Chapter 13: Make You Feel Special

368 25 9
                                    

Dreaming Of You
"Make You Feel Special"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

    Nakapwesto na kami ngayon dito sa loob ng food court. Gaya ng nakasanayan ko ay nag uusap, nag haharotan, nag aasaran , at nagtatawanan sila.

Sinubukang kong magparticipate sa mga ginagawa nila pero lumipad ang huwesiyo ko. Iniisip ko parin siya. Andon pa ba siya bahay? Baka nagugutom na yon? Kamusta siya ?

Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero walang sumasagot kahit pa nagriring ito. Ano na kaya nangyayare sa kanya?

Sa kalagitnaan ng pag iisip ay namataan kong biglang nag vibrate cellphone ko.

Tumatawag siya.

Mariing kong tinuon atensyon ko sa kanilang lahat. Nagulat pa ako dahil nakatuon atensyon nila sa'kin , mukhang abang na abang din sila na sagotin ko. Hindi ko sila masisisi na magtaka dahil hindi naman talaga ako palahawak ng cellphone eh.

Si Pia, Ellice , at Joseph ay nagpakawala ng ngiti na puno ng kahulugan. Mukhang naintindihan nila ang sitwasyon ko kaya naman inaliw nila ang tatlong lalaki 'tsaka ako lumayo ng bahagya sa kanila. 

Sinagot ko ito ng makalabas na ako ng tuluyan sa food court."Bakit natagalan ka sa pagsagot?" Bungad niya. Hindi ko alam kung tanong ba iyon  o kung reklamo. Para rin kasi siyang galit.

"Ahmm. Andito kasi ako sa food court. Andiyan ka pa ba sa bahay?" Tanong ko.

"Ahh. So nakakain kana. Buti ka pa. Kasi ako nagugutom na dito eh. Hays!"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Kinokonsensya niya ba ako? Kasi kung 'OO ay epektibo.

Hindi ko alam, kahit kasi mukhang pakulo lang 'to ni Lucas ay parang tinatamaan parin ako ng pag aalala. Baka nga nagugutom na talaga siya.

Mariin akong napakagat sa'king labi."Hays, hindi naman ako pwedeng umuwi, eh alam mo namang may pasok ako eh." Pagdahilan ko. Kung pwede lang mag teleport ako ginawa ko na para mapuntahan siya sa bahay at asikosahin siya.

"Ayos lang, sige na baba ko na to." Boses malungkot na saad niya. Nagdududa ako sa malungkot niyang boses. Mali. Hindi nakakapagdudada dahil malinaw na sinusubukan niyang hatakin loob ko.

Binaba niya na ang phone .

Bumalik ako sa kinaruruonan namin hindi para makisalo kundi para kunin ang bag ko. Hindi rin naman ako makakain ng maayos dahil parang may bikig na nakaharang sa lalamunan ko.

"Ahm guys, I have to go. Uuwi ako. Very urgent lang. " Pamamaalam ko sa kanila. Nagsinutanguan naman sila at hindi ko na rin na inintay na makasagot o makatanong ang mga 'to dahil nag mamadali talaga ako.

Nakakainis pero kailangan kong gawin to. Hindi ko alam pero kahit pa ganto nangyayare, na kailangan ko talikuran muna pag aaral ko ay hindi ko maikakailang obligado ako sa isang taong... Napangiti na lang ako .

Nang nasa labas na ako ng school ay agad ako tumungo sa waiting area.

Binuksan ko ang cp ko at nakitang marami rami na ang sinend niyang messages.

From Lucas:

~( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀) nagugutom na ako .

~ please. (༎ຶ ෴ ༎ຶ)

~ kailangan ko na kainin ka ay este pagkain.(〒﹏〒)

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now