CHAPTER 2: SOMETHING FISHY

143 69 18
                                    

CHAPTER 2:

Time check 6:00am

"Late kana naman." sita saken ni papa at binigay na ang allowance ko. "Pasok napo ako mommy, papa" paalam ko sakanya at kay mommy. Even ganto ako palate late pumasok ay mahusay naman ako sa school. Im an honor student din naman.

I check my phone habang nasa kotse *November 29 na pala malapit na ang paskuhan namin*and something pop up in my messenger app. Its Gab, kaMU ko HAHAHAHAHA. I Ignore it diko inopen ang message nya at nilagay na sa bag ko yung phone ko dahil baba nako ng kotse at mag aabang na ng jeep.

May paparating na Jeep at walang sakay kundi ako lang. Tahimik akong nagmamasid sa daan at patingin tingin lang sa paligid. Grabe late na talaga ako halos wala ng mga nag aabang na students papasok sa school namin.

Ng makarating ako sa school ay agad naman akong bumaba at naglakad papunta sa school. Dipa ko lubos na nakakarating sa gate ng school namin ay nakita kona ang mga kaklase ko na nag aabang din ng mga kaklase nila para magpabili ng floorwax. Yes alam kona dahil na naman to sa adviser namin na panay linis ng room ang gusto haynakooo.

"Isabelllll wag ka muna pumasok bili ka muna floorwax" sabi sakin ng kaklase kong lalaki si Josh.

Agad ko namang sinamaan ng tingin ito. Dina kasi pedeng lumabas ng campus kapag nakapasok na. Kaya ayun nag aabang talaga sila HAHAHAHAHA pero dahil mabait ako kaya sinunod ko kawawa naman e.

"ilan?" tanong ko sakanya.

"tatlo bes" sagot nya.

Agad ko namang kinuha ang pera at kinuha naman nya ang bag ko. Caring din talaga tong kupal nato e.

"Hoy magdagdag ka payb dyan ha! Wala kapang ambag" pahabol nya. Aba di ako nakaligtas dun kala koba naman ligtas nako. - _-

Pumunta naman ako agad sa tindahan. Habang bumibili ako ng floorwax ay nakita ko si Mikael yung nakasabay ko sa jeep nung nakaraan.

"Hooooy!" Sigaw ko sakanya.

Agad naman syang napatigil sa paglalakad at lumapit saken diko naman expected na lalapit sya saken HAHAHAHA ang cute naman nya.

"Ginagawa mo dyan?" tanong nya.

"Bumibili ako floorwax para dun sa room, papasok nako naharang pako." Agad kong sagot sakanya. "Late kana naman" pangaasar ko sakanya.

"Kala mo naman ikaw hindi ka late." May pangaasar na sagot nya na kinatuwa ko naman para kaming close na close kung mag usap.

"Eto na hija tatlong floorwax" sabi ng tindera. Agad mo namang binyaran ng 45 pesos ang tindera at umalis na kami agad.

Kasabay ko ngayon si Mikael habang naglalakad papasok sa school namin natuwa naman ako dahil kahit late na sya inintay at sinabayan nya parin ako.

Pagpasok sa gate ay agad kaming naghiwalay dahil pakaliwa ang room nya at pakanan naman ako. "byeee" paalam ko sakanya habang nakangiti. "byee" nakangiti nya ring paalam sa akin.

---
Mikael's pov

Late na late na nga ko sa klase namin pero nagawa kopa rin syang hintuan? *Gosssh! * Late na naman ako kay ma'am terror baka dina naman ako makapasok dun.

Maswerte ako dahil ang student teacher nya lng ang nandun. Yesss! Swerte pako. Di ata malas si Isabel kapag sya ang unang bubungad sa akin sa umaga HAHAHAHA!

"Mikael Mooxtar! Late kana naman ah" sita saken ng aming student teacher. "Sorry po ma'am" at agad naman akong naupo sa tabi ng mga kaibigan ko.

"Hoy Mikael! Samahan moko mamaya sa best friend ko ah kay Isabel" bungad naman sakin ni Christine. Mag best friend kasi sila.

"Hindi kita masasamahan Pre. May gagawin ako mamaya e." palusot ko sakanya. Pero sa totoo nahihiya ako kaharao yung babae na yun. Ang gangster kasi ng datingan nya saka ang astig tas famous din kasi yon. Di hamak ako simpleng gwapo lang HAHAHAHAHAHA.

"Preeee! Kanina si Shane ang aga aga nasa labas iniintay ka. Grabe ka naman tol. Tas late ka?" sabi naman sakin ng isa kong katropa na si Rey. Hindi ko sya pinansin tumawa lang ako. Wala naman kasi akong pake may Shane diko alam habol na habol parin, diko naman sya mahal ang kulit kasi kaya jinowa kona.

---
RECESS TIME

Nakita ko si Isabel di kalayuan. Nasa tapat sya ng classroom nya. Madami syang kasama lalaki at babae madami. Napatingin lang ako sakanya. At biglang dumating si Christine sakanya. Pinagmamasdan kolang silang mag best friend nakakatuwa sila ang astig nilang tingnan. Huli kong nasaksihan ang pagkakaibigan nila nung birthday ni Christine. Makikita don kung gaano kaeffort si Isabel na babae. Niregaluhan nya ito ng explosion box and necklace. Ang swerte ng magiging boyfriend neto.

Maganda si Isabel, medyo boyish ang datingan para bang puro aral lang ang alam sa buhay. Ano kaya ang interesting nya din na babae.

Bumili ako ng tubig at biscuit ko at bumalik ako sa inuupuan ko kung saan tanaw ko silang mag best friend. Ang ganda at ang astig talaga nila.

Maya maya lang dumating ang mga kaibigan namin na sila Rey tumabi sa akin.

"Pre andon si Shane hinahanap ka" natatawang sabi nito sa akin.

"Bayaan mo sya sus. Mangungulit na naman yun e." sbi ko dito.

"Ikaw kasi e. Inagaw mopa saken." sabi ni Jack saken. Yes sakanya kasi talaga yun. Nilaglag ko kasi si Jack kay Shane na pinagtitripan lang sya ni Jack. Tas ayun nahulog na saken, makulit kasi sya kaya siguro napagtitripan.

Dumaan si Shane sa amin. Diko sya pinansin di ako nagpakita sakanya. Kaya dinya ko nakita. And thanks lord kahit na tinuturo ako ng mga kasamahan ko di sya lumapit may mga teacher na kasi siguro pupunta na sakanila yung teacher nila.

--------
A/N ang playboy naman ng mga bata nato HAHAHAHAHA

Unexpectedly Yours Onde histórias criam vida. Descubra agora