Prologue

1.7K 90 40
                                    

Dreaming of You
"Prologue"
<><><>

Lucas Tyler Valdro's P.O.V

"Hindi ko naman lubos akalain na mag se-settle ka sa isang bakla." bati ko nang makasalubong ko siya dito sa food court.  




Namaataan ko ang pag angat ng kanyang labi. Saglit siyang natigilan pero hindi naglaon ay pinili niya paring 'wag akong pansinin. Nagpatuloy siya sa paglatag ng mga napili niyang pagkain sa tray at umarteng hindi ako nakikita.



Kung titignan ang nakaimprintang ekspresyon sa mukha ay aakalain mo talagang wala siyang kahit anumang dinadalang sama ng loob. Nakangiti at mukhang magiliw pero malinaw sa'kin na pag ganitong nagmimistulang hangin ako sa kanya ay galit siya.




Napilig ako ng ulo pagkatapos ay mariing napatiim-bagang. Alam ko naman na nagtatampo lang siya dahil hindi ko na siya naaasikaso. Naging abala lang ako nitong mga nagdaang buwan pero hindi ko naman lubos akalain na gagawin niyang pang iwas loob ang bagay na 'yon para tuluyan niya akong baliwalain. Nauunawaan ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito, pero alam niya rin mismo ang rason kung bakit hindi ko siya mabigyan-bigyan ng atensyon.




Aakmang lilisanin niya na nang tuluyan ang kinaruruonan namin ng mahigpit kong hinawakan ang balikat niya.




"Nicole, look. Alam ko naman na nagtatampo ka lang. Wag kanang pa hard to get at---" lumambitin sa ere dapat na sasabihin ko nang pahisterya niyang ibinagsak ang kanyang tray at ginawadan ng malakas na sampal ang aking mukha.





Napaawang labi ko sa gulat.
Sa lakas ng sampal niya ay nakakasigurado akong malaki nga ang pagkamuhi niya sa'kin.





Nag uunahan ang galit at pagkabahala sa'kin at hindi ko alam kung anong pakiramdam ang papanigan ko. Gayunpaman, mas pinili kong 'wag magpakita ng pag-alma sa halip ay kinompuni ang pagkakatabingi ng aking mukha.





Alam ko sa pagkakataong ito ay nakatuon na atensyon ng karamihan sa'min pero pinanatili kong nakatutok paningin ko kay Nicole. Nakikita ko sa mga mata niya 'yong galit na sinisikap niyang itago.





"Ang kapal ng mukha mo, no? naririnig mo ba sa sinasabi mo, huh?" Asik niya.




Tinaraydor na nga siyang tuluyan ng kanyang galit, marahang dumadausdos ang luha sa kanyang pisngi.




Sa pagkakataon na'to ay nagtatalo isip ko kung ano ba dapat kong maramdaman, dapat ba ako magalit sa sarili dahil nagpabaya't nagpakakompiyansa ako, o mainis sa kanya dahil ambabaw ng dahilan niya?



Nagpakawala siya ng malalim na hininga sa gitna nang pagpipigil ng iyak."Alam mo? Tama ka naman. Ipagpalagay natin na bakla siya. Eh ano ngayon?" Itunulak niya pa ako pero hindi naging sapat ang kanyang lakas para magtagumpay na paurongin ako. Nagtakangka siya ulit na ipagtulakan ako pero ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para hulihin ang mga kamay niya,"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya nang maikulong ko siya sa mga braso ko. Sinunod  ko ang gusto niya kahit hindi dapat, binitawan ko siya.





Pinalis niya ang kanyang luha pagkatapos ay galit na dinuro ako."E ano ngayon Lucas kung bakla siya, ha? Ano ngayon? Para sa'kin, hindi kabawasan sa pagkatao ang pagiging bakla. Dahil kung tutuosin, mas kamahal mahal sila! Kasi sila may paninindigan. Mas maprinsipiyo, matapang, matalino at higit lahat may pagpapahalaga at at respeto!"  Umurong ang lakas ng loob ko. Naramdaman ko ang paglukot ng aking mukha dahil sa galit at hinanakit.




Tuluyan na siyang umalis at tinahak ang lugar kung saan malayo sa'kin. Habang ako naman ay naiwang nanlulumo sa kinatatayuan ko, pinoproseso lahat ng mga nangyare.




'Tsaka lamang ako pahisteryang umakto nang mapagtanto ang lahat.




"Fuck!"





Ibinunton ko ang galit sa pagsipa ng kung anumang bagay meron sa'king harapan. Pati ang basura ay hindi nakatakas sa'kin at dinisposisyon ito. Hindi ko rin pinalagpas ang mga bakanteng upuan at pinagdiskitihan.




Puta! Talaga ba Nicole? Alam kong nagmamatigas ka lang pero. . . kailangan ba umabot sa gan'to. Napakababaw!





Napatingala ako. Kaliwat kanan kong pinilig ang aking ulo pagkatapos ay mariing humagod sa'king sentido. Sinusubukan kong pagaanin loob ko pero umaalpas talaga ang galit sa'kin.




Mas lalong nadepina galit ko nang mapansing nakatingin parin ang lahat sa'kin, nagbubulong-bulongan. Para bang wala silang kamalay-malay na namamataan ko ang pagiging usyusero nila.




Pati 'to daragdag sa iritasyon meron ako ngayon.



Sa inis ay binalingan ko sila ng matalim na tingin.




"Tapos na ang eksena. Hindi pa ba kayo tapos?!" Padarag na saad ko.





Agad naman silang nagsibalikan sa orihinal nilang ginagawa at umasta ng normal at naaayon.





Rumirehistro lahat ng sinabi sa'kin ni Nicole. Wala siyang kahit anumang masamang bagay na binanggit tungkol sa'kin pero ang pamumuri niya sa baklang iyon ang naging dahilan para unti unting pigain ang ego ko. Nilalarawan niya ang mga katangian ng pisteng bakla na 'yon para ipamukha sa'kin na wala ako ni isa sa mga katangiang nabanggit niya.




Nakakapangliit!




Ibig ba sabihin niyan, may gusto siya sa baklang 'yon? O ang mas malala ay may relasyon na sila, na wala na akong tuluyan sa buhay niya?
Kaya ko bang tanggapin? Talaga bang makikipag'sang dibdib siya sa ISANG BAKLA?




Napakuyom ako sa mga posibilidad.





Kung iisipin, kasalanan ko rin naman pero . . . Fuck! Hindi!




"Babalik ka rin sa'kin, Nicole. Wala kang mapapala sa patuloy mong pag iwas at pagmamatigas. Babawiin kita."



***

Read carefully who's P.O.V would take place. You might get misread upon reading between LUKE'S and LUCAS' P.O.V.

***

If you are not fond of "Clingy type of relationship",then this story is not for you. Better leave this story and find another one that would fit sa taste mo. Thanks!

Dreaming Of You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon