Chapter 15: Mood

305 29 13
                                    

Dreaming Of You
"Mood"
<><><> 
Lucas Tyler Valdro

INIHANDA ko ang sarili ko mga pinaplano kong gagawin. Hindi ako sigurado dito pero kailangan para magkaideya ako kung papano gagawin pag nasa aktuwal na ako na sitwasyon. Mag isa ako ngayon dito sa kwarto ni Luke at nasa school nga siya sa pagkakataon na ito.

Tinext ko siya nang tinext pero lakas makabad trip yong ang tagal tagal niyang makasagot. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip na kasama niya Ethan na iyon. Tsk!

"Shit! Bakit ang bagal ng connection?"nasambit ko dahil sa dismayang nadarama.

"Pano ko mapapanuod ang m2m na video kung umeepal tong connection nato!"

Tsk! Don't get me wrong! Baka lang kasi balang araw ba, ay mangyare samin tapos para akong baliw na walang kaide' ideya. Kaya ito ako ngayon, sumasagap ng ideya kung papano siya gawin. Hihi

Hindi ko talaga alam, tinatablan ako ng pagkalalaki ko pag si Luke na ang pinag uusapan. Naramdaman ko na to dati sa mga babae pero nakukuha kong mag control at magtimpi kaya nga hanggang ngayon ay birhen pa ang loko. Pweee!

Malinaw sakin na lalaki parin ako kahit pa ang pangkalahatang kaisipang sa pagsasama ng kapwa lalaki ay bakla. Pero kay Luke ko nga mas napapatunayan pagkalalaki ko. Handa akong ipagtanggol ,ingatan at alagaan siya.

Andito parin ako sa ponto na patuloy paring tinutukoy ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko ba siya? Libog ba to? Infatuation ba to? O pagmamahal na?

Iniisip ko din si Nicole. I still want her back . Hindi ako naging mabuting boyfriend sa kanya sa loob ng dalawang taon nagpagsasama natin. Laging pasakit ang nabibigay ko sa kanya. Kailangan ko din alamin kung mahal ko pa ba siya o hindi ,dahil sa katunayan nagkakaroon ng komosyon sa utak ko sa mga pagkakataon ito. Ng dumating si Luke sobrang nayanig pagkatao ko.

Sa kanya ko lang naramdaman maging isip bata, maging pilyo, maging makulit , maging gago, maging libogin. Ibang komportable ang nararamdaman ko pag siya nasa paligid ko. Parang napakalutong at napakasariwa ng mga ngiti, inis , galit, tampo , at tawanan namin sa isa't isa.  Lahat ng alalahanin ko ay nawawala at napapalitan ng kaginhawaan.

"Ugh...." Bigla akong naibalik sa ulirat ng mapansing nagpiplay na ang video.

"Teka! Gago! Bakit ganito? Ah ganun pala dapat? Huh? Bakit may padila? Naku! Hahahaha! Ah ganun nga! Hmmm!"

Mga nasabi ko matapos mapanuod ang full video na iyon. Sa totoo lang nong una hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang naaasiwa ako at nandidiri pero-hahaha- nong naisip ko na dalawa kami ni Luke nag enjoy ako. Pisti!

Hindi pa ako nakontento at nanuod pa ng iba pang video. Ayoko sa masyadong brutal at mga walang pakundangang bigayan ng katawan. May mga video na iniiwasan kong tangkilikin dahil hindi umaangkop para samin ni Luke . Naghahanap ako yong tipong romantiko at mas sumasangay sa nararamdaman  . I want to be gentleman . Ayokong iparamdam sa kanya na makikipagtalik ako dahil sa katawan. Gusto ko maipabatid ang sinseridad ko. Hindi ko maiwasang mapangiti! Napakagago ko pala talaga! Hahaha! Napakakorni!

Sa malamang at malamang kung hindi ko nakilala ang nilalang na ito ay nakasadlak ang oras ko sa pag iinsayo at pag oorganisa sa gang ko. Laging nakadikit ang kilay na animo'y napalaki ng galit sa mundo. Tapos laging pang nagyeyelo ang pakikitungo sa mga tao dahil sa sobrang lamig.

Dreaming Of You [On Going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum