Chapter 9: The Scene

414 35 38
                                    

Dreaming Of You
"The Scene"
<><><>
Lucas Tyler Valdro


MABILIS ko siyang hinila palabas ng banyo. Pinilig ko aking ulo habang naglalakad. Hanggang ngayon nagugulohan ako. Para akong uhaw at gutom sa kasagotan. Hindi naman dapat malaking bagay 'to e, pero lakas makabasag ng paniniwala at konsepto ko. No one can blame me if I am acting this way. Ayaw ko sa kasipang bakla pero heto ako ngayon, may kung anong nararamdamang bugso sa kapwa ko na kasarian. Libog man 'to o anuman, nanatiling naiintriga nu'n ang pagkalalaki ko.

Kanina binunton ko ang inis sa kanya. Sumasakop sa kaisipan ko ang ideyang hindi ko alam kung makatwiran ba o kapani-paniwala. Ang tanging nasa isip ko ay tuldokan ang kalitohang diladala ko. Kaya nga naparatangan ko siyang may orasyon siyang ginawa para maramdaman ko ang kapusokan at ibaling sa kanya. Only to find out na hindi lang pala ako ang nagugulohan at nalilito, mangin siya .

Nitong mga nagdaang araw, pagkatapos nga ng unang tagpo namin na iyon, halos hindi siya nawala sa isip. Nakakahibang man pakinggan pero gumawa ako ng hakbang para lang masilayan ulit siya. Masyadong mali pakinggan kung tatawag ako kaya humantong ako sa punto na kinailangan kong e track ang lokasyon niya sa pamamagitan ng kanyang number. Nang mahanap ko nga ang tinutuluyan niyang tirihan ay palihim na akong pumupuslit doon. Hindi ko alam pero satuwing tanaw ko siya ay ibang saya ang dinudulot sa'kin. Gusto ko siyang lapitan kaso may humihila sa akin na wag gawin iyon. Napanghihinaan ako ng loob. Kaya nga imbis na lapitan siya ay tinatanaw ko na lang siya mula sa malayo. Lagi kong ginagawa 'yon satuwing sumasampa ang hindi mapangalanang pakiramdam sa'kin.

Bakit ko 'to nararamdaman sa kanya? Lalaki pa ba ako?

Sa totoo lang walang nagbabago sa pagkalalaki ko. Kung usapang kamunduhan man ay nanatili parin iyon sa'kin pero ngayon, pakiramdam ko mas nadepina dahil sa kanya, mas mapusok at mas agresibo ang dating. Hindi ko maunawaan. Sinubukan kong kalimutan siya sa pamamagitan ng pakikipag siping sa mga babae which is hindi ko gawain pero hahalik palang ako ay nabubuhay yong bwisit na konsensya at guilty nato. 'Yong mas nakakabahala ay bigla bigla kong naaalala mala anghel niyang mukha pag nagsusumikap akong alisin siya sa isipan ko. Feeling ko nagtataksil ako.

Nagpatangay lang siya sa panghihila ko sa kanya hanggang sa makarating na kami sa tapat ni Ethan. Gumuhit ang gitla sa mukha niya, lalo na nu'ng mamataan niya kamay ko na ngayon ay nasa pulupulsuhan na ni Luke.
"Tol,anong ginagawa mo kay Luke?" Tsaka tumayo. Habang si Covy at Max naman ay nakatingin lang sa'min.

Sinubukan magpumiglas ni Luke sa'kin pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.

"Kailangan ko siyang makausap," malamig kong sagot. Bumaling ako kay Luke. Nasa kamay ko ang atensyon niya. Para bang sinusubukang alamin kung papano siya makakatakas noon. I smirked. Try harder, baby.

"Tol, kung iniisip mong saktan siya..."

Nangunot noo ko sa paglalambitin niya. He's acting as if siya ang boyfriend. Sila ba? May relasyon ba sila? Tsk!

'Selos ka siguro?'

Nagtagis aking bagang. Hindi ko alam kung ano pinaglalaban ko. Basta ang alam ko kailangan kong makasama siya. Kahit ngayon lang.

"Bakit ano gagawin mo?" Hamon ko.

"Kung pwersa at koneksyon alam ko mas lamang ka, but I'll do whatever it takes just to protect someone who's special to me, Lucas."

Tinatawag niya na ako sa pangalan ko. Ibig sabihin lang nun ay seryoso na siya. Napahawak ako nang mas mahigpit sa kamay ni Luke. May kung anong pagkadisgusto o talagang hindi ko gusto sa mga sinabi niya. Sa tono nang pananalita niya parang nakakasiguro siyang may masama akong binabalak para sa taong tinutukoy niyang ispisyal.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now