Chapter 7: Misinterpreted Date

383 39 2
                                    

Dreaming Of You
"Misinterpreted Date"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

LUMIPAS pa ang mga araw ay nagawa ko na din ibalik sarili ko sa tamang sistema. Nakatulong sakin yong maraming projects at requirements sa school para gawing abala ang sarili ko.

May mga pagkakataon na naiisip ko pa rin siya. Lalong lalo na pag wala akong ginagawa kaya nilalamon talaga ako ng ideyang kasama ko siya.

Hindi ko nakikilala sarili ko dahil sa iba't ibang reaksyon na namamayani sakin. Yong kakaibang dulot niya ay parang misteryoso na kusa nalang gagamabala sa pagkatao ko. Matagal tagal ko na rin hindi naramdaman ang ganung klase na kaba at pagkasabik. Mga pakiramdam na halos bago ang dating sa'kin dahil sa hinaba habang panahon na nakatago at nakakuble. Unti unti na ba akong nabubuksan?

Andito ako ulit ngayon sa ilalim ng puno. Ilang linggo na rin ang lumipas nung huling bisita ko sa lugar na ito. I've been so stressed. I need some air. I need some peaceful place. At perpektong lugar nga na ito para sa'kin.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang bawat daplis ng sariwang hangin sa aking katawan. Nakakagaan ng loob ang huni ng kalikasan na sinasabayan pa ng pagnaghoy ng mga ibon na animo'y mga dalubhasa sa larangan ng pag awit.

Tuluyan akong natukso sa kapayapaang sumasamo sa'kin kaya hindi ko mapigilang mapapikit at agad humantong sa pagtulog. Sa kalagitnaan na mahimbing na pagtulog ay may mga senaryong nagsirehistrohan sa isip ko.

"Hoy ! Ikaw?" sigaw ng batang lalaki sa sa'kin. Ba't andito na naman siya. Lagi na lang siya pumuparito sa kaharian ko. Tapos lalapastangin lang naman ako sa pagiging maharlika.

"Hoy ikaw na estrangherong bata, bakit ka napaparito sa kahiraan ko, huh? Hindi ka nababagay sa lugar na ito dahil hindi ka dugong maharlika. Tsk!"pagtugis ko sa batang ito. Nakakainis ang presensya niya. Ano bang problema niya at lagi na lang ako nakikita niya para tuksohin.

Nangunot noo ko dahil imbis na masindak sa banta ko ay bumunghalit ito ng tawa," Hoy bakla!Tanggalin mo nga yang korona na yan sa ulo mo. Hindi bagay sayo, kasi dapat pang prinsipe sinusuot mong korona kasi lalaki ka!" Lumapit siya sakin at kinuha ang korona ko tapos itinapon ito. Nagtagis ang aking bagang. Napapakumyom narin ako sa galit. Ba't ba napakaepal ng batang ito. Ano bang problema niya at puwesto at buhay ko laging pinupunterya niya. Naglalaro lang naman ako ng prinse-prinsesahan, huh?

"Ano ba! wala kang karapatan na lapastanganin at bastusin ang gaya kong prinsesa, okay! Isusuplong kita at ipapatugis sa mahal na hari at reyna," Pambabanta ko sa kanya pero sa halip na matakot siya ay humalahak siya ng pagkalakas lakas. Gusto ko siyang sabunotan sa inis. Nakakalanggalaiti na.

" Sakit tiyan ko kakatawa. Grabi. You're such a gay! Hindi ka nararapat na maging prinsesa nuh! Kasi bakla ka! Ang mga prinsesa ay purong babae dapat,"

Bakit ba sya ganyan sakin?Naglalaro lang naman ako eh?Sino ba siya ? Bakit panay puna niya sa pinaggagawa ko. Halos araw araw andito siya sa harden namin para gambalain paglalaro ko. At ito na naman siya ngayon. Mukhang masaya siya na laging iniinis ako at ginagalit .

Dreaming Of You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon