CHAPTER 6: COMEBACK OR NAH?

75 54 1
                                    

CHAPTER 6:

Bukas na yung swimming namin kaya chinat ko si Kyle para ipaalala sakanya yung swimming.

To Kyle :

See you tomorrow ha? Sunduin moba ko?

Agad nyang naseen at nagreply sya agad na dahilan ng pagkabog ng dibdib ko ng malakas.

Yes, susunduin kita dyan sainyo abno be prepared ha? Labyu~

Shit my heart huhuhu! Kinikilig parin ako sakanya pero i dunno kakirihan nalang siguro to HAHA.

Agad naman akong pumunta sa mall para mamili ng foods para bukas at mga susuotin ko. Bumili ako ng mga favorite snacks ni Kyle at mga favorite snacks ko. Bumili din ako ng mga pang adobo para lutuan si Kyle at pang gawa ng leche plan.

---
Swimming day

It's 6am in the morning agad kong kinuha ang phone ko at chineck ang messenger ko.

From Kyle:

Hi abno, I'll be there around 6:30

Owwe shit! Im too late. Agad naman akong tumayo at pumunta sa bathroom ko mabilis na naligo. Nagsuot ako ng short and long sleeve and sinuot ko yung tsinelas ko na pang swimming. At kinuha ang mga gamit ko. Nagmamadali na talaga ako, kinuha ko ang mga pinrepare ko last night and mga foods na hinanda ni manang for me.

Time check 6:45am O_O

*20 messages from Kyle Mendez *

Shocks

Nasa labas na si Kyle kaya nagmamadali ako. Gulo ang buhok ko at mamasa masa pa. Grabeeee

"Hi miss gulo ng buhay mo ah? Este buhok mo ah" natatawa sya na nang aasar. - _-

Diko sya pinansin at pumasok sa kotse nya. Pagkapasok ko sa kotse nya ay agad nya akong binigyan ng smack na kiss. Na syang kinapula ng pisngi ko. "let's go" sabi nya na may ngiti sa mga labi nya. Nakikita kona masaya sya. Pero ako parang nagdadalawang isip na ako sakanya. Pero diko maintindihan. Nung wala sya hinahanap hanap ko sya pero nung andyan na sya parang binabalewala kona.

Nakadating kami sa resort, andun na ang mgakaklase ko. Agad namang lumapit saken si Hannah "bat mo kasama ex mo? Ex mona sya diba?" nagtatakang tanong nya. "uso comeback hannah" singit ni Lyza. Kaya napatawa nalang ako sakanila. Naupo kami ni Kyle dito sa cottage namin. Habang ang mga kaklase kong lalaki ay nagiinuman. Kaya binigyan nila ito ng isang shot.

Kalaunan ay nagaya si Kyle umuwi. Pero pinauna kona sya dahil ayoko pa umuwi.

"sunduin kita mamaya after mo dito" sabi nya

"wag na sabay nalang ako kila Hannah" agad na sagot ko sakanya.

"okay magiingat ka lumayo ka sa mga boys dito ha lalo na dun sa isang lalaki na yun" paalala nya.

Ang tinutukoy nya ay ang pinsan ng kaklase ko na si Alfred. Dahil iba iyon makatingin sa akin at kilala nya yun dahil nakaaway ng kaibigan nya si Alfred.

Hinatid ko si Kyle sa parking lot. Hinalikan nya ako sa noo at sabay sabi nya ng "maayos na tayo mahal" seryoso nyang tanong habang nakangiti sya sa akin. Nginitian kona lang sya dahil hindi ko alam ang sasabihin sakanya "ingat ka" iisang nasambit ko sakanya. At bumalik na ako sa loob ng resort.

Nagshot ako at medyo natamaan ako ng kalasingan. Umakyat ako sa slide ng pool para magslide obviously. HAHAHAHA

Nakita kona sumunod si Alfred sakin. For me Alfred is okay he is a nice man kaya honestly hindi ko sinunod si Kyle na iwasan si Alfred. Dala ni Alfred ang phone ni Carla at nagpapicture sya saken.

"Isabel picture tayo" panghihingi nya ng pabor sa akin.

"Sige tara" sang ayon ko sakanya.

Nagpicture kami na walang halong malisya. Friendly pictures lang ang lahat.

---
9pm na ng gabi ng ihatid ako nila Hannah dito sa bahay. At agad ko namang chinat si kyle na nakauwi nako.

----
Kyle's pov

Umalis ako dun sa Resort dahil hindi ako nakahinga ng maayos. Yep dahil yung pinainom saken na alak ay hindi ko gusto. Naninikip ang dibdib ko dun. Kaya umuwi nako at nagpahinga sa bahay. Hindi ko gustong iwan si Isabel dun na may mga lalaki. Dahil una sa lahat si Isabel ay lapitin ng mga mapupusok na lalaki. Pero ayaw naman nya sumabay saken pauwi ayoko naman syang paghigpitan dahil una palang hindi pa kami nagkakabalikan.

8pm na pero dipa sya nakakauwi. Kinakabahan nako. Pero hinayaan kona lang sya ayoko maparanoid ayoko mag overthink dahil may tiwala ako sakanya.

From Isabel

Nakauwi napo ako.

Shit! 9pm na ngayon palang sya umuwi? Grabe talaga tong babae nato

Good pahinga kana dyan labyu~

Reply ko sakanya at nagout nako dahil nakahinga nako ng maluwag hindi nako nagaalala.

Time check 1am

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung pano kami magkakabalikan ni Isabel. Mahal na mahal ko si Isabel inintay ko sya maggrow. Kaya hanggang ngayon gusto kopa rin sya. Si Isabel lang ang nagmahal saken ng totoo. Kahit na isa akong lesbian. Nagsisisi ako nung araw na iniwan kopa sya. Sana pala mas pinili kona lang na maggrow kami together kesa bitawan pa ng isang katulad nya. Sobrang hirap dahil sobra ko syang nasaktan noon sa pagtataboy ko sakanya pero hanggang ngayon andito parin sya.

*ring*

-Carlos send a picture-

Si Carlos may sinend na picture sa messenger ko kaya agad kong binuksan yon.

o_o pagbukas ko bumungad sa akin ang picture ni Isabel kasama si Alfred. Magkadikit sila close na close pa. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko ang daming tanong sakin. Kaya agad kong chinat si Isabel para sabihin saknaya ang nalaman ko. Inupload ng isa sa mga kasamahan nila sa swimming.

To Isabel

You send a photo

Isabel ano to

Gumaganti kaba saken

Nagsabi naman ako diba

Bakit may ganto

T*ng*na naman, nagaayos palang tayo. Dimo ba alam kung gano ko kagustong bumalik ka.

Bahala kana Isabel. Para mokong ginag*g*

Binlock ko si Isabel dahil natatakot ako sa isasahot nya. Hindi ako makatulog 4am na pero gising parin ako. Ng biglang magring ang phone ko.

Isabel is Calling.......

Time check 4am

Sinagot ko yun agad at narinig ko ang boses ni Isabel na umiiyak nanlambot ako dun pero diko hinayaan na maging marupok ako. Di ako nagsasalita hinahayaan kolang sya mag sorry umiyak magpaliwag pero sarado talaga ang isip ko at ayoko sya makita o marinig ang boses nya.


~~~~
Grrrrr mapride kasi si Kyle tomboy naman

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now