Chapter 10

1.6K 121 28
                                    


"SHAINE, ANO ANG MERON at bakit allergic ang kuya mo sa akin?" Maaga silang pumasok at hindi pa nagbubukas ang bangko. Si Euan na ang naghatid sa kaibigan niya kaya sa bangko na lang sila nagkita ngayon. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ito kahapon.

"Ayaw lang talaga ni kuya sa mga babaeng, let's say, yung laking siyudad na mga go getter at malakas ang loob."

"In short, sa iyo talaga," ani Cheryl.

Iningusan niya ang kaibigan bago muling bumaling kay Shaine, "Bakit nga?"

"Kahit thirty one na si kuya, hindi siya ang tipo na papalit-palit ng girlfriend. Dalawa pa lang ang naging girlfriend niya. At kapag nagcommit si Kuya, committed talaga. Ang first girlfriend niya, high school pa sila. Ang alam ko tumagal sila hanggang makagraduate sila ng high school. Sa Mapua nag-aral yung girl, si kuya naman ay kumuha ng BS Agriculture sa UPLB. Nalaman na lang namin na may iba na palang boyfriend ang girlfriend ni kuya. A city boy. Hindi man lang nakuhang makipaghiwalay nang maayos kay kuya bago pumasok sa panibagong relasyon. Later on nalaman namin na and dahilan daw nito ay walang planong maburo sa bukid. Hindi nito matanggap na sa bukid na lumaki, sa bukid pa rin matatali ang buhay kung si kuya ang mapapangasawa.

Makalipas ang dalawang taon, nagkaroon ulit ng girlfriend si kuya. Nakilala n'ya sa UPLB, taga-Maynila, at katulad mo, ang babaeng iyon din ang unang nagpakita ng interes kay kuya, hanggang sa iyon nga, naging sila. Tumagal din sila. Umabot pa sa punto na napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal pagdating ng panahon. Pero tinanong siya ng babaeng 'yon kung wala na raw bang ibang pangarap sa buhay kung hindi ang magbungkal ng lupa. But plants and simple life is what my brother wants all his life. Nakipaghiwalay ang babaeng iyon kay kuya. Inamin nung girl na kaya daw nakipaglapit kay kuya, bukod sa gwapo naman daw talaga si kuya, ay dahil nababagot lang daw ito at gusto ng paglilibangan. Pero ibang usapan na raw ang kasal. Hindi raw nito matatagalan ang buhay sa bundok, her exact words."

Nakaramdam ng panibugho si Aileen sa mga babaing iyon. Walang karapatan ang kahit na sino na matapos paibigin ang isang tao ay iiwan lang at sasaktan. That wound is so fresh on her heart. She's a product of that cruel game. Kaya nga naging maingat siya pagdating sa usaping pampuso. Ayaw niyang makapanakit, at ayaw din niyang masaktan.

"That was years ago. Pero hanggang ngayon, nakikita naming nawalan na siya ng interes sa mga babae, laking probinsya man, o galing siyudad. Gan'on yata talaga kapag nagmahal ng tapat, kapag nasaktan, sobra-sobra. "

"Now, I understand." Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ng binata sa kanya. Maaaring akala nito ay diversion lang din ang tingin niya sa binata. Internally ay napangiwi si Aileen. Totoo naman kasing noong una ay curious lang siya sa binata. But she will not do what she did if she is just curious. Hindi na lang ito isang simpleng crush. Gusto niya ito. Hindi lang basta gusto. Gustong-gusto.

"Uuwi ka ba next weekend?"

"Sasama ka na naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cheryl.

"Yep. Ayaw madaan sa santong dasalan, idadaan ko na sa santong paspasan," kinindatan pa niya ang kaibigan.

Napatawa naman si Cheryl bago umiling.

"Oo. Nalimutan mo na? Di ba ininvite ka pa ni nanay? Birthday niya sa linggo," ani Shaine. "Sumama ka rin Cheryl. Invited ka rin."

"Pupunta ang mga kapatid ng nanay mo?" tanong ni Cheryl.

"Oo. Lagi silang napunta. Pati nga sina kuya Marson pupunta rin. Sa kanila nga dapat ako sasabay pero ihahatid daw ako ni Euan."

"Sa susunod na lang ako sasama. Magpapadala na lang ako ng regalo para kay Tita Celia," sagot nito.

"Iwasan?" tanong ni Shaine rito.

Spicy Sizzling Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now