Chapter 12: Territory

356 29 19
                                    

Dreaming Of You
"Territory"
<><><>
Luke Frederick Poblacion

 ARAW ng lunes ngayon. Kaya naman maaga palang ay gumising na ako para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo matapos  maligo ay hindi ko mapigilang mapangiti nang masaksihan siya kung paano matulog sa kama ko.

Napakaamo ng gwapo niyang mukha habang natutulog. Ang kaliwang kamay niya ay nakapatong sa itaas ng tiyan nya, sa bahaging kanang kamay naman ay pinapatungan ng ulo niya.

Napakagwapo ng nilalang na ito. Sa malamang at malamang marami na siguro tong napaibig, napaiyak, at pinaasang mga babae. Walang makakatanggi sa mapupungay na mga mata niya na mas pinakisig ng  katamtamang pagkahaba ng pilik mata. May matapos na ilong na pinapailaliman ng magandang korteng labi . Dagdag mo pa ang ideyal na pagkatangkad na sa tiyantsa ko ay tumatakbo sa 6 feet. Matipuno , maganda ang tikas ng kanyang pangangatawan. Kung hindi lang siya nakahumikipkip sa kaayosang  bad boy ay masasabi mong larawan siya ng maaliwalas na lalaki . Para siyang archangel na ibinagsak ng langit dahil sa masamang pag uugali niya.

Tsk! Pervert! Hindi ko maiwasang mapangiti sa malikot kong imahinasyon pero.
.
.
.
hindi  ko rin alam, bigla akong nainis sa mga kaisipang pumapasok sa isip ko. Clingy din ba siya sa iba? Ganun din ba pakokitungo niya sa mga past relationships niya? Ganun din ba siya humalik sa iba?

Gusto kong bumalik sa cr at magpalunod sa malamig na tubig kasi mukhang hindi pa ako natatauhan sa mga pangamba ko. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Wala pa akong kaide-ideya sa pagkatao niya. Tanging pag uugali lang niya ang pinanghahawakan ko. Yong makulit, sutil, spoiled , demanding tapos manyak. Lahat yan puro negatibong katangian niya pero hindi ko maitatanggi na gustong gusto ko ang katangian na pinapakita niya. Dahil sa katunayan kaya ako nakakaramdam ng inis dahil gustong gusto ko yong pinapakita niya pero kailangan ko magpigil , kailangan naming magpigil dahil baka masyado lang kaming magpadalos-dalos . Kaya nararapat lang na magkakilanlan kami.

Lumapit ako sa kama na kinahihimlayan niya. Ayaw ko sanang gambalain siya sa mahimbing niyang pagkakatulog dahil mukhang makokonsensiya ako pero kailangan ko siyang paalalahanan na umuwi na.

Hindi niya nakagawang makauwi agad kahapon dahil sa nanatiling nasa sa loob ng sala si nang Elma sa mga pagkakataon na iyon. Actually ginawan ko talaga ng paraan para makalabas siya. Plinano kong agawin atensyon ni nang Elma at pinakiusapan na kunin niya sa bodega ang iba kong gamit na nakaimbak doon. Okey na sana ang lahat eh. Naayon na ang lahat sa plano kaso itong kumuhog nato nag inarte na naman at pinaandaran ako ng tamad-tamaran mode niya. Sinubukan ko pa ngang buhatin siya palabas ng kwarto pero hindi kinaya ng powers ko. Kaya ayon , wala akong nagawa.  Ano pa nga ba eh masusunod naman lahat ng gusto niya. 

Kinagabihan mga bandang alas dyes na. Alam ko tulog na si nang Elma pag ganuong oras kaya naman isa iyong perpektong pagkakataon para mapalabas ko na siya. Nang papasok na ako sa kwarto ay nanghina na ako at nawalan ng tsansa na gawin plano kong paalisin siya dahil mahimbing na itong natutulog. Gustong gusto ko siyang gisingin pero natatakot akong gambalain siya. Ang aliwalas kasi at ang gaan pagmasdan ng mukha niya habang natutulog. Sinong hindi makokonsensiya kung ganyan? Bumagsak nga balikat ko dahil naisip ko na ayaw niya naman talaga pang umuwi. Wala na akong nagawa pa at tinabihan siya sa pagtulog. Only to find out na gising pa pala talaga siya at nagtulog tulogan. Buong gabi kaming magkayakap habang natutulog. 

Mula sa pagkakayakap namin kagabi I suddenly remember the day I saw him , I knew from that day I felt affection towards him. Then after that night hindi na siya mawala pa sa isipan ko, he has been occupying my dream . Back in a time when we first met, I couldn't forget the feeling of butterflies flying over my stomach. Lalo na noong lumapat mga labi namin sa isa't isa. I know we were being pulled not by the physical attraction but  by the fire within us. At mas nayanig nga ang sistema ko matapos ng nakaw eksinang nagawa namin. At humantong na nga kami sa pontong ito.

Dreaming Of You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon