Chapter 2: A Glance

701 60 25
                                    

Dreaming Of You
"A Glance"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

Andito kami ngayon sa food court. Mistula naging tagpuan namin mga magkakaibigan ang lugar na'to para magbabad sa kasiyahan at katatawanan.

Matapos nga ang araw na pag-imbinta nila kay Ethan ay hindi na rin ito nawawala at lagi na rin namin kasama. Hindi naglaon mas lumaki pa ang bilang ng samahan namin dahil sa pagpapakilala ni Ethan sa iba niya pang kaibigan, si Alex at Michael.Dahil do'n, mas lumawak ang sakop ng ingay mula sa'min. Lagi kong pinapakiramdaman ang palagid at napapansin na kami lagi ang nasa atensyon nila.

"Siguro dapat gumawa ng samahan si Pia, Alex,at Luke nuh?"Nabaling atensyon namin kay Joseph na ngayon mismo ay malapad ang ngiti."Tapos ang pangalan ng grupo nila ay THE SILENT DEVILS,"dagdag niya pa sabay halakhak ng malakas.

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Pia at Alex. At wala 'ni isa samin ang nagbalak na magsalita.

"See,'ni isa sa kanila wala man lang karea-reaction. Huy,ano ba iniisip nyong tatlo,huh? Miyembro ba kayo ng isang lihim na kilosan na ang layunin ay mag ispiya at mag imbestiga?Tapos kung may makita kayo o may matagpuan na ebidensya na magpapatunay na hindi makatarungan ang isang organisation, kilosan at sistema ay kayo mismo ang hahatol sa papamagitan ng kamatayan,ganun?" Mahabang lantaya ni Ellice na ikinagulat ko.

Saan niya nakukuha ang ganyang klaseng pag iisip? Lahat sila nakatuon atensyon sa'ming tatlo na magkakatabi sa iisa at mahabang upuan.

Kaya hindi rin kami maiwasang pagpukolan ng atensyon ng apat na'to dahil magkakatabi kaming tatlo palagi na walang ibang ginawa kundi makinig at manahimik.

"Stop it,Ellice,we're not in somewhat that you read on wattpad,okay?Kaya ka nasasaktan kasi nakakulong sa pagpapantasya,"sabi ni Alex.

Mababakas mo sa kanya 'yong iritasyon. Napatingin naman ako kay Ellice na bahagyang nagtiim bagang sa mga narinig niya.

"Oy,ang hard mo naman pareng Alex. Hinay hinay lang. Nagbibiruan lang tayo dito!Masyado ka namang high blood," Panunuyo ni Michael,isa pa sa mga kaibigan ni Ethan na dumagdag sa maligalig na grupo namin.

"You know what Alex,be careful,okay? You seem so hate me. Baka sa huli magsisi ka at magustohan mo ako.Marami na pa naman akong nabasang istorya na ang konsepto nang pagmamahalan ay THE MORE YOU HATE,THE MORE YOU LOVE,"kompiyansang pagkakasabi ni Ellice pagkapos ay umismid.

Bumuntong hininga naman si Alex at ipinagsawalang bahala ang mga narinig.Kung babasahin mo reaction niya parang nakarinig siya ng walang kakwenta kwentang bagay.

Napailing na lang ako.
Gan'to umiikot araw ko pag kasama ko sila.Aaminin ko,nakakarindi pero masaya.Mas dumami kami. Nadagdagan ng maiingay at loko-loko.Napasama rin sa grupo ang tahimik lang na gaya ko,si Alex. Pinagkaiba lang ay pikonin siya at sobrang lamig kung makitungo. Hindi nga ngumingiti.Ayaw niya rin nasesentro siya sa usapan.

Napabalik ako sa ulirat ng sikohin ako ni Pia.Tinignan ko siya,bahagyang napakunot noo ko nang mapansing ngumunguso ito sa isang direksyon. Agad ko namang itinuon atensyon ko direkta sa nginguso niya. At nakitang nakatingin na naman ito sakin. Ethan.

Lagi ko siyang nahuhuli na ganyan. Minsan nadadatnan ko siyang nakatingin sa'kin kaya sinusuklian ko siya ng pagngiti. Tapos magugulat ako bigla itong mapapalunok at iiwas ng tingin.Kaya madalas napapaisip akong itanong kung bakit panay tingin niya sakin.Kasi medyo naiilang na rin ako sa kinikilos niya. Dagdagan pa ng pagpapakahulogan ni Pia sa inaakto niya na mas nagpapagulo ng isip ko.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now