Chapter 3: Aesthetic

564 52 22
                                    

Dreaming Of You
"Aesthetic"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

"Whuaaaaaa! Let's celebrate this! Victory party is real!" Maligayang sigaw ni Ellice.

"Ang galing mo kanina baby Luke. Korteng babae ka talaga. Pahiram ako minsan ng silicon at padding mo, huh!" Si Joseph.Hindi ko alam kung binabati ba ako nito o tinatarayan. Nagcross arm kasi ito at nakangusong pinapahayag ang pagbati niya,"Hays.Naiinis ako sa ganda mo." Lahad niya ng totoong nararamdaman.

Tinawanan ko na lang ito.

"Congratulations Luke. You're very beautiful and wonderful,"nakangiting pangcocongratulate sakin ni Ethan .

"Salamat," tipid kong sagot. Bagaman nahihiya ay nakuha kong suklian ng ngiti ang mga sinabi niya. Muli kong namataan ang mapaglarong mukha ni Pia. Panay ang pagtaas baba ng kilay niya habang ngingisi-ngisi.

"Hanep ka Luke. Ang ganda mo. Pwede manligaw?" Si Michael naman sabay akbay sa'kin.

Ngumiti't umiling lang ako, hindi na pinatulan pa kapilyohan niya. Alam ko naman na paraan niya lang 'to ng pagpuri at pagbati sakin.

"Awtch! Na silentzone ako par!" Sagot nito sabay akto na parang nasasaktan.

"Wag ka diyan kay Luke, Michael . Dito ka sakin. Patitirikin ko mata mo palagi. Tapos may pera ka pang maaabotan pag gising mo!" Pag angal ni Joseph sabay pakawala ng mapang akit na ngiti.

"Aba game ako diyan, medyo kinakapos din ako sa pera eh."

"Oo, nag ma-massage service kasi kami. Mapapatirik mata mo dahil sa sobrang relax.Siyempre magbayad ka ng sobra dahil pagkagising mo may pera kang madadatnan dahil sukli mo iyon," agap niya pagkatapos ay bumanghalit ng tawa.

Napailing na lang ako.Ibang klase. Walang pinipiling lugar at sitwasyon ang kalikotan ng salita niya. Pati ang ibang kandidata ay napapataas ng kilay, tila nagpapahayag ng pagkadisgusto sa mga natutunghayan. At siyempre hindi papayag na magpaapi si Joseph kaya nagtataray din ito. Dagdagan pa ni Ellice na iba rin ang calibre sa pananalita at pakikipagsukatan. Giyera sa matatalim na salita ang kahihinatnan nito.

Pero dahil sa masigasig na pag agap ni Michael ay nawala ang tensyun at intriga sapagitan ni Joseph, Ellice at iba pang kandidata.

Muling napuno ng katatawanan at kantiyawan matapos ang eksenang 'yon.Nag iiba talaga ang atmosphere pag sila nag uusap. At hindi ko maiwasang ma adopt ang kahuramentadohan nila.

Nagbalak akong mag bihis pero pinigilan nila ako dahil paalis na raw kami.'Tsaka sayang daw yong make up. Hindi naman na ako nakaangal pa dahil hinila na nila ako palabas ng backstage.

Buong akala ko nagmamadali silang umalis dahil hindi nila ako binigyang pagkakataon na makapagpalit ng maayos. Pero andito kami ngayon,nag iintay sa sasakyan namin. Marami kasing kotse at van na nakaparada. Saktong naipit naman sa pwesto van ni Alex kung saan pahirapan sa pag usad kaya nag iintay kami.

"Teka lang guys may bibilhin lang ako."

Mukhang hindi nila ako narinig dahil abala silang lahat magtawanan at magkantiyawan.

Agad kong tinungo ang isang tiyanggi rito. Sampung metro ata ang layo nito sa pinagmulan ko kanina. Hindi ko pinansin ang mga pahangin at pasibol sibol ng mga tao sa kabilang dako.

Nang tuluyan na akong nakapwesto sa harap ng tiyanggi ay napatigil ako. Napansin kong may isang babaeng nakaupo sa harap ng store.Pero hindi ko maidetalye mukha niya dahil nakatalikod ito mula sakin.

Ipinagsawalang bahala ko muna iyon at nagpatuloy sa agenda kong pagbili.

"Pabili po ng ice water."

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now