CHAPTER 23: KYLE MENDEZ

52 33 0
                                    

CHAPTER 23:

Kakauwi lang namin ni Isabel galing sa jogging.

"Love sama ka sakin, mamamalengke ako" sabi ko kay Isabel na ngayon ay nakahiga sa higaan ko. Yup madalas kasi ako pasamahin ni mama kila manang mamalengke, para daw matuto ako. At pabor naman ako dun, hindi kasi natin masasabi kung anong mangayayre bukas. Baka bukas maghirap kami tas diman lang ako marunong mag sakripisyo.

Ngayong araw ng linggo pinili kona ako nalang ang mamalengke para isama ko si Isabel, hindi kasi marunong mamalengke si Isabel in short hindi sya marunong sa gawaing bahay or anything.

"Ahmp sure babe sasama ako" sagot nito sa akin na kala mo marunong mamalengke.

Dinala ko ang kotse namin na vios dahil ito naman talaga ang pamalengke namin. Sa bayan kami mamalengke kaya pinagpalit ko si Isabel ng tsinelas kasi for sure maputik dun.

"We're here!" sabi ko kay Isabel ng makapagpark kami. Bakas naman sa muka ni Isabel ang Excitement at bumaba ito sa kotse.

Hinawakan ko ang kamay nya dahil alam ko namang hindi sya sanay dito. Tahimik lang sya na nagmamasid masid sa paligid.

"Ano gusto mong lutuin natin mahal?" tanong ko dito.

*^_^*

"Kahit ano" cute na sagot nito sa akin.

"Ahhhh alam kona! Puchero, ipagluluto kita ng puchero. Mahilig ka daw dun sabi ni mommy" at agad ko syang inaya sa mga bilihan ng mga ingredients nito.

Matagal din kami nag paikot ikot sa palengke dahil madami din ang mga rekados nito at may mga pimabili pa sa akin si papa at manang na gamit sa bahay.

Bakas na sa muka ni Isabel ang pagod at hingal pero dipa rin mawala sakanya ang ngiti at ganda nitong taglay.

"Are you tired?" tanong ko dito na may halong pagaalala. "No hindi pa kaya pa" sagot nito.

Binilisan kona ang pamimili hawak hawak kolang sya dahil halata sakanya na hindi sya sanay sa palengke.

Natapos nadin kami at inayos kona ang mga pinamili namin sa compartment.

Bigla naman akong pinunasan ni Isabel ang mga pawis ko. Hayssss nakakainlove sya halata sa muka nya ang maalaga. Ang swerte ko.

"Ayan na ayos kana dika na haggard tingnan" sabi nito sa akin at sabay halik sa aking kanan na pisngi. Pinunasan ko din ang mga pawis nya dahil hindi lang naman ako ang pawis.

"Kahit may pawis ka maganda kaparin. Tara na uwi na tayo sa bahay" hinalikan ko ang ilonh nya na syang kinatuwa ni Isabel. Totoo ang sinabi ko maganda parin sya kahit na pawis sya.

Pinagbuksan ko ito ng pintuan ng kotse at sumakay na ito. Agad naman akong sumakay na din para makauwi na 10:30 narin kaya baka makate na kami buti nalang maaga kami umalis ng bahay.

Nakauwi kami sa bahay agad dahil malapit lang din naman sa amin ang palengke kaya mabilis lang. Binaba naman ni manong lahat ng pinamili namin, at inayos ni manang ang mga lulutuin.

"Manang ako napo ang magluluto, para matikman ni Isabel ang luto ko" sabi ko kay manang.

"Osige po sir" nakangiti nitong sabi at lumapit kay Isabel na ngayon ay nakaupo sa dining area. "Hija, masarap magluto si Mikael matitikman mo" napangiti ako sa sinabi ni manang kay Isabel kaya mas lalo akong ginanahan magluto.

Habang nagluluto ay nagvibrate ang phone ko. May notification galing sa Instagram ni Isabel.

Ng buksan ko ito nagmessage si Kyle, ang ex ni Isabel kaya agad ko itong binuksan.

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now