Chapter 5: Meeting You

463 46 6
                                    

Dreaming Of You
"Meeting You
<><><>
Luke Frederick Poblacion

NANG makarating na kami sa bahay, lahat ay nakahanda na. Tanging presensiya nalang talaga naming tatlo ang iniintay.

Agad ako lumapit sa kinarorounan ni Ellice at Joseph. Hindi nila ako napansin dahil mukhang abalang abala ang dalawa sa monitoring at scanning sa mga nakahubad na kalalakihan .

"Ellice,tignan mo nga kung andiyan pa panty ko.Feeling ko kasi nalaglag," punong pagkamanghang saad ni Joseph habang nakatingin ngayon kay... Teka, kay kuya.

"Gaga! Baka utak mo yong nalaglag .Wala ka kayang panty!"

"Wag ka ngang epal. Grabi! Pakiramdam ko sinusunog katawan ko sa sobrang hot ni kuya Timothy!"

"Oo, susunogin ka talagang bakla ka sa impiyerno. Grabi ka kung makapagpantasiya sa future husband ko. Homaygosh ! You're betraying me! How could you?"

"Sorry besssssssssssss! Para sa saan pa't naging magkaibigan tayo kung hindi ka marunong magshare ng blessings. My Ghad! Abs oh kita mo yon."

"Asan, teka patingin nga!" Si Ellice. Namilog pa ang mata nito at saglit na napatakip ng bibig," Ay grabi bes! Bless na bless. Nakakaloka! Bakat na bakat. I need some watah! I feel like I'm gonna be dehydrated seeing those  temples."

"Ahmm! Kamusta?"
Hindi ko na kinakaya pa ang pamumuri nila sa tukso, kaya naman
ginambala ko na sila.

"Ay! Andito kana pala Luke?" si Ellice na pilit ipinagsawalang bahala ang mga nangyare. Nangiwi pa ito pagkatapos ay pilit na pinirmi ang sarili. Nagmistula siyang salarin sa inaasta niya.

"What keeps you busy?" Tanong ko sa kanila. Bahagya pang nanlaki mata nila sa tanong ko. Parang napasailalim sila sa malalim na imbistigasyon. Gusto ko silang tawanan nang makitang nagkitinginan silang dalawa.

"Ahhh. Wala naman! hmmm. B-b-busy kami kaka observe sa bahay nyo. Grabi nuh malaki pala bahay nyo at maganda. Diba Ellice," si Joseph na siniko pa bahagya si Ellice.

"Huh? A-ay , oo! Hindi kami nanunuod ng katawan ng kuya Timothy mo dito ah. Yong bahay nyo kasi ang ganda . Swear! Grabi nuh! Anlaki pala ng ano ni kuya Timoth-----bahay niyo."

Napailing na lang ako sa mga pagpapalusot nila. Kung makapuri sila sa bahay namin parang first time nila makapasok, kahit ang totoo lagi silang naka-stand by dito dati. Nahiya pa silang umamin sa tunay nilang pakay.

"Oy Luke?" Natuon atensyon ko sa may ari ng boses, si Pia . 

"Asan na si Nicole?" tanong nito.

"Ah andoon siya sa loob ng kwarto ko nagbibihis."

"Ah ganun! Tara na it's swimming time!" Masaganang saad ni Pia .

At nagdiwang na nga kami dito sa bahay. Nakisabay na rin si kuya sa at hindi nagpahuli sa pagpapamalas ng kung anuman ang ipinagmamalaki ng iba. Habang si Ellice naman at Joseph ay nahihilo na raw. Nagpalibot libot at kung saan saan dumadapo mga mata nila dahil sa nakakalat umano na mga mapanuksong lalaki. Kami naman ni Pia ay napapailang at napapatawa sa reaction ng dalawa naming kaibigan.

Dreaming Of You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon