile appeared on his lips.

"Ano?" aniya, nagkamali ba siya ng pagkakarinig sa sinabi ng binata?

"Sasagutin na kita. Di ba nanliligaw ka?"

Matagal siyang hindi nagsalita, nakatingin lang siya rito. Inaalam niya kung seryoso ba ito sa sinabi. Sasagutin? Siya? Anong nagyayari? Si Lianne? Ang daming gustong itanong ni Aileen pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Nanatili lang siyang nakatitig sa binata.

"Sabi ko sinasagot na kita," anito bago siya biglang hinapit sa bewang.

Sa gulat ay lalong hindi nakaimik si Aileen, umawang ang mga labi niya habang nakatingala sa binata.

"At dahil girlfriend na kita, pwede na kitang halikan kahit hindi ako magpaalam," anito bago yumuko at binihag ang mga labi niya. Para siyang namatanda na nanatiling nakatayo lang dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ng binata, nasa gilid lang ng katawan ang kanyang mga kamay.

"Aileen?" anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Hinaplos pa nito ang mukha niya.

Pero lalo siyang walang nasabi. Pinaglakbay lang niya ang kanyang paningin sa mukha nito. The same eyes, the same pointed nose, but he looks different. Humantong ang kanyang nag-oobserbang mata sa mapupulang labi ng binata.

"Kung kelan kita sinagot, saka ka naman nawalan ng salita," anito bago ngumiti, "Pero bakit nga ba naman magsasalita kung pwede namang idaan sa gawa?" Muling nitong inangkin ang mga labi niya. Much more persistent and passionate, kaysa kanina. She sighed dreamily, closed her eyes before opening up to his kisses.

He nibble, lick and suck her lips. He explore all the warm recesses of her mouth. God! He really is a talented kisser! Aileen's knees turns to jelly but his strong arms held her body firmly.

"Am I dreaming?" aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. She used to lay awake at night daydreaming about him. Dream of him kissing her like this, his body pressed to hers like this. And she's wondering if this is still a part of that dream.

Is he a fragment of her imagination? Ganito ba katindi ang pagkamiss niya sa binata na inaakala niyang kaharap niya ito ngayon?

Hinawakan niya ang labing inangkin ng binata. They are a bit sensitive to her touch.

Tumawa si Sherwin, pero sa pagtawa nito ay lalo yatang nawindang ang kanyang mundo. Kung nagagawa ng binata na halos magwala ang puso niya kahit seryoso ang mukha, ngayong nakatawa ito sa kanya ay lalo lang siyang natulala.

Yes, smiling Sherwin is definitely a dream. This is her ultimate daydream.

Ang mga labi naman ng binata ang hinawakan niya. Matapos iyon ay lumipat ang kamay niya sa mga pisngi nito. They are soft. Taliwas sa naramdaman niya noong halikan niya ang binata dati. His skin is a bit rough then because of his stubbles. "Yeah, this is definitely a dream."

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now