Chapter 6: Emotionally Drained

405 35 5
                                    

Dreaming Of You
"Emotionally Drained"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

Hanggang ngayon hindi parin ako tinatakasan ng mga alala na iyon. Isang linggo na rin ang nakakalipas pero parang hindi naluluma o  nalalaos ang isang hindi makapigil hiningang tagpo. I still can't believe that guy would kiss me.

Nakakapanghina ang mga titig niya na umaalis sa kakayahan kong kumilos. Lalo na yong moment na nagdampi ang labi niya sa labi ko. He was kissing me gently but enough to make my system densed. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong paunlakan ganung tagpo.

Gusto kong pagalitan sarili ko dahil hindi man lang ako nagsisi na hinayaan ko siya. Hindi ko alam kung panong nangyare ang mga bagay na iyon? Bakit niya ako hinalikan? Bakit ako natangay sa halik niya? Bakit na wala ako sa linya ng katinuan? Bakit ganto nararamdaman ko?

Walang oras o minuto na hindi ko naiisip siya.  Ang isipin siya ay sumasakop sa paniginip ko at ibinabalik kami sa tagpong iyon. May kakaiba sa kanya na nagbibigay dahilan para sumuko ang lakas ng loob ko. Nakakapanglambot at nakakapanghina.

"Mr. Poblacion?"

Pero ang lubos na hindi ko maunawaan na kahit sinasakop na ako ng napakaraming kagulohan at kalitohan, ay lagi akong nauuwi sa pagngiti.

"Mr. Poblacion, are you with us?"

Yong feeling na nakakabahala pero parang napakasaya  tapos napaka exciting na---ewan, hindi ko maintindihan.  Unexpected and unusual feelings kung tungkol sa kanya.

"Mr. Luke Frederick Poblacion! What the? Nakikinig ka ba?"

Bigla akong naipabalik sa ulirat ng bumungad sa mukha ko ang mukha ni sir. I rotate my head around the room and find out that they're all looking at me.  I must be dumbfounded again. Lagi na lang ako lutang at hindi mahanap ang huwisyo. Nakakailang bisis nang mangyare to sakin.

Tinunguan ko lamang si sir.
Mukhang hindi siya nakuntento. Napagkawala siya nang pagbuntong hininga at enikis ang dalawang braso sa dibdib. Naniningkit akong tinitignan ng mga mata niyang natatakpan ng makapal na salamin.

"Where's your attention Mr . Poblacion? You've been acting strange and unusual lately! "
Anas niya na bahagya kong ikatuwid ng upo.

"I'm sorry sir. This won't happen again."

"You've been forgiven and excused for many times Mr. Poblacion. But this time I can't tolerate your actions. I'll give you a punishment," maowtiridad na saad niya. Hindi na ako kumibo. Wala na akong magagawa sa desisyon niya. Umalis ito sa tapat ko at naglakad papunta sa harap ng klase.

"I'll think what punishment should I give to you . I know you are capable of many things so naisipan kong bigyan ka ng bagay na hindi madali. Next week ko sasabihin sayo,"

Iba't ibang reaksyon ang makikita sa loob ng klase ngayon. Ang iba parang naaawa sa'kin, ang iba naman ay kompiyansa na parang sinasabi na kakayanin ko.

Napaisip ako. Anong klaseng parusa 'yon? Hindi naman disadvantage sa'kin ang mga punishment. Writing, drawing, speaking, dancing, singing o anuman ay napapanindigan ko. Alin man don sa parusa na maibibigay sa'kin ay pabor, dahil maibabaling atensyon ko sa ibang bagay. Lalo na sa mga ponto nato parang nababahala ako na parang masaya. Parang hibang lang.

"Ok. Class dismiss!"

Nang sabihin iyon ni sir ay nakalabas ang lahat ng naiipon na hangin sa tiyan ng mga kaklase ko. Mas kinabahan at mas tensyunado sila kaysa sakin.

Dreaming Of You [On Going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt