Chapter 11: Getting Naughtier

430 36 61
                                    

Dreaming Of You
"Getting Naughtier"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

HINDI talaga ako nakatulog mula pa kagabi. Kahit anong pagsisikap na papikitin at tuluyan ng mahulog sa pagkakahimbing ay hindi parin talaga nangyayare. My mind is busy reminiscing of what happened yesterday kaya mulat ang mata ko magpahanggang ngayon.

Andito ako sa kwarto ko at pagulong gulong, nagbabakasali na sa paggulong ko ay makaramdam na ako ng antok. Pero parang pinagsukloban talaga ako ng langit dahil imbis na antokin ako at makatulog na ay tila ba nababaliw ako sa maya't mayang pagngiti ko.

Hays! I already made it my mind na may mga bagay siya na ginagawa dahilan para lumabas iba kong katangian, at ganun din ang dulot ko sa kanya.

Inihatid niya ako kahapon sa bahay mga bandang tanghali na. Bago nangyare iyon ay binalak niya sana akong paliguan sa poso sa labas ng bahay nila. Pero hindi umayon ang gusto niyang mangyare sa plano niya dahil biglang umalan. Kaya napagdesisyunan namin na dalawa kami maligo. Actually, hinila ko lang siya palabas para mabasa kami ng ulan. Noong una nakabusangot ito sa kasutilan na ginawa ko pero hindi naglaon ay naghabulan na kami sa gitna ng ulan na parang mga bata.

Ewan ko ba, parang nakahiligan na ata niya ang asarin at pilyohin ako sa mga malilikot niyang salita , and I hate to admit this dahil parang gustong gusto ko din. Nagagawa ko rin siyang gantihan sa mga pinaggagawa niya sa'kin at hindi ko maiwasan na matawa sa inaasal niya. Yong bigla na lang siya mapipikon at maiinis, at dahil nga dun lumalabas ang pagkamaamo at cute niyang mukha. Nakakaaliw.

So sinong hindi mahihirapan makatulog kung ganyan laman ng isip diba?

Parang ambilis bilis lahat ng nangyare, pero ang turingan at koneksyon namin sa isa't isa ay parang higit pa sa buhay na inalagi ko sa mundo na'to.

Mas lalo atang ginatungan ng mga text niya kagabi ang isip ko na wag matulog. Maya't maya ko kasi siya binabasa tapos kahit paulit ulit ko nang nabasa ay hindi parin nag iiba ang pakiramdam, nag iinit parin mukha ko.

From: Lucas

~Matulog kana ng maaga baby huh?

~Wag magpupuyat kakaisip sa nangyare satin, dahil hindi pa iyon last.

~Marami pang araw na gugugolin natin sa isa't isa.

~I miss you.

~At alam ko namiss mo din kiss ko. Hahaha! Oh ito na.
Mhuaah!( ˘ ³˘)

Lahat ng mga sinabi niya sakin ay nagpapa-resonate ng mga feelings ko. To happy, to happier, to happiest. Hindi ko na alam pa dahil wala na akong mapaglalagyan ng sobrang sayang nararamdaman ko. After nang mga text na iyon ay hindi siya nakontento at tumawag pa .

~FLASHBACK.

" Bakit hindi ka nagrereply huh?!"siya sa kabilang linya na halatang naiinis. Sa boses palang napipicture out ko kung pano itsura niya ngayon. Sa malamang at malamang nakabusangot na naman ito. Hindi ko maiwasang matawa.

"Eh sa wala akong load,"simpleng sagot ko.

"Tsk! Diba binalik ko na wallet mo sa'yo, ando'n parin naman pera mo?Bakit hindi ka magpaload?" napangiti ako sa sinabi niya.

Naiwala ko kasi wallet ko noong first kiss ay este first encounter namin sa mall. Nahagip niya pala ito, at hindi ko maiwasang mamangha dahil walang bawas ang kahit anuman doon. Sa wallet ko na rin siguro nakuha niya number ko, ando'n kasi calling card , I.D at 8k kong pera.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now