Chapter 4: Paranoid

533 41 6
                                    

Dreaming Of You
"Paranoid"
            <><><>          
Luke Frederick Poblacion

ARAW ng linggo ngayon. Kagabi lang nangyare 'yong pagkakapanalo ko sa sinalihan kong miss gay.At ngayon nga sa mismong araw na ito gaganapin ang naudlot na victory party na dapat sana kagabi ginanap.

"Wow naman bunso. Mukhang nakapag uwi ka na naman ng korona ah,"si kuya Timothy na may hawak ng isang tasang kape. Bahagya pa 'tong tumawa.

Hindi ko siya tinugonan at piniling ipakita sa kanya na abala ako sa paghahanda ng pagkain. Sana maisipan niyang wag ako gambalain kahit pa mukhang imposible dahil nakaimprinta na sa mukha niya ngayon ang kapilyohan. Mas nilakihan at binilisan ko pa ang bawat kilos ko.

"So kailan mo ba balak mag jowa huh,bunso? Matagal tagal ka na din hindi nag uuwi dito ng mga lovers mo ah," sabi nito at tinapos ang pangungusap sa pagtawa.

Talagang hindi mawawala sa bawat sasabihin niya ang pagtawa lalo na kung ako kausap. Sinamaan ko siya ng tingin. Sa lahat ata ng tao kay kuya at sa'king pamilya lang ako panatag na ipahayag ibang bahagi ng nararamdaman ko.

Umismid ako,"At kailan ba ako nag uwi ng mga tao dito?" Hamon ko sa kanya.

"Ay wala pa nga pala, nuh? Pero feeling ko isa sa mga bisita mo ay jowa mo o magiging jowa palang."

Hindi ko alam pero bigla akong natigilan sa sinabi niya. Rumehistro sa isipan ko ang lalaking nakita ko kagabi.

Teka nga... Bakit bigla kong naiisip ang lalaking 'to?

Bumuntong hininga ako, umiling at
sinamaan nalang ng tingin si kuya.

"Ikaw bunso ah, ang unfair mo sa kuya mo. Dapat ako una mo sinasabihan kong may baby kana! Kakatampo tuloy!"Aniya sabay pout.

"Tigilan mo nga ako kuy----"

"Tapos ang supla-suplado mo pa sakin samantala sa ibang tao halos santo ka kung umasta!" Biglang naalintana ang mga ginagawa ko ng pinisil ni kuya pisngi ko.

Hindi parin talaga nagbabago 'to.Tingin niya sakin bata. At tama siya, suplado ako sa kanya. Pinapalabas niya sungay ko pag kinakausap niya ako. May kung ano sa presensiya niya ang nagpapaninis sa'kin. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa ngiti, tawa o mukha niya. Ewan.

"Nang Elma oh si kuya Timothy." Pikong panumumbong ko kay nang Elma nang mahagip siya ng pangingin ko.

"Ays. Pagpasyensyahan mo na yang kuya mo. Naglalambing lang naman yan sayo eh. Namiss ka lang niyan." Buong akala ko, ako ipagtatanggol  ni nang Elma gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Hays. Ansakit nang Elma. Ginaganyan ako ng pinakamamahal kong kapatid. Eh naglalambing lang naman ako!" Pag iinarte ni kuya tapos ay kunwari naghawi ng luha sa pisngi kahit wala namang luhang bumabagsak. Nilulukot niya rin mukha niya. Parang sira.

"Ikaw din naman kasi,alam mong hindi na bata kapatid mo,tapos pipisilin mo pa pisngi niya," Pangangaral ni nang Elma.

Patuya kong binalingan si kuya. Buti nga sa kanya.

"Eh tinatanong ko lang naman kung may jowa ba siya o wala eh," agap niya tapos patuloy parin sa kunwaring pag iyak." Pero inaway niya ako ng napakatindi. Galit sakin kapatid ko. Nagtatanim ng sama ng loob!" Dugtong niya pa.

"Ays, bakit kasi tanong ka ng tanong eh personal na buhay niya iyon. So may jowa kaba ngayon Luke?" Ani ni nang Elma ngayon mismo ay bumanghalit na rin ng tawa.

Ok! I'm out! Pinagkakaisahan ako ng dalawang 'to.

Tinignan ko sila ng walang mababatid na ekspresyon sa mukha.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now